Page 10

497 5 0
                                    

     Sen. Logan Agoncillio POV

I thought I was dying that time. Nakaligtas ako mula sa bingit ng kamatayan. Hindi pa ako pwede mamatay dahil hindi pa ako nakakabawi kina Shiloah at Carrie. Nailigtas ako salamat sa Diyos at sa mga doktor sa hospital.

Sa ngayon iniimbestigahan na ng PNP ang ambush na nangyari. Inaalam pa nila kung ano ang motibo ng bumaril sa akin. Ramdam ko na kung sino man ang may gawa nito tiyak malaki ang galit sa akin. Iniisip ko rin baka dahil ito sa nalalapit na Presidential Elections. Malakas kasi ako sa survey bilang Presidential Candidate kaya siguro nais ng mga kalaban ko na ipatumba nila ako. Sa totoo lang wala akong balak tumakbo sa pagiging presidente sa ngayon kuntento na ako sa pagiging senador ko.

Para sa kaligtasan ng mag-ina ko I hired bodyguards for them para bantayan sila 24/7 ayoko naman na pati sila mapahamak pa.

Medyo gumaan ang pakiramdam ko ng dumalaw kagabi sila Shiloah at Carrie. Sobrang pagaalala nila sa akin lalo na si Carrie. Kahit hindi aminin ni Carrie ramdam kong she's still concern on me.

Mahal pa talaga ako ni Carrie ayaw lang niya ipakita sa akin. Well mahirap naman talaga na kalimutan ako. Gwapo, gentleman, maalaga at sobrang magmahal.

Inuunti-unti ko ang mga bagay hanggang sa tuluyan ng lumambot ang puso ni Carrie sa akin. Kapag nakuha ko na muli ang puso ni Carrie hindi ko na siya pakakawalan pa. He's mine forever at walang makakapigil pa.

I'm still in this hospital to check my condition. Kapag nasiguro nila na maayos na ako pwede na akong lumabas.

Sa bahay nila Carrie ako mag-stay dahil alam kong aalagaan naman ako ng husto ni Shiloah at ni Carrie.

Bumukas ang pinto ng kwarto iniluwa nito si PNP Chief Ronaldo Policarpio kasama nito si Vice President Gerald Acosta.

"Senator Agoncillio, kamusta ka na?" bungad na tanong ni VP Acosta sa akin.

"I'm fine. Thank you for coming VP Acosta."

"May pinadala palang prutas si President Hidalgo. Pasensiya na kung di siya makakarating he's busy sa Malacañan Palace may meeting with Prime Minister ng Japan."

"Pakisabi kay President Hidalgo maraming salamat sa pa prutas na I appreciated it."

"Makakarating Sen. Agoncillio."

"PNP Chief Policarpio any updates sa case?" tanong ko.

"May lead na kami sa kung sino ang bumaril sa inyo kahapon. May mga malilinaw na kuha ng CCTV footages sa lugar na pinagyarihan."

"Namukaan ba ang hitman na bumaril sa akin?"

"Apparently yes. Infact dala ko ang cartographic sketch ng hitman."

Pinakita ni Chief. Policarpio ang isang folder sa akin. Naroon ang cartographic sketch ng hitman.

"Augustus Soledad 45 years old. Dating pulis. Isa sa mga hitman ng Black Scorpion Syndicate."

"B-Black Scorpion? Hindi ba yan yung sindikato na nahuli ng pulis at pinaimbestigahan sa Senate Hearing few days ago?"

"Yes, he's a member of Black Scorpion Syndicate."

"Hindi ba nahuli na ang pinaka leader ng sindikato?"

"Oo, pero marami silang mga galamay sa paligid. Hindi natin alam baka nga nasa tabi mo lang sila. Binabalaan na kita Sen. Agoncillio mag-iingat ka na."

"Don't worry Chief. Policarpio mag-iingat na ako para hindi na maulit ito."

Hindi ko inasahan ang mga sinabi ni PNP Chief Policarpio. Member ng sindikato ang tumira sa akin ang Black Scorpion Syndicate na may kinalaman sa kidnapping, Human trafficking at Illegal drugs and firearms na ako mismo ang nagpatawag ng Senate hearing tungkol sa kaso nila. Now I know kung sino ang tumira sa akin mag-iingat na ako. Sisiguraduhin ko na hindi na ito mangyayari sa akin o kina Shiloah at Carrie.

Hiding The Senator's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon