Page 9

435 6 0
                                    

Kakatapos lang ng taping namin. Abala kami sa paglilinis sa set ng nakita kong tumatakbo si Direk AD.

"Alam ninyo na ba yung latest news? I-nambush ang relief operations ni Senator Logan sa Maynila!" bulalas ni Direk AD.

Halos mabigla ako sa narinig ko mula kay Direk AD.

"Baka naman fake news yan Direk AD." ani Cheryl.

"Not a fake news. Kakabalita lang sa news department. Pinagbabaril ang relief operations ni Sen. Logan."

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon.

"Anong balita kay Sen. Logan?" tanong ko kay Direk AD.

"Ayon sa ulat may tama ng baril sa braso at dibdib si Logan."

What? Tinamaan ng bala si Logan?

"Anong lagay niya?"

"Hindi pa alam eh. Dinala na siya sa hospital."

Bigla akong nag-alalala sa kalagayan ni Logan. Sana makaligtas siya sa nangyari dahil di kakayanin ni Shiloah na may mangyaring masama sa Daddy SL niya lalo na at ngayon lang sila nagkasama nito. Alam na kaya ni Shiloah ang nangyari? Siguro hindi pa dahil nasa school siya ngayon.

"I need to go Direk AD." paalam ko.

"Are you leaving? Why?"

"A-Ano may emergency sa school ng anak ko. I need to go."

"Alright, mag-iingat ka Carrie."

Hindi ko sinabi na kaya ako aalis dahil gusto kong puntahan si Logan sa hospital. Hindi pa nila alam ang tungkol sa amin ni Logan. Hindi naman sa ayaw ko malaman nila pero hindi pa ito ang tamang panahon para malaman nila ang totoo.

Pupuntahan ko si Logan. I need to check if he's okay. Sa Saint Mary siya dinala ayon sa nabasa ko online. Pagkadating ko sa Saint Mary maraming mga media ang nasa labas ng hospital naghihintay ng updates tungkol sa kalagayan ni Logan.

"Mam Carrie," biglang saad ni Manang Isabel.

"Manang Isabel, galing po kayo sa loob? Kamusta na si Logan?"

"Oo, Mam Carrie galing ako sa loob ng hospital. Natanggal na po ang bala sa katawan ni Sir Logan. He's now resting in recovery room."

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Manang Isabel. Thanks god at ligtas si Logan mula sa kapahamakan.

"Mam Carrie, mabuti pong wag muna kayo pumunta sa loob. Maraming media na nakapalibot. Baka mamaya may makakita na pumasok kayo sa room ni Sir Logan at baka magka issue pa. Di ba gusto mo ng tahimik na buhay ngayon?"

"Okay po Manang Isabel."

Hindi na ako pumasok pa sa loob for safety purposes isa pa ayoko ng maulit yung nangyari kamakailan yung nag viral na pictures namin na bumaba sa bahay nila Logan.

"Mommy, I heard what happened to Daddy SL. I need to see him," biglang saad ni Shiloah.

"Shiloah, why are you here? Di ba may klase ka?"

"Mommy, suspended po ang class namin dahil malapit lang sa school ang nangyaring ambush. Rinig na rinig nga po ang mga putok ng baril. Nang malaman ko na si Daddy SL ang nabaril agad po akong pumunta rito. I need to see Daddy SL!"

"Shiloah...."

"Mommy, please I need to see Daddy SL. I want to make sure he's okay."

"Shiloah, maraming media sa hospital."

"Manang Isabel, payagan ninyo na ako na pumasok sa loob. Gusto kong makita si Daddy SL." pagmamakaawa ni Shiloah kay Manang Isabel.

"Shiloah, nasa maayos na ang Daddy mo. Maraming media diyan hindi muna tayo pwede pumunta. Kung gusto mo makita ang Daddy SL mo we can go tonight kapag wala ng mga media sa hospital." wika ni Manang Isabel

Hiding The Senator's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon