Chapter 40: Romantic

4.3K 76 2
                                    

"How are you, Ari? Masaya ka naman ba?" Tanong ni Ate mula sa kabilang linya.

She's now staying in Canada with her own family for good. And seeing the glimpse of happiness through her eyes makes me proud of her. She deserves this comfortable life she has right now. Dahil alerto akong noon, marami rin siyang pinagdaanan na sinasarili niya.

"Don't worry, Ate. My heart is happy." I didn't lie about that, sinambit ko 'yon na magaan ang puso ko.

Josaiah as a boyfriend is truly an ideal for me. Despite his busy schedule, he'll still make ways for us to be together. He's clingy and protective, but at the same time understandable boyfriend.

"Oh siya, sabihan mo lang ako kapag kailangan mo ako. Open ears lang si Ate sa 'yo," nakangiting saad niya, na siyang nagpalawak ng ngiti sa aking mukha.

I gave her a short nod, as I bid goodbye to her. Once in a blue moon lang kami magkausap ni Ate, pero madalas naman silang magkausap ni Mama dahil nangungulila rin ito sa kaniya.

Papatayin ko na sana ang cellphone ko, upang ligpitin na ang mga gamit ko nang makatanggap ako ng mensahe kay Josaiah.

Josaiah Vero:
I'm here outside of your building, no pressure take your time:))

Napagkasunduan namin na magkikita ngayong araw, dahil sa susunod na linggo ay luluwas siya ng ibang bansa upang suportahan ang eskuwelahang pinapalakad niya sa isang kompetisyon.

Inayos ko ang sarili ko, bago tuluyang lumabas ng building. Nagpaalam ako sa sekretarya ko, na masiglang tumango sa akin.

"Enjoy, Attorney!" Inilingan ko siya. Sa minsanang pagdalaw ng mga kaibigan ko sa opisina ko, tila nahawaan na nila ang enerhiya ng sekretarya ko.

Pagkarating sa labas, natagpuan ko rin naman ang presensya ng aking nobyo. His face lifted up as soon as he saw me. Ngumiti siya sa akin, at hindi ko maiwasang humanga sa taglay niyang kakisigan. He's wearing a white T-shirt that looks fitted on him, he also patterned it with a black maong jacket and a pair of light blue jeans.

Lumapit siya sa akin, upang kuhanin ang gamit ko mula sa akin. "Have you eaten?" tanong bungad niya.

"I did, kinain ko yung pinadala mo." He offered me his hand and I accepted it.

Nasanay na akong, palagi siyang nagpapadala ng pagkain kada-tanghalian, agahan, at kahit hapunan. Sa sobrang tutok ko kasi sa trabaho, napagkakaligtaan ko na rin kumain.

"How was it?" he asked about the food. Pinagbuksan niya muli ako ng pintuan, katulad ng kaniyang palaging ginagawa. Pinasadahan ko ang itsura niya, mukha siyang kinakabahan sa magiging sagot ko kaya bahagya akong natawa.

"Why? Did you cook that ba?" Mabagal siyang tumango. "Don't worry, it tastes like a cook of a five-star chef," I assured him, base sa itsura niya mukhang nakahinga siya ng maluwag.

Pumasok na rin naman siya ng sasakyan, at hinayaan akong magpatugtog sa speaker niya. We talked about his feelings about the competition that they will participate in Bahrain.

"I actually feel excited, but sad at the same time 'cause I won't see you," napasinghal ako sa kawalan dahil sa pinagsasabi niya. Bahagya naman siyang tumawa dahil sa ekspresyon ko. "Pero seryoso, I'm gonna miss you."

Ilang linggo rin ang papamalagiin nila sa lugar na iyon, and once they win they'll go to another country again.

"Saan ba tayo pupunta?" pag-iiba ko ng topic. Dahil pakiramdam ko namumula na ang mukha ko sa mga sinasabi niya.

"Somewhere," he let out a soft chuckle.

Nakarating din naman kami sa paroroonan. I roamed my eyes to the place even though I was still sitting here inside the car. Mabilis namang lumabas si Josaiah upang pagbuksan ako ng pintuan, he then offered me his again.

Sweet Romantic (Loose Trilogy #2)Where stories live. Discover now