Chapter 28: Trapped

2.9K 60 1
                                    

I turned my gaze to Lissy. Hindi ko tinuloy, ngunit ang konsensya ko'y bumabagabag sa akin. Lissy's eyes looks so lifeless, mukhang may malalim siyang iniisip.

Isang araw ang lumipas, I'm not sure if Wynter continue her plan. Hindi naman na kami nagkausap, kahit ang kaibigan nitong si Juni ay hindi ako pinapansin.

Kinabukasan, ang ihip ng hangin ay tila nakakaiba.

"Gosh, may cheater daw here sa school."

Bumagal ang bawat paghinga ko sa narinig. Napalingon ako sa dalawang babaeng nagkukuwentuhan, they're both senior high as well, at base sa lace ng ID nila they're both from H.E.

"Anong grade raw?"

"Ewan ko, eh. Basta raw sa senior high, sabi nung source ko."

Malalim ang paglunok ko at nagmamadaling nagtungo sa room namin. Agad ko namang namataan si Juni na nakikipagkuwentuhan sa ilan sa mga kaklase namin. I roamed my eyes around.

Wala pa si Lissy... Ang bilis ng pagtibok ng puso ko. I started to overthink things. Tinuloy ba ni Wynter ang plano?

"Huy, ano ulit yung chika mo?" It was Juni. Huminga ako ng malalim at tahimik na nagtungo sa upuan ko.

"About the missing answer key nga." Kumurap ako ng ilang beses. "May rumor na grade 12, and worse baka sa HUMSS daw."

I took my binder to distract myself with these noises. Ginawa ba niya? Nila?

Umangat ang paningin ko nang pumasok si Lissy. Mukhang malalim din ang iniisip niya. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Paano kung ginawa talaga nila? At ako ang idawit dahil hindi ako tumupad sa usapan.

I massaged my temple and tried to calm myself down. Hindi puwede 'to. When the classes has started, hindi ako makapagpokus. Tila ba minumulto ako ng maaaring mga mangyari.

Hanggang lumagpas pa ang isang araw. The controversy about the cheating is still visible. Hindi pa rin humuhupa hanggang ngayon. Hindi ako nagdalawang isip magtungo sa building nila Wynter. I want to clear things up.

Nang makita naman niya ako, may namutawing ngisi sa kaniyang mukha.

"Tinuloy mo ba?" I asked in monotone, but range is evident through my voice.

Lumawak naman ang ngisi niya, she expressed it as if she's amused. "Of course, I did." Umawang ang bibig ko.

"Gawin mo man o hindi. There's still consequences." Mabigat ang bawat paghinga ko. "But I'll ask you, sino nga ba ang may kakayahang pumasok sa faculty? Siyempre those students na may positions." Lumawak ang pagkakangiti niya.

"You're always been there, bukod kay Lissy. Kaya malaki ang posilibilidad na... Dawit ka." Her eyes sparkled when she saw the fear on my eyes." "Dinadalaw ka na ba ng konsensya mo? Nakakapagod na bang magbulagbulagan? I thought debators has gift on expressing their voice. Pero bakit naduduwag ka?"

"Natatakot ka ba?"

I gasped some air. She's indeed heartless.

Noong pinatawag kami ng adviser namin as a section. Lalo lamang namutawi ang loob ko. May punto si Wynter. I'm a debator, but I can't defend myself.

"For goodness, section one kayo pero sinisira niyo ang reputasyon ng eskuwelahang ito!" napapikit ako ng mariin.

Nakakabingi ang katahimikan. Tila walang naglalakas loob na magsalita.

"Lisianthus Yvonne Vezina."

Bumagal ang bawat paghinga ko. "Follow me to the President's office." Umangat ang paningin ko kay Ma'am.

Sweet Romantic (Loose Trilogy #2)Where stories live. Discover now