CHAPTER 13: Flashback

16 1 0
                                    

1st Person's POV

**Eldoria World**

"Maligayang pagbabalik, Chieftain."bati sa akin ng mga Legionnaire.

Naglakad ako patungo sa aking upuan upang makapagpahinga matapos ng mahabang paglalakbay.

Inilapat ko ang aking likod sa sandalan nito."May naihanda ba kayong makakain? Ako'y nagugutom."pahayag ko sa kaniya.

"Mayroon, Chieftain."ang isang Legionnaire na nasa kanan ko ang sumagot sa akin."Ipasok ninyo na!"may sinigawan siya.

Bigla na lamang may nagpasukan na mga Noble Enchantressess na may dala-dalang pagkain. Inilagay nila ang mga ito sa harapan ko. Nagsimulan na lamang din akong kumain dahil sa gutom.

"Nasa Sylvantide si Serapheil, Chieftain."

Susubo pa lamang sana ako sa pagkain ko nang matigil ako dahil sa narinig kong iyon."Ngayon?"tanong ko sa kaniya.

Umayos siya ng tindig."Hindi. Sa katunayan pa niyan Chieftain ay nasa mundo ng mga tao si Serapheil dahil binigyan siya ng basbas ng mga Supreme Magus na gawin ang huling misyon ng Lifewarden Endeavor."ang isang Legionnaire naman ang nagsalita.

Hindi ko napigilang mapangiti."Makakapaghiganti na rin ako sa wakas sa buong pamilya niya."

~Flashback~

"Handa na ba ang lahat sa plano nating pagdakip sa prinsesa?"tanong ko sa aking mga Legionnaire.

"Handa na, Chieftain!"sabay-sabay nilang sigaw na may tindig habang hawak nila ang kanilang mga armas.

May kumuha sa aking atensyon."Ikaw."tawag ko sa isang Legionnaire na nagtatago sa likod ng iba pa.

Umalis ang mga Legionnaire na nasa harapan niya dahilan para mas makita ko pa siya."B-Bakit, Chieftain?"

"Ito ang unang mabigat na misyon mo Serapheil kaya dapat mong pagbutihin ito. Huwag na huwag kang magkakamali dahil kung hindi."kinuha ko ang patalim na nasa lamesa sa harapan ko at ibinato sa gilid ng mukha niya.

Tumama naman ito sa kahoy na nasa likuran niya.

Tanging pagtango na lamang ang nagawa ni Sera. Bakas sa mukha niya ngayon ang kaba at takot habang hawak-hawak siya sa kaniyang armas.

Umayos ako ng aking tayo at saka sila pinagmasdan lahat."Kumilos na kayong lahat. Alam ninyo na kung saan dadalhin ang prinsesa."pahayag ko.

Dali-dali silang nawala sa paningin ko kaya naman ay sumunod na rin ako.

Lumipas ang mga sandali, lahat kami at naririto na sa palasyo. Napapaligiran na namin ito kaya maaari kaming magtagumpay sa aming plano.

Dapat namin madakip ang prinsesa ngayong gabi upang makuha ang aming mga ninanais. Isang magandang pagkakataon ito upang makapasok sa loob.

Matagal na namin itong pinaplano. Naging matagal din sa kadahilanang mahigpit ang seguridad ng palasyo at marami pang nakapaligid ng Spellguards.

Nagsalubong ang tingin namin ng aking kanang-kamay na si Astralheim. Iyon ay senyas na pinapauna ko na silang pumasok sa loob.

Nang masiguro na niyang ligtas ay sumunod na rin kami sa kaniya. Hindi madilim sa loob ng palasyo kung kaya ay mahihirapan kaming magtungo sa silid ng prinsesa.

Wake Up, BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon