Chapter 34: Waves

3.2K 67 6
                                    

Sa along mabangis, na animo'y dinala ako sa kadiliman kasabay ang kidlat, na 'di kalaunay nagbigay liwanag sa aking noong pagkaligaw. Sa noong hindi ko alam kung tama nga ba na sundin ko ang pangarap ni Mama. . .ngunit sa huli, ang pintig ng puso ko ang nangibabaw. Sa buhay, ang unos ang maaaring magdala sa atin sa tamang direksyon. Maaaring tayo'y maligaw, at mawalan ng mga taong nasa paligid natin, alinsunod rito... ang buhay ay hindi hihinto.

Maliban na lamang kung nagampanan na natin ang ating suliranin. Ang buhay ay patuloy na kukulay, kahit dumaan man ang unos. Katulad ng isang bahaghari, hindi ito maglalabas ng magandang kulay kung hindi dumaan ang ulan.

And now, watching Niña wearing a white dress symbolizing that she's now tying the knot with Beau. Nawalan man ng koneksyon ang pagkakaibigan namin, dahil pinangunahan ako ng pagmamataas sa sarili. It was a misunderstanding after all. Pareho kaming natakot na sumabay sa bangis ng alon.

"Congratulations, soon-to-be Johnsons," I told her while keeping a genuine smile on my face. I feel so proud of her that she found a man who will profound her happiness.

Mula sa salamin, nilingon niya ang repleksyon ko. Her eyes are glistening, with so much joy.

"Thank you, Amaryllis..."

Lumabas muna ako saglit, upang bigyan ang sarili ng pagkakataon na huminga. Nakabihis na rin naman ako, at maya-maya lamang ay tutungo na kami sa simbahan dito sa Cebu, bago magsimula ang seremonya.

I'm wearing a peach silky dress that hugs my body perfectly, otherwise it was flowy at the end. Nakasuot din ako ng higheels, paniguradong mapapagod ako ngayong araw. As soon as I saw the invitation, tila nalula yata ako sa mga darating na bisita. Karamihan kasi rito ay mayroong pangalan sa corporate world, at ang iba ay sa industriya. Truly, Niña and Beau's family connection is no joke.

Ala una y media nang sabay-sabay kaming nagtungo sa simbahan, mabuti na lang at isa sa bridesmaid si Jessica, kaya kahit papaano hindi ako naiilang sa paligid. Ilan kasi sa bridesmaid ni Niña ay ang mga schoolmate namin noong high school. Kiara Magiella is also here. There are a lot of changes on her, at lalo lamang siyang gumanda.

"Ang ganda talaga ni Kiara, tangkad, kaloka." Hindi ko mapigilang sumanggayon kay Jessica. "Perfect timing din talaga 'tong kasal ni Niña," she blurted out, the reason why I turned my gaze on her.

"What do you mean?"

Tumaas ang isang kilay ko nang unti-unting may namuong nakakalokong ngisi sa kaniyang mukha. "Wala lang, parang nagkaroon ng reunion yung mga muntikan," makabuluhang sambit niya.

Pinipigilan ko na ngang isipin ang lalaki ngayong araw, but she making me think of him! I didn't see him a while ago, which is a good idea I guess? Ngayon kasi, hindi pa namin nakikita ang mga groomsmen. Kaya medyo kampante ako.

Kukuwestyunin ko sana siya, nang lumapit na sa amin ang organizer at inabisuhan kaming maghanda na. Inayos ko tuloy ang postura ko at sinamaan ng tingin si Jessica, na hindi na matanggal-tanggal ang ngisi. As a bridesmaid, nagsama na sila ng ka-partner niya na groomsmen. It was Cholo, na bahagyang lumingon sa akin at tumango. I just nod back.

"Why do you look so bothered?" Umangat ang tingin ko kay Theo na siyang magiging kapartner ko. Naka-heels na ako, but his height is no joke. Hanggang balikat niya lang ako! "Ikaw ba ang ikakasal?" Inirapan ko siya sa kawalan.

Honestly, I'm comfortable around him. Madali naman kasi siyang pakisamahan. Well, lahat naman ng kaibigan kong lalaki ngayon. They all act like gentlemen. Kaya panatag akong masuwerte ang makakasama nila pagtanda. Nevertheless, they live as singles for life.

"Eme mo, sis." I rebut. He let out a manly chuckle.

"Raine..." I returned back my gaze to Jessica, who was facing in front of me while her body was facing at me. Nakakaloko siyang nakangiti, at makahulugang ngumuso mula sa aking likuran. Kaya unti-unti akong napalingon dito.

Sweet Romantic (Loose Trilogy #2)Where stories live. Discover now