CHAPTER 2: Betrayal

27 2 7
                                        

Charmi's POV

"Class dismissed"

Saktong pagkakasabi ng Professor namin sa History ang salitang iyon ay nagring na ang bell, sign na tapos na ang class namin. Time check, it's 8 PM. Ganito talaga ang college life. Papasok ng umaga, uuwing gabi.

Minsan lang ako magkaroon ng vacant time. Ang kadalasan kong ginagawa sa vacant time ko ay nagbabasa sa library or kung hindi naman inaaya ko sina Abi na mag-coffee sa malapit na Starbucks na malapit dito sa school namin. Mahilig kasi talaga akong mag-coffee especially kapag mag-papaint or magbabasa with music.

Kaya nga napakaniyerbosa ko. Madalas pa kong mag-pass out at manginig. Kaya ang madalas kong pagtambayan ay clinic dito sa school. Saya 'di ba?

But i'm taking a good care of myself now. Kung magkakape ako, once to twice a day na lang. Nireremind ko ang sarili ko doon. May mga napanood kasi akong videos online. Ayokong maging gano'n kaya mas aalagaan ko pa ang sarili ko.

Mamaya pang 11 ang curfew ko sa dorm. Hindi kasi kami pwedeng magpagabi dahil sinasara ng landlord namin ang gate doon sa building ng dorm namin. Sungit-sungit ng lalaking 'yon eh. Pero pagdating sa mga magagandang students na nagdodorm dun sa kaniya, ang aayos ng trato niya.

Iba talaga ang nagagawa ng ganda sa mga mata ng tao. Mukha ba kong may magagawa sa bagay na 'yon?

Minsan nakakapagod na rin sumagot-sagot sa mga taong walang magawa kundi mangialam sa buhay ng ibang tao. Ewan ko ba sa kanila. Wala naman silan kinalaman sa buhay ko pero lagi nila akong pinapakelaman.

Buti nga ngayon hindi na madalas eh. Kasi madalas kaming magkasama or magkausap ni Benjamin. Takot din 'yung mga students dito kay Benjamin, hindi ko alam kung bakit. Pero basta para sa akin, napakabait niyang tao. Siya lang 'yung lalaking naging maayos 'yung pakikitungo sa akin.

Even my brothers can't call me pretty or cute. Kapag susubukan nga nila para silang masusuka. I don't know why are they acting like that. Hello? I'm they're older sister!

Ako ang pinakamatanda sa aming apat. Nasa highschool sila ngayon. 'Yung dalawang lalaki kambal at ang bunso namin ay babae. They are skinny unlike me.

Namana ko raw ito kay Lola. Dahil si Lola ang cute ng pagiging chubby niya. Sa kaniya ko rin daw namana ang pagiging malakas ko kung kumain. So i conclude that i'm Lola's girl and i cannot dey it. Kung tutuusin nga mas masaya pa ako sa piling ng Lola ko noon.

Because of my family, i feel neglected. Tagal na noonb last time na nakadalaw ako sa bahay.

Ayokong-ayokong bumabalik doon dahil naging trauma sa akin 'yung pangungutya nila sa akin. Sa kanila ko unang na-experience mabully kaya hindi na ako nag-expect pa ng iba nang ma-expose pa ako sa ibang tao sa labas.

They made me feel like i'm not their family, like i'm not belong with them. Like hello?! We are blood related! They cannot deny the fact that i'm their sister. May one time pa ngang sobra akong nasaktan noon dahil sa sinabi ng kapatid ko, 'yung pangalawa.

So the scenarios is, my brother was like he is playing with someone then i approach him because i would like to show off something to him. Then this kid that he is playing with asked my brother what am i to him then my brother said, he don't know me and even pushed me away.

It really hurts me so much that i feel he stabbed me. Kapatid ko siya, we're blood related. But, how can he deny me infront of someone?

Kahit ngayong malalaki na kami, wala pa rin silang pagbabago, ganoon pa rin sila kahit 'yung bunso naming kapatid na babae. I don't know what made them turn into people like that. Kaya lumaki na rin akong parang walang kinagisnang pamilya.

Wake Up, BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon