Page 16

340 5 0
                                    

"Congrats, Carrie," masayang bati ni Yassi sa akin.

"Thank you Yassie basta bridesmaids kita ah."

"Oo, naman present ako sa kasal mo. So hanggang kailan?"

"Ang alin Yassi?"

"Hanggang kailan ninyo itatago sa publiko ang tungkol sa relasyon ninyo ni Logan? We all know he's a famous politician. The public deserve to know the truth."

"Well, we already talk about it. He said may magaganap na press conference mamaya. He will tell to the public about us."

"So okay na sa'yo na magulo ang buhay ninyo ni Shiloah?"

"Sabi naman ni Logan hindi madadamay dito si Shiloah. Proprotektahan niya ito at may tiwala naman ako sa kanya."

Logan And I had a long discussion about telling our secrets on public. We decide to tell the truth lalo na at pulitiko siya. Makakasira sa career niya kung patuloy siyang maglilihim sa mga taong naging dahilan para makaupo siya sa pwesto. Bukod sa paglantad niya ng relasyon namin sasagutin din niya sa press conference ang umuugong balita na tatakbo siya sa presidential election next year.

Logan tell me he will never run in politics again. He said he will focus on us. Ngayon lang siya nabigyan ng chance na makabawi kaya lulubusin na niya.

Ang sweet talaga ni Logan handa niyang isakripisyo ang pagiging politiko na sa una ay ayaw niya pero ngayon napamahal na siya.

Pwede pa rin naman daw siyang tumulong kahit wala na siya sa gobyerno and he has a point. He can help others even without a position in government.

Sa ngayon wala pang plano kung kailan at kung saan gaganapin ang kasal namin.

Ang mahalaga ngayon inienjoy muna namin ang pagiging newly engaged couples.

"Siya sige mauuna na ako Carrie. Good luck sa press con ninyo mamaya. Congratulations again on your engagement."

"Thank you, Yassi."

Nagpaalam na si Yassi dahil may importante pa siyang lakad ngayon.

Pagkaalis ni Yassi ang pagdating ng assistant ni Logan.

"Miss Carrie, Sen. Logan said you need to be ready for the press con later."

"Okay."

Dumirecho na ako sa kwarto ko. I need to wash up and change for a press con later. Sa isang hotel gaganapin ang press con at present lahat ng media from different tv stations around South East asia.

I wear a red dress for this press conference. I need to look nice on the public. Simple make up lang din at wala na ring mga mamahaling alahas gusto ko kasi makita ng publiko ang tunay na ako.

Pagkababa ko ng kwarto ko naroon na si Logan na naghihintay sa sala. He's wearing a black suit. Pormal na pormal para sa press con.

"Pang diinan ang outfit natin ngayon ah?" saad ko sa kanya.

"I need to be formal in front of public. By the way why didn't you wear the necklace I gave?"

"Hindi ako sanay suotin yun. Isa pa mas gusto kong ipakita sa publiko ang totoong ako bilang isang simpleng babae."

"Ang pagiging simple mo ang dahilan kaya nahulog ako sa'yo eh."

"Nambola ka pa Logan. Mabuti pa umalis na tayo. Hindi pwede na paghintayin ang mga media."

Umalis na kami ni Logan at dumirecho sa isang hotel. Pagdating namin marami ng mga media na naghihintay sa lobby ng hotel. Logan and I entered in a secret door ng hotel. Hindi pwede na sa front door kami dadaan baka pagkaguluhan kami ng mga media.

Hiding The Senator's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon