Charmi's POV
Hi! Charmi Castronuevo here! Charm nga nakalagay sa pangalan ko pero sabi ng mga tao, wala ako ng bagay na iyon. Kung i-describe ako ng mga tao isa akong chubby girl, nerd with big eye black eye glasses at bruha. Hindi ko alam kung bakit lagi nila akog binubully.
Simula nang maipanganak ako, malusog na talaga akong baby. Then, when i was growing up mas lalo pa akong tumaba to the point na halos every week bumibili si mama ng mga bagong damit para may maisuot ako dahil hindi na magkasya sa akin ang mga damit ko.
Tapos noong nag-dorm ako, wala akong roommate dahil walang gustong makipagshare sa akin after ng accident na nangyari noon.
Double-deck kasi iyong bed doon tapos ako nasa ibaba natutulog kasi hindi ko na kaya pumanik pa sa itaas noon dahil nga hirap na hirap na ako sa bigat ko. And then, noong pahiga na sana ako biglang nasira iyong hinihigaan namin. Nagreklamo noon 'yung dati kong roommate.
After that, wala ng sumubok pang maging roommate ko. Sa sobra rin nila kung mambully, halos everyday silang may iniiwang leftovers na pagkain sa harap ng dorm ko.
Nagrereklamo nga 'yung landlord namin sa akin kapag nadaan siya doon tapos may nakikita siyang pagkain tapos kinakalat ng pusa.
Ang sakit para sa akin ng bagay na 'yon. Wala naman akong kinalaman sa buhay nila pero gustong-gusto talaga nila akong pinagtritripan at natutuwa pa sila sa tuwing kinukutiya nila ako. Sa tuwing sinusubukan ko namang magsumbong kapag may nadaang professsor sa hallway namin tapos binubully ako, hindi ko magawa dahil pinagbabantaan nila ako.
Why it is so hard to live in this generation with full of judgemental people? All i want is to live peacefully.
Wala na nga kong magawa kundi maiyak na lang dahil wala rin naman akong magagawa kung lalaban pa ako. Hindi ko na rin sinubukan pa na magsumbong sa parents ko dahil ayoko na silang pag-alalahanin pa.
Dahil sabi nila sa akin noon na kapag may nalaman silang may nangyari sa akin sa school, papabalikin nila ako doon sa bahay which is i do not want to.
I feel suffocated din kasi doon sa bahay. Medyo toxic din kasi family ko kasi even my siblings are judging me for being this so chubby. Lahat kasi sila payat at ang sesexy. Kasalanan bang maging malusog ako?
Ni maimagine nga kung anong hitsura ko kung payat ako hindi ko magawa eh. Napakahirap mapunta sa ganitong situation. Kahit na anong gawin ko, sa mga mata pa rin ng judgemental people isa akong salot sa lipunan. Kahit nga manahimik lang ako sa isang tabi, ako pa rin nakikita nila eh.
Pero buti na lang, kahit ganito ang situation ko ay meron pa rin akong mga kaibigan at lalaking nagpapakilig sa akin. Ilang weeks na 'yon pero hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan 'yung mga bagay na nagpakilig sa akin.
Matagal ko na siyang crush kaya nagulat na lang ako na bigla na lang siyang nagpakita ng signs na interested din siya sa akin.
Kahit 'yung mga friends kong sina Eve at Abigail ay nasesense na parang gusto rin ako ni Benjamin. Yeah, his name is Benjamin Ruiz. Ang hot guy sa school namin. Maraming nahuhumaling sa kagwapuhan at sex appeal niya. Kahit ako rin eh. Pero ako? Number one fan niya!
Sa sobrang sikat niya sa school, marami na kong naipon na poster niya sa dorm ko, mga photocards, pictures and pillows. Ganiyan ako kabaliw sa kaniya since highschool pa kami! Ngayon, first year college na kami and one week ago nang magsimula ang school year na ito.
Anyway, on the way na ako papuntang school. Malapit lang naman ang dorm ko sa school dahil hindi pwedeng magkalayo iyon. Ewan ko ba kung bakit dito ako pinag-aral ng mga magulang ko.
BINABASA MO ANG
Wake Up, Beauty
FantasyIn a cruel twist of fate, a young, chubby girl became the target of a man who exploited her for online content, using her appearance to gain fame. Enduring relentless bullying, Charmi reached a breaking point and attempted suicide. However, as she l...