Ang daming mga nangyari. Nagkagulo sa press con ni Logan at napagbintangan na magnanakaw siya. Dinukot pa kami ng mga armadong lalaki na miyembro pala ng sindikato na pinaimbestigahan noon ni Logan sa Senado. Nabaril si Logan sa likod. Lahat ng yun nalampasan namin.
Tuluyan ng nakulong lahat ng sindikato. Ang bintang kay Logan ay pakana lamang ng kalaban niya sa pulitika. Sa ngayon maayos na ang lahat sa amin. Tanggap na ng publiko ang relasyon namin ni Logan. Malaya na kaming lumabas bilang pamilya.
Naging busy si Logan sa senado pero gumagawa pa rin siya ng time for us. Punong abala rin siya sa paggayos ng kasal namin.
Si Shiloah ay maayos na maayos sa school niya in fact he's now a member ng music club. Nalaman ng school na magaling siya sa pagtugtog ng piano kaya sinali nila ito sa music club. Ngayon magkakaroon siya ng concert sa school nila. Sobrang excited ni Shiloah dahil ngayon lang niya mararanasan magkaroon ng sariling concert.
Ngayong araw ito gaganapin sa auditorium ng UST kung saan siya nag-aaral siyempre present kami ni Logan para suportahan siya pati na rin ang Ninang Yassi niya at Mamita Carmen ang Mommy ni Logan.
Binalikan ko si Logan sa kwarto namin hindi pa rin ito tapos magbihis.
"Ang tagal mo Logan! Maguumpisa na yung concert ni Shiloah!"
"Eto naman galit agad? Kita mong pinaghahandaan ko itong first concert niya."
"Halata nga Logan. Tignan mo suot mo para kang aatend sa kasal. Naka suit ka pa eh ang init ng panahon. Hubarin mo yan! Wear a polo shirt."
"Okay, Bebe loves."
Hinubad ni Logan ang suit na suot niya. I can see his chest right now. Oh my god yung abs ni Logan kitang-kita ko na. Kahit busy si Logan nakakapag gym pa rin siya.
"Oh, tulala ka riyan Carrie? Dahil ba sa abs ko?"
"Hindi ah!"
"Gusto mo ba ng isang round?"
"Gago ka talaga Logan! Nagmamadali tayo huh?"
"Eh di after the event. We can make a baby."
"Ewan ko sa'yo magbihis ka na diyan! I'll wait downstairs."
"Alright, Carrie."
Nauna na akong bumaba patungo sa kotse ni Logan. Ilang saglit pa pumasok na siya sa loob ng kotse niya. He's wearing white polo shirt. Mas okay tignan kesa doon sa suot niyang suit kanina.
"Let's go, Logan."
Pinaandar na ni Logan ang kotse niya. Hindi traffic kaya mabilis kaming nakarating sa UST. Nauna akong bumaba habang si Logan pinarada pa ang kotse sa parking.
Pagdating namin sa Auditorium marami ng tao ang naroon. Nakakatuwa na maraming manonood sa concert ni Shiloah. This concert is for a cause ang kikitain sa tickets mapupunta sa charity na tinutulungan ng UST.
Naroon na si Yassi katabi ang Mommy ni Logan. Naupo na kami sa tabi nila.
"I'm so happy na mapanood ang concert ng apo ko," masayang wika ng Mommy ni Logan.
"Halata nga po sa mukha Tita Carmen."
"Hija, Tita pa rin? Just call me Mommy."
"O-Okay po Mommy."
Ilang sandali pa nagsimula na ang concert ni Shiloah. He was in stage sit in front of a piano. Shiloah looks goods on stage.
Hindi ko mapigilan ang maluha sa sobrang saya. Maging si Logan ay naiiyak na rin sa tuwa.
"Good luck anak!" sigaw ni Logan.
Ang supportive ni Logan kay Shiloah.
Nagumpisa ng tumugtog ng piano si Shiloah. Unang nota pa lang nakakaantig na ng puso. Maging ang mga nanonood ay naiiyak na rin. Shiloah play the hit song of Ben and Ben na Sa Susunod na habang buhay. Grabe sobrang mapanakit ang kantang yun.
BINABASA MO ANG
Hiding The Senator's Son
RomanceCarrie returned to the Philippines, but she did not expect to meet Logan again, her ex-boyfriend and father of her Son, Shiloah, who is one of the country's well-known senators.