Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko sa mga nalaman ko tungkol sa nangyari noon. So kaya ako iniwan ni Logan dahil tinakot siya ng Daddy niya na sisirain nito buhay ko.
Isang malaking duwag si Logan. Hindi man lang niya ako pinaglaban. Malayo sa mga napapanood ko sa serye na ang bidang lalaki ipaglalaban ang mahal niya kahit pa sa sarili nitong pamilya. I hate Logan! I really hate him.
Inis akong lumabas ng kwarto ko. Pagbaba ko sinalubong ako ng Mommy ni Logan.
"I guess you talk to each other. So you know the truth right?" tanong ng mommy ni Logan.
"O-Opo...."
"Carrie, ngayong alam mo na ang totoo please sana mapatawad mo na si Logan. Hindi naman niya ginusto yun. Natakot lamang siya sa Daddy niya. He love's you so much that's why he sacrifice his happiness to protect you."
"Sacrifice? Sabihin ninyo duwag si Logan. Hindi niya napanindigan ang pagmamahal niya sa akin."
"Buksan mo ang mga mata at isipan mo Carrie. Logan love you so much. Sobrang nagsisisi siya na iniwan ka niya. Did you know he tried to take down his own life?"
"Po?"
"He tried to kill his self sa sobrang lungkot niya. Kung di ko pa pinigilan siguro baka wala na siya ngayon. Sana pagbigyan mo si Logan kahit para na lang kay Shiloah. I talk to Shiloah earlier. He said he wants a complete and a happy family. Mabibigay mo lang yun kung mapapatawad mo si Logan. Hindi ko naman sinasabi na agad-agad. Why don't you try kahit paunti-unti hanggang sa bumalik kayo sa dati."
"Tita Carmen....."
Nagulat na lamang ako ng biglang lumuhod sa harapan ko si Tita Carmen.
"Nakikiusap ako Carrie patawarin mo na anak ko."
Hinawakan ko ang kamay ni Tita Carmen at pinatayo siya. Hindi tama na magmakaawa siya sa akin. Wala naman siyang kasalanan.
"In behalf of my dead husband I am sorry for what he did. Sana hindi ako pumayag noon sa nais niya. Sana masaya pa rin kayo ngayon ni Logan."
"Tita Carmen, wala po kayong kasalanan."
Lumapit si Shiloah sa amin ni Tita Carmen.
"Mom, please give dad another chance. Gusto ko po ng masaya at kumpletong pamilya. Pangarap ko po yun noon pa. Ngayon na nandito na si Daddy SL sana matupad na po yun Mommy please......"
Nasasaktan ako for Shiloah. All this time di pala siya masaya na ako lang kasama niya. Gusto pala niya ng buo at masayang pamilya. Ngayon na kasama na niya si Logan mabubuo na ang pangarap niya. Panahon na siguro para ibaba ko ang pride ko.
What if bigyan ko ng second chance si Logan? Wala naman sigurong mawawala di ba? Everybody deserve a second chance right?
Hindi naman ginusto ni Logan na iwan ako napilitan lang siya dahil sa Daddy niya.
Siguro oras na para bigyan ko ng pagkakataon si Logan at tuparin ang hiling ni Shiloah na magkaroon ng masaya at kumpletong pamilya.
"Mommy, please?"
"Shiloah, kung yan ang gusto mo pagbibigyan kita."
"Really Mommy? You will give Daddy SL another chance?"
"I guess so."
"Really bebe loves? Bibigyan mo na ako ng second chance?" tanong ni Logan.
Mukhang kanina pa si Logan dito ah at narinig niya ang sinabi ko at nakita rin niya ang ginawa ng mommy niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/359742405-288-k615983.jpg)
BINABASA MO ANG
Hiding The Senator's Son
RomanceCarrie returned to the Philippines, but she did not expect to meet Logan again, her ex-boyfriend and father of her Son, Shiloah, who is one of the country's well-known senators.