CHAPTER 25

179 9 3
                                    

NASA KWARTO AKO, pinag mamasdan ang mga litrato at dokumento na ibinigaysa akin ng isa sa mga pinag kakatiwalaan ko. Seryoso ko itong pina mamasdan, inaral kodin ito ng mabuti. Ayaw ko naman na gumawa ng hakbang tapos mali naman pala. Ang gusto ko ay yung sigurado.

Habang binubuklat ko naman ang mga dokumento ay hindi ko mapigilang mapangiwi dahil sa sakit ng kamay ko. May nakabalot pa na benda dito dahil sa nangyari kanina.

Pero di ko naman pinag sisisihan yung ginawa ko.

"Why are you still awake?"

Natigil naman ako sa ginagawa dahil sa narinig. Nakagiga siya ngayon sa kama kasama si Lia. Hiking ito ng bata at pinag bigyan lang namin. Habang ako naman ay nasa study table ko.

Sumulyap ako sa kanya at nakita na kinukusot niya pa ang mata niya habang unti-unting nabangon mula sa pagkakahiga.

Agad ko naman na isinilid sa brown envelope ang mga dokumento at litrato bago tumayo at nag punta sa kama.

"Ah, wala po. May tiningnan lang po saglit." Magalang na saad ko sa kanya. Umupo ako sa kama at apatingin sa ibabang labi niya.

Ramdam ko ang pag-init ng ulo ko matapos makita ang sugat sa ibabang labi niya.

Hindi ko mapigilan ang pag yukom ng aking kamao nang maalala ang dahilan kung bakit may sugat siya roon.

Napahawak ako nang mahigpit sa doorknob para hindi tuluyan na matumba dahil ramdam ko ang pang hihina ng mga tuhod ko.

Hindi ko ipagkakaila, nasasaktan ako...

Nasasaktan ako na makitang may kahalikan siya na iba.

Sana pala umamin na ako agad sa kanya. Pero ayaw ko naman kasi umamin na hindi sigurado sa nararamdaman.

Ang bigat sa pakiramdam. Ganito pala yon. Ganito pala ang pakiramdam ng masaktan.

Aalis na sana ako dahil ayaw ko naman na maka istorbo. Tuluyan kona sanang isasarado ang pintuan pero natigilan ako.

"Ahm-! Fucking stop!"

Sandali...

Narinig ko ang pag malakas na pagkalabog, marahil ay tinulak ng propesora ang lalaki. Narinig ko din ang mahinang pagdaing nito.

Dahil sa mga narinig ay agad akong pumasok sa opisina, nakita ko ang lalaki na unti-unting natayoat hawak hawak yung gitna niya. Wag mong sabihing...?

Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at kahit na hindi ko siya masyadong abot ay sinapak ko siya sa muka--- baba.

Kasalanan ko ba na hindi ko abot?

"T-Thyra?"

Napadaing siya dahil sa ginawa ko. Nakilala ko din kung sino yung lalaki.

Alvin.

Napatingin ako kay Miss at nakita ko na may sugat siya sa ibabang labi. Nagdilim ang paningin ko at sinuntok muli ang lalaki.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 10 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Serendipity Where stories live. Discover now