Chapter 25: Guts

3.4K 78 8
                                    

"How's the ASCETS?" bungad ni Kyle na nag-take rin ng exam.

Marami-raming estyudante rin from our campus, and other school ang nagtake. Sadyang, pinupush lang talaga kami ni Ma'am Tio to take this, since this is truly a big opportunity.

Even Marcus, and Isaiah took the test. Though, wala talaga silang mga balak na mag-aral sa unibersidad na 'yon. It just, they take that for experience. Dahilan pa ni Marcus, kung makapasa man siya sa exam, edi maganda raw na may choices siya sa papasukan na university.

"Did you see, Josaiah?" Bumaling naman ang atensyon ko kay Isaiah nang sumulpot ito sa harapan namin. Umiling naman ako. I honestly didn't see Josaiah for a while.

Ni hindi ko nga alam, kung nag-take nga ba siya ng exam.

"Oh, shooks." Isaiah covered his mouth, he seemed to worry about something, kaya kumunot ang noo ko. "Okay, thank you sa inyo. Good luck with the results!" Mabilis naman siyang nagpaalam at umalis.

Nagkatinginan naman kami ni Kyle, at nagkibit-balikat na lamang ako.

After a while, we got separated. Though, we both need to stay here inside of the campus. May kailangan pa kasi kaming asikasuhin. Since it's the weekend, walang ibang estyudante at wala rin akong ibang makasama. Kaya mag-isa akong nagtungo sa canteen, upang bumili ng lunch ko.

I was supposed to eat when Kyle rushed to walk towards me and even held my both arms. Halata sa mukha niya ang aligaga.

"Amari you should go to the clinic." Gumuhit naman ang pagtataka sa sistema ko. "Papa mo yung isang maintenance, 'di ba--" Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni Kyle, at patakbong tinahak ang patungo sa clinic.

Mabigat ang bawat paghinga ko. My heart started to beat fast, this feels something wrong. Nagsisimula na akong mangamba.

As soon as I went there, agad naman akong in-assist ng isang nurse patungo kay Papa. I almost stumbled, when I saw colored liquid through the blanket. I'm sure it's blood. Umangat naman ang paningin sa akin ni Papa, at mukhang nagulat pa na makita ako.

"Don't worry, hija. We already did put some first aid kits. Pero kailangan pa rin siyang dalhin sa hospital, para maturukan ng anti-tetano." Huminga ako ng malalim. I'm having speculation, on who did this. Nilingon ko naman ang nurse. "He got a cut on a cutter, he stated that he didn't know na sira pala ito, kaya dumaplis ito sa kamay niya." Umawang ang bibig ko.

"Huwag ka na mag-alala, Anak. Ayos lang ako." Bahagyang ngumiti sa akin si Papa. But it doesn't help. Pansin ko ang pagpungay ng mga mata niya.

Lumapit naman ako sa kaniya upang tignan ang kalagayan niya. "Anong nangyari?" direktang tanong ko.

"Okay lang ako, Anak--"

"Pa, sinong may gawa?" I noticed how his adams apple moved in its place.

"M-may nagpatulong lang na estyudante na magpagupit ng project nila. Hindi ko naman alam na sira yung cutter na pinagamit niya. Pero okay na ako, Anak. Huwag ka na mag-alala."

"Sino ang may gawa, Papa?" Hindi ako matatahimik hangga't hindi nakukumpirma ang hinala ko. "Pa, tell me."

"Tito." Agad akong lumingon, nang biglang umawang ang kurtina nang higaan ni Papa. My eyes widened when I saw Wynter in here. "Okay na po ba kayo? Sorry po talaga, hindi ko sinasadya." Akmang lalapitan niya si Papa. But I stopped her.

Kinuha ko ang kuwelyo niya at direkta siyang pinatitigan sa mga mata. Pansin ko naman ang, takot sa mga mata niya. But I know it was a facade. Agad namang naaligaga ang mga nurses sa paligid ko. Pero wala na akong pakielam.

Sweet Romantic (Loose Trilogy #2)Where stories live. Discover now