Charmi's POV
"Tara!" hatak ko kay Sera pagkalabas na pagkalabas namin ng room.
"Where are we going?"
Tumigil ako saglit sa paglalakad at tinignan ko siya nang nakangiti.
"Magshoshopping tayo ngayon."sagot ko sa tanong niya.
Kita sa mukha niya ang pagtataka. Pero hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at agad na kaming lumabas ng school para magtungo sa pinakamalapit na mall na narito.
Parang magtatangka pang magsalita si Sera pero agad kong tinakpan ang bibig niya. Gusto kong mag-enjoy lang kami ngayon. Malayo sa mga bagay na nagpapastress sa amin.
Wala akong plano pagdating namin doon. Paano kami makakapag-enjoy kung planado 'di ba? Mas better if hindi kami ready para makapunta or makalibot kami kung saan-saan.
Gusto ko rin ipa-experience kay Sera ang mga gawain dito sa mundo namin katulad ng makatikim ng pagkain ng mga tao, makaalam pa siya ng iba't-ibang bagay namin dito at maka-experience ng kung ano-anong games sa arcade.
This is the right time to do that since it has been a long time when the last time i played on an arcade.
Batang-bata pa ako noon. Gusto ko lang punan 'yung mga bagay na na-experience ko noong bata ako noon sa panahon ngayon. Alam kong matanda na rin ako para sa mga ganoong bagay pero walang makakapigil sa akin maging masaya.
"What's Shopping?"Sera asked while taking a look around.
Mukha siyang naninibago kaya ang cute niyang tignan ngayon dito.
Tinuro ko muna 'yung mga taong nasa loob ng isang clothes store gamit ang nguso ko."Ayon ang tinutukoy ko. Ano sila bumibili ng mga damit or pwedeng mga gamit."paliwanag ko pa sa kaniya habang patuloy kaming naglalakad.
Hindi ko nakita ang slippery sign kaya nadulas ako. Pero dahil nasa tabi ko lang si Sera, nasalo niya agad ako.
"See what's in front of you and be more careful."aniya habang nakatitig sa akin.
Agad-agad din naman akong tumayo at lumayo sa may basang sahig."T-Thank you.."
Nagpatuloy kaming naglakad na parang walang nangyari. Pasikreto tuloy akong tumingin kay Sera.
Ang ganda pala ng mata niya. Hindi siya tao kaya ang mga mata niya ay iba sa amin. Wala ako masyadong alam pagdating sa mga kulay ng mata ng mga tao but i'm pretty sure na hindi pangtao itong mga mata ni Sera.
But hey, napakaganda! Parang kumikinang. Ang mga mata niya parang mga mata ng pusa. Pinag-uusapan nga itong lalaking ito sa school dahil kakaiba raw ang aura na meron siya.
"Where are we going now?"
Nabalik lang ako sa wisyo nang marinig ko siyang nagsalita sabay umarte akong tumitingin sa paligid."D-Doon..!"turo ko sa isang store na puro mga pangbabaeng suot.
Patay na.
Dumeretso na si Sera doon na para bang wala siyang kasama at alam niya kung anong gagawin doon.
Natapik ko na lang tuloy ang noo ko pero pagkatapos naman ay agad din akonh sumunod sa kaniya dahil baka kung ano pang gawin niya doon.
Pagkapasok ko sa store, nawala agad si Sera sa paningin ko kaya dali-dali ko siyang hinanap dahil baka maligaw pa sang isang 'yon dito.
"What can i help you, sir?"may nakita akong sales lady sa hindi kalayuan.
Kita kong katabi niya lang si Sera at may hinahawakan na mga bra!
Hindi ko tuloy napigilan na tumakbo palapit sa kaniya.
"Ano ang ba—"
Bago pa makapagsalita si Sera ay tinakpan ko na ang bibig niya."Hehe Hi.."pinilit ko na lang na ngitian 'yung sales lady.
BINABASA MO ANG
Wake Up, Beauty
FantasyIn a cruel twist of fate, a young, chubby girl became the target of a man who exploited her for online content, using her appearance to gain fame. Enduring relentless bullying, Charmi reached a breaking point and attempted suicide. However, as she l...
