"Puwes, hindi kita type." Pinatatag ko ang tapang ko. I look at him in confidence. "Ayaw ko sa masyadong hambog, I want someone, who'll respect me!"
Napapikit ako nang mariin nang sumagi sa isipan ko ang tugon ko sa kaniya. He's joking I know! Pero bakit ko naman bigla sasabihin 'yon!
Napakatanga mo, Amari!
"Amari! Puwede, patingin ng chapter one niyo?" Tumango naman ako kay Monique.
I'm with them; Kyle, Niña, Monique, Jessica, and Jia. Sinadya talaga naming makumpleto. Bale, group study kumbaga.
Busy ako, but I made myself busier than ever. Siguro coping mechanism ko na lang? For me to forget such things... like his sudden confession. Confession na hindi ko sigurado kung totoo nga ba.
"Kita mo na ba candidates for this year election?" Agad akong napasimsim sa kape ko. I turned my gaze to Kyle.
"Sa tingin mo ba mananalo tayo this time?"
I fixed my composure. If I won last year, I know I can won again this school year. Student know my credentials and ability already.Kapartido ko pa rin naman si Kyle. Malakas ang partido namin, dahil kami rin ang mga naging councils last school year. May dalawa lang nadagdag na bago, but still I'm confident that we can win this.
"Balita ko maganda ang line-up ng kabilang partido, ah." Monique also joined the conversation.
Huminto naman sa pagtitipa si Jessica sa laptop niya. "Truth, narinig namin ni Niña yung tagline nila. And in fairness, ang catchy!"
"Kung yung partylist niyo, puro galing sa cream section. Well, sila? They're from random sections yata. Bilang lang sa isang daliri ang galing sa cream section."
Hindi naman ako masyadong mangamba. Kapag nakagawa ka naman ng pangalan sa campus, paniguradong ikaw agad ang iboboto ng mga estyudante.
"This is surprising, girl!" Kyle exaggerated. Lumapit siya sa akin upang alugin ako, tila ginigising ang buong diwa ko. Hindi ko naman maintindihan ang emosyon niya. Tila nababahala, na masaya? Basta ewan.
"Bakit ba?" Irita kong inalis ang kamay niya sa akin.
"Malakas ang partidong makakalaban natin. Kung nakaraan, tie breaker ang labanan namin ni Isaiah. Baka ganoon ulit mangyari ngayon!" Inis ko namang kinuha ang papel na hawak niya.
Naka-indicate roon ang name ng partido namin, at sa kalaban. Dalawang partylist lang naman ulit ang maglalaban. Nagsalubong naman ang kilay ko nang makumpirma ang mga kandidato sa kabilang partido.
He's right, malalakas nga ito. Though, kahit pa sabihin na may basbas kami ni Kuya Miso, iba pa rin ang kutob ko rito. New faces, to conquer the pace is their tagline. Tama nga si Jessica, may binubuga ang tagline nila.
Cristoff Agueser from ABM 3 ang tatakbo bilang general secretary, which is the highest position. Naging student council na rin ito mula grade seven to eight, at masasabi kong may paninindigan din ito.
My eyes open wide, when Josaiah's name is also enlist. Agad akong napatayo nang makita kung anong posisyon ang tatakbuhan niya...
It was same as mine.
Tila ang kumpyansang mayroon ako kanina, ay naglaho... Well, people knows him as well! Paano kung matalo niya ako rito? Kahit pa sabihin pang mas maganda ang credentials ko sa kaniya, popularity would still won!
"Kailangan yata natin ngayon ng matinding manifestation, Amari." Napapikit ako ng mariin.
Hindi ito maaari! Pero bakit ba ako natatakot? Alam kong mananalo ako. Sinusubok lang ako ni Lord.
YOU ARE READING
Sweet Romantic (Loose Trilogy #2)
Ficción GeneralSweet Romantic (Loose Trilogy #2) Failure and disappointment are the hardest things that she's afraid to achieve. Amaryllis Raine Lozano, a girl full of ambition--a goalkeeper perhaps. She's ready to risk everything just to stay on top, to receive...