"Ilang grado 'yan?" tukoy ni Kyle sa salamin ko, ilang beses na nilang sinasabi na hindi sila sanay na makita na nakasalamin ako.
"Grade 12 na HumSS ta's 6'0 ang height daw," gatong ni Jessica na nakakalokong nakangisi sa akin. Napairap lamang ako sa kawalan, dahil sa kakengkuyan niya.
"Gaga." Tumawa naman sina Monique, at Jia sa pinagsasabi ni Jessica.
Siyempre, alam na nila ang ukol sa nagbigay ng salamin na ito. Hindi ko kinuwento, but Kyle concluded, then I just confirmed it.
"Tigilan niyo na nga si Amari, kitang nag-aaral nang mabuti yung tao," pang-aasar pa ni Kyle.
Ito na naman sila, pinagtutulungan ako! Nasa library kami, to review for the upcoming exam, pero heto sila napakaingay!
Nagkahiwalay-hiwalay lang kami nang bumalik na kami sa kani-kanilang klase. Nakasalubong ko pa nga si Niña, pero hindi niya ako pinansin... I know it's been a month since she started avoiding us. Malungkot oo, lalo na't parang biglaan ang paglayo niya sa amin.
Kinabukasan, plinano ko namang tapusin na ang remaining hours ko sa immersion. Ang struggle kasi kapag mayroon pang ganito, kung hindi lang kami tinakot na hindi makakagraduate ang hindi nakakumpleto ng oras. Baka um-absent na ako rito. For now, dumiretso muna ako sa campus for attendance, saka para sabay na rin kami ni Kyle sa designated area namin.
"Amari!" I stopped for a moment when I heard someone calling my name. Nilingon ko ito and I confirmed that it was Isaiah. Naka-PE uniform din siya for their immersion. "Sama ka ba? May new restaurant dito. Baka want mo sumama. Around here lang sa area ng school!" Wala naman kaming training, sadyang nagkasalubong lang kami sa hallway.
Umiwas ako ng tingin. "Sino mga kasama?"
"Wynter organized this, makikipag-ayos daw kasi siya kay Lissy." Bumagal ang paghinga ko dahil sa sinambit niya. "But you need to come! That restaurant is from Ethane. Bago lang so, punta tayo as support." He sounds so innocent while stating those. Huminga ako ng malalim.
Hindi ko mapigilang mapaisip, kung alerto ba siya sa tunay na ugali ni Wynter? Well, the girl still has a lot of friends. Hindi naman kasi talaga maitatanggi na she's good at communicating with other people.
He breathes out helplessly. "Kung may tampo ka pa rin kay Ethane. Forget it, bagkus suportahan natin siya. He needs a friend right now."
Hindi ako makaimik sa tinuran ni Isaiah. My mind feels so clouded with the thought of... Wynter is making her way to sabotage her friend.
I excused myself to Isaiah so that I could go to the comfort room. Kailangan kong gisingin ang diwa ko. Good thing, hindi niya na ako tinanong pa nang madalian akong umalis.
I rushed down to the restroom, but it was locked. Hinawakan ko naman ang handle, pero nakasarado talaga ito. Aalis na sana ako, when I heard a voice inside the bathroom... it sounded like someone was crying.
Kumatok ako rito, nang unti-unting may namumuong kutob sa loob ko. Inilibot ko ang paningin sa paligid, to look for maintenance. Until I saw Papa.
"Papa!" Hindi ako nagdalawang isip na lapitan siya, na siyang 'di niya inaasahan. "May susi ka po ba sa banyo na 'yon?" I pointed to the restroom. Nagtataka naman siyang lumingon doon. "Please, kailangan ko lang po." Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko.
There's something inside me, na lalong kinababahala ko.
Tumango naman sa akin si Papa, at aligagang ibinigay sa akin ang susi na nasa bulsa niya. Hinanap niya pa ang eksaktong susi para sa pintuan sa banyo.
"Anong mayroon, Anak?" Hindi ko siya masagot, dahil masyadong nakatuon ang atensyon ko sa pagbukas ng banyo.
Palakas nang palakas ang iyak na naririnig ko. Saka lamang ako nakahinga ng maluwag nang tuluyan ko na itong mabuksan. My eyes darted to the side when I saw Maggie hugging herself. She looks so scared, kaya maingat ko siyang nilapitan.
YOU ARE READING
Sweet Romantic (Loose Trilogy #2)
General FictionSweet Romantic (Loose Trilogy #2) Failure and disappointment are the hardest things that she's afraid to achieve. Amaryllis Raine Lozano, a girl full of ambition--a goalkeeper perhaps. She's ready to risk everything just to stay on top, to receive...