Charmi's POV
Weeks has been passed. And everythings are good. Wala namang ganap sa mga nakaraang linggo. I'm doing good. Mas nag-ingat na ako ngayon after what happened on that night.
Pero hindi pa rin maalis sa utak ko 'yung hitsura ni Sera ng gabing 'yun. As in puro black smoke na nagliliyab sa katawan niya.
Kahit sobrang dilim din no'n, kita kong kuminang ng kulay pula ang mga mata niya na para bang sinapian siya ng kung ano. Syempre natakot ako sa kaniya ng gabing 'yon.
He also told me what it is. Ang cool pero at the same time nakakatakot. Kasi what if isang araw or gabi mangyari ulit 'yun and then hindi niya ma-control sarili niya tapos masaktan niya ako?
'Wag sana mangyari 'yun. Nakakatakot isipin. Sa mga past weeks naman, walang kung anong ganap.
Buti na nga lang at payapa ang naging buhay ko simula nang dumating si Sera kaya sobrang saya ko ngayon. Lagi ko na rin siyang kasama sa gabi kaya hindi ko alam kung nakakabalik pa siya sa mundo nila.
Hindi ko na kasi siyang nagawang tanungin pa about sa bagay na 'yon dahil masyadong libang ang isip ko sa maraming bagay ngayon.
Especially right now na start na ng audition para sa Theater program! First batch 10 slots ang unang mag-aaudition ngayong araw at bukas naman ang other 10 pa.
"Are you ready for later?"Sera suddenly asked while helping me to clean my room.
Wala kasi ako class for today kaya pupunta lang ako sa school for the audition. Kaya sakto lang.
Tumango ako."Ilang weeks na akong nagpapractice kaya ready na ako para ngayong araw."buong determinado kong pagkakasabi habang nagbabalat ng mangga.
"When will they announce who will join the Theater?"
"Sa pagkakaalala ko right after mag-audition lahat ng mga sumali eh."
"Why don't you practice again for the last time?"
"Sa 'yo ko nga dapat sabihin 'yan eh."
Sa ilang weeks na nakalipas, hindi ko nakita si Sera na nagpractice para sa audition kaya hindi ko alam kung makakasama ba siya.
Ngayong araw din ang batch nila para doon sa isa pang character na kasama sa Theater. Hindi ko tuloy maimagine ang gagawin niya mamaya.
Napatigil tuloy ako sa pagbabalat at nilingon si Sera."Wait.. Paano ka pala aarte mamaya? Hindi ka naman nakapagpractice."tanong ko sa kaniya.
"You will see later."yan lang ang naisagot niya sa akin."By the way, aren't you nervous?"
"Bakit naman ako kakabahan? Ready na nga ako eh."may lakas-look kong sambit.
Sera smirked."As i expected from you, that's what you should be."he said and turn his eyes on me.
Bigla tuloy akong nakaramdaman ng ilang kaya kamuntik na akong mapabalikwas ng pagkakaupo. Ang weird niya talaga these past weeks.
Nakarinig naman ako bigla ng nag-pop up sa notification sa phone ko kaya muli akong napatigil sa ginagawa ko."Birthday ni mommy.."malungkot ang tono ng boses ko sa pagkakabulong kong 'yon.
"Is it your mom's birthday? Why don't you see her later after the audition?"mukhang narinig ako ni Sera.
Oo nga pala, hindi ko pa nakkwento kay Sera ang tungkol sa family ko. Hindi ko tuloy alam kung paano sasabihin sa kaniya.
Inoff ko na lang ang phone ko."H-Hindi na kailangan.. Itetext ko na lang siya mamaya."
"Sorry for interfering with your family but she is still your mother. Kahit na naging masama siya sa 'yo, still show some respect for them to know that you did not inherint their behavior."
BINABASA MO ANG
Wake Up, Beauty
FantastikIn a cruel twist of fate, a young, chubby girl became the target of a man who exploited her for online content, using her appearance to gain fame. Enduring relentless bullying, Charmi reached a breaking point and attempted suicide. However, as she l...