Serapheil's POV
Tapos na ang klase ni Charmi para ngayong araw. I also took her home. Nag-aasikaso na lang siya para sa sarili niya. Hinihintay ko na lang siya makatulog para makabalik na ako sa mundo ko. Nandoon siya sa bathroom habang ako ay nandito sa study table niya, nakaupo at naghihintay sa kaniya.
Dati pa ako mausisa sa mga tao at interesado akong matutunan ang kulturang sinasabi niya.
Hindi magkalayo ang lenggwahe naming dalawa. Dahil ang ginagamit namin doon mga malalalim na salita. This is my first time went to their world and also my very first mission. Sa totoo lang, wala dapat makapagliligtas kay Charmi noong gabing iyon dahil walang inatasan ang pinuno namin. Matagal na naming minamanmanan si Charmi dahil naging miserable ang buhay niya dahil sa mga taong nangungutiya at bumubuyo sa kaniya.
Little didn't she know that i went here voluntarily without the consent of our Leader. Kaya panigurado akong papagalitan nila ako pagkabalik na pagkabalik ko room mamaya.
They also tried to contact me pero sinira ko iyong bagay na makakapagkomunika kami sa isa't-isa dahil kagustuhan kong iligtas at bigyan ng buhay si Charmi na matagal na niyang hinihiling.
Hindi ko na rin matiis na panoorin siyang inaapi habang ako ay walang magawa.
Matagal ko na talagang kilala si Charmi. Kahit simula palang sa mga ninuno nila. Hindi siya maniniwala pero ilang daan taon na akong nabubuhay. Hindi kami tumatanda sa mundo namin kahit umabot man kami ng ilang libong taon. I have also been waiting for the right time to come here to the human world to help Charmi.
I'm expecting that Eldorian Guild has already talked about what will be my punishment for breaking our rules. Isa sa mga batas namin ay huwag magpunta sa mundo na mga tao kapag wala pang inaatas na misyon sa amin.
Kahit na gan'on, babalik pa rin ako sa Eldoria para harapin silang lahat at sabihin handa na akong gumawa ng misyon. Hindi biro ang pinasok ko dahil sa Eldoria, ang tawag namin sa misyong ito ay ang Lifewarden Endeavor. Kinakailangan pang dumaan at makipag-usap sa Supreme Magus para makuha ang basbas nila para sa misyon na kagaya nito.
Matagal ng ipinagbabawal ng Eldoria ang Lifewarden Endeavor dahil maraming buhay na ang nawala sa amin nang gawin nila ang misyong ito. Because of their desire to help human, their lives became the exchange.
Pinag-uusapan pa nila na tanggalin na ang Lifewarden Endeavor mission sa buong Eldoria dahil pinipigilan na nila ang Eldorians na isaalang-alang ang buhay nila sa mga tao.
Pero wala na silang magagawa sa akin. Iisa na ang buhay namin ni Charmi at walang paraan para mapaghiwalay kaming dalawa. Matagal ko na rin itong pinag-isipan dahil malakas talaga ang loob kong tulungan si Charmi.
Dinaing niya ang mga panglalait at pangungutya sa loob ng maraming taon. She doesn't have a courage to fight back. Kaya mas lalo ako naging determinadong gawin ang misyon na ito kahit labag sa batas namin. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin pagbalik ko mamaya. Alam kong titindi ang galit sa akin ng mga magulang ko dahil sa ginawa kong ito.
Dahil sa misyong ito, nawala sa amin ang nag-iisang kapatid ko. Katulad ng sinabi ko, marami ng nabawian ng buhay dahil sa Lifewarden Endeavor mission. Tumaas ang dami ng nawalang buhay dahil doon kaya hindi na ako magugulat kung pagbalik ko sa Eldoria ay tinanggal na nila ang misyong iyon.
"Lalim naman ng iniisip mo."
Biglang sumulpot si Charmi sa kung saan. Mukhang napalalim ang pag-iisip ko rito, hindi ko na namalayan."Wala naman."nagpatay-malisya ako.
Umupo siya sa tinatawag nilang kama o higaan."Hindi ka pa ba aalis?"tanong nito.
"I've told you already, aalis lang ako kapag tulog kana."sagot ko naman.
BINABASA MO ANG
Wake Up, Beauty
FantasiIn a cruel twist of fate, a young, chubby girl became the target of a man who exploited her for online content, using her appearance to gain fame. Enduring relentless bullying, Charmi reached a breaking point and attempted suicide. However, as she l...