Page 11

425 8 0
                                    

Damn him! Ang lakas niya mang asar panira ng araw! Nabaril na lahat nakuha pa akong asarin. Umalis ako ng kitchen at nagtungo ng pool area para magpahangin at the same time para mawala ang inis na nararamdaman ko sa kanya.

Umupo ako pool area at nilublob ang paa sa pool. Malamig-lamig ang tubig masarap sa pakiramdam.

"Hija," ani ng isang tinig.

Lumingon ako pagtingin ko galing ang boses kay Tita Carmen ang Mommy ni Logan. Teka anong ginagawa dito ni Tita Carmen?

"Why are you here?" tanong ni Tita Carmen.

"Tita Carmen, kanina pa kayo dito?"

"Kakarating ko lang. Galing ako ng Paris umuwi ako ng malaman ko ang nagyari kay Logan."

"Ah okay po."

In fairness kahit ilang taon na ang lumipas ang ganda pa rin ni Tita Carmen walang nagbago sa hitsura niya. Lumapit si Tita Carmen at niyakap ako.

"Welcome back, Carrie."

"Kamusta na po kayo?"

"I'm good hija. Nasaan ang apo ko? I want to see him?"

"He's inside kasama ni Logan."

"Alam mo ba hija sobra akong nalungkot ng maghiwalay kayo ni Logan. Gustong-gusto pa naman kita sa anak ko. So nagkabalikan na kayo ni Logan?"

"Balikan? Hindi po ah! Malabo na pong mangyari yun Tita Carmen after what he did to me."

"Kung alam mo lang hija ang totoo tiyak maiintindihan mo si Logan."

May alam si Tita Carmen? Pero kahit may alam pa siya hindi na ako interesado na malaman pa yun.

"Hija, why don't you forgive Logan? Mahal na mahal ka niya."

"Mahal? Eh iniwan nga niya ako sa ere eh? So hindi niya ako mahal!"

"Gusto mo bang malaman ang rason kung bakit ka niya iniwan? Sasabihin ko ng malaman mo."

"Enough Tita Carmen. Ayoko ng malaman pa. Nandito lang naman po ako para kay Shiloah. Gusto niya makasama ang Daddy niya kaya pinagbigyan ko siya."

"Hija, listen to me. Logan love's you so much. Hindi niya ginusto na iwan ka sa ere."

"Tita Carmen please lang tama na po okay? Hindi na babalik pa ang lahat sa dati. We can't be lovers anymore but we can be a good parents to Shiloah."

"Sarado na talaga ang puso mo pero darating din ang araw na maiintindihan mo si Logan at mapapatawad mo siya."

"Mommy, you're here." ani Logan.

"Oh my god Logan! You're okay na. When I heard sa news ang nangyari nag-alala ako kaya agad akong bumalik sa Pinas galing France. Mabuti at ligtas ka na."

"Ah Mommy meet my son Shiloah."

"Is he my apo?"

"Opo Tita Carmen ang apo ninyo si Shiloah."

Lumapit si Tita Carmen kay Shiloah at niyakap ito ng mahigpit.

"Finally we met Shiloah. Just call me Mamita."

Kita kong tuwang-tuwa si Shiloah ng mayakap siya ni Tita Carmen.

"Masaya po ako na makilala kayo Mamita."

"Me too apo. Ang gwapo mo pala sa personal manang-mana sa Daddy Logan mo."

"Halika pumasok tayo sa loob apo. May mga dala akong pasalubong para sa'yo."

"Talaga po Mamita?"

"Oo, apo. Let's go inside. Hayaan muna natin mag-usap ang Mommy at Daddy mo."

"Okay, Mamita."

Hiding The Senator's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon