Chapter 38: Essence

3.4K 81 5
                                    

"That's a wrap!" ika ni Direktor Gieford while holding the clipboard.

Hindi ko naman mapigilang mapangiti, dahil nairaos nila ang pagshooting sa loob ng limang buwan. Sa loob din ng limang buwan, marami na rin ang nangyari.

"You looked like a proud mom." Gulat kong nilingon si Josaiah na ngayo'y nasa tabi ko na pala.

Kagaya ko kanina, nakatingin din siya sa nagsasayang staffs at artista. 'Di kalaunan, lumingon na rin siya sa akin.

"Want some coffee?" I formed a small smile. Tumango ako sa kaniya.

Ngayon ko lang napagtanto na may hawak pala siyang cup ng kape na pangdalawang tao.

After the reunion, he really did what he promised... he started courting me. Slowly, I started to see the Josaiah back then but more mature. Dahilan upang lalo lamang akong mahulog sa kaniya.

He never put pressure on me to answer him, which I like about him. Sumimsim ako sa bigay niyang kape, at nagpaalam na aalis na rin. Sadyang sumaglit lang ako upang tignan ang huling araw ng taping.

"'Di na ba kita ihahatid?" He insisted. Umiling ako sa kaniya. Hinatid pa talaga niya ako mula sa parking lot.

Hindi ko nga maiwasang mahiya, dahil nasa paaralan pa rin kami. Subalit tuwing dumadalaw naman ako rito, palagi niya itong ginagawa... kaya kahit papaano nasasanay na ako.

"You have two appointments and one meeting sa Manila," paalala ko sa kaniya. He sighed and accepted his defeat. "Kaya ko naman ang sarili ko, Jo." Pansin ko ang unti-unting pagkunot ng noo niya, ngunit humupa iyon at napalitan ng ngiti.

"Hmm?" Hindi na matanggal ang nakabalandanang ngisi sa kaniyang mukha. "What did you call me again?" Napairap ako sa kawalan, at 'di mapigilang mahawa sa ngiti niya.

"Ewan ko sa 'yo, bye." He let out a soft chuckle. Hindi naman na niya ako kinulit pa, dahil nga may meetings pa siyang kailangan atinan.

Bubuksan ko sana ang pintuan ng sasakyan ko nang unahan niya na ako, at siya na mismo ang nagbukas nito. He even put his hand over my head, as soon as I went inside of my car. Inilapag ko ang bag ko sa passenger seat, at nilingon siya.

"Thank you, ingat sa meeting." Seeing him smile, makes me heal something inside me.

"Likewise, Amari. Ingat sa pagda-drive." I obediently nod at him. "Goodbye." Kumaway naman siya sa akin bago tuluyang isara ang pintuan ng sasakyan ko.

Sinipat ko siya mula sa rearview mirror ng sasakyan. He stayed standing where he was standing a while ago. I can't help but smile at seeing him like this. Nanatili pa siya roon, hanggang 'di ko na siya tuluyan pang nakita dahil nakalayo na ako.

I have a different plans today, and that is to visit the grave of Papa. Ilang taon na ang lumipas mula ang pagkamatay niya. The pain he has given to us stayed in my heart, pero hindi na mababago pa ang nakaraan dahil ito'y nangyari na. Pagkarating ko sa destinasyon, bumaba ako kasama ang bulaklak na dala ko para sa kaniya.

The cold breeze of the air started to hug my body. Wala masyadong tao, at ang kapayapaan mula sa lugar na ito ang nangingibabaw. Inayos ko ang salamin ko, at nagsimula nang maglakad patungo sa puntod ni Papa. Subalit agad rin akong napahinto nang makitang may dalawang babaeng pamilyar na pigura ang nakatayo mula sa puntod ni Papa.

I was surprised for the moment when a girl who was wearing a black dress turned her gaze on me. Kumurap ako ng ilang beses, nang mapagtantong si Wynter ito... kasama ang asawa ni Papa.

Lumunok ako, at humigpit ang pagkakahawak sa basket na bulaklak na dala ko. "I'm sorry, I'll just get back here for the other time." Mabilis akong tumalikod mula sa kanila.

Sweet Romantic (Loose Trilogy #2)Where stories live. Discover now