CHAPTER 11: Truth

12 1 0
                                        

Charmi's POV

"Are you really taking me with you?"tanong ni Sera habang naglalakad kami.

Papunta na kasi kami ngayon sa bahay. Nasa village kasi nakatirik ang bahay namin. Sinama ko si Sera dahil wala naman akong choice.

Hindi ko rin siya pwedeng iwan mag-isa dahil baka sa kung saan-saan na naman siya magpunta. Kaya isasama ko na lang siya sa akin ngayon.

He is my friend. Wala rin naman siyang ibang mapupuntahan. Bahala na kung tanungin nila kung kaano-ano ko si Sera.

Kahit hindi rin ako ready na pumunta ngayon sa bahay, bahala na. Bumili pa ko ng cake para kay mommy. This is her favorite flavor, caramel.

"Oo naman. Independent naman na ako ngayon pero nag-aalala lang din ako sa 'yo. 'Tsaka mukhang no choice ka rin eh."sagot ko sa tanong ni Sera kanina.

Sa gitna ng paglalakad namin, finally nakarating na rin kami rito sa harap ng gate ng bahay.

"Charmi?"may biglang tumawag sa akin ng babae na nanggagaling sa loob ng gate.

Agad ko rin naman siyang napansin."Yaya Deb!"masayang banggit ko sa pangalan niya.

Binuksan niya na muna ang gate at saka ko niyakap. Humiwalay din ako agad sa kaniya."Kamusta kana? Halos hindi kita nakilala sa hitsura mo ah!'

Nakaramdam tuloy ako ng hiya."A-Ano ka ba Yaya Deb, ayos lang naman po ako.. Ikaw po ba kamusta na?"balik na tanong ko sa kaniya.

"Ito, may asim pa rin."parehas kaming natawa sa sinabi niyang 'yon."Pero seryoso ako ah, ang laki ng pinagbago mo. Sobrang tagal na ba talaga noong huli kitang nakita? Parang hindi nga ikaw 'yan eh."

"Masyadong marami lang po talagang nangyari kaya po ganito na hitsura ko ngayon pero 'wag po kayong mag-alala, ako pa rin naman po 'yung dating Charmi ngayon. Pero hindi na po ako nagpapaapi."binulungan ko siya sa huli kong sinabi.

Napangiti si Yaya Deb sa sinabi kong 'yon. Kita kong nilingon niya ang kasama ko."Taray ah, in fairness gwapo. Galing mo naman mamili ng boyfriend, Charmi."

Tinignan ko si Sera. Nilapitan ko si Yaya Deb at tinakpan ang bibig niya."A-Ano po bang sinasabi mo Yaya.. H-Hindi ko po siya boyfriend 'no..! Kaibigan ko po siya."hindi ko alam pero bigla akong nautal.

Muli kong tinignan si Sera. Parang wala siyang alam sa nangyayari sa usapan namin ni Yaya Deb.

"Duda ako."sambit ni Yaya Deb at mukha pa kong pinanliliksikan ng tingin.

"N-Nandiyan po ba si mommy? May dala kasi akong cake para sa kaniya."tinanong ko na lang kung nasaan si mommy para hindi niya na ako asarin pa.

Tumango naman si Yaya Deb."Oo, nandiyan sila. Kumpleto pa nga eh. Sa katunayan nga Charmi nagpapa-party na sila. Kaya maraming kotse sa labas."

Kaya pala may mga kotse sa labas ng bahay, nagpa-party pala sina mommy. 'Yun kaligayahan nila eh.

"Ganun po ba? Sige, puntahan ko po muna si mommy para mabati. Una na po kami."paalam ko kay Yaya Deb na tinanguan niya na lang.

"Hello!"baling niya kay Sera.

Mukha namang naweirdohan si Sera kaya hindi niya alam kung anong iaact.

Naglakad na kaming dalawa papunta sa bahay. Mas lalo ko na ngayon naririnig ang ingay na nagmumula sa backyard.

Tunog ng music, ingay ng mga nagkwekwentuhan at ang tunog ng tubig na sure akong galing sa swimming pool.

Wake Up, BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon