Charmi's POV
So many things i have been through a lot these past days. At hanggang ngayon, hindi ko pa rin malimutan ang nangyari noong gabing 'yon.
Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Hanggang ngayon nasa isip ko pa rin.
Mas nag-doble ingat kami ngayon ni Sera. Nag-aalala rin ako para sa kaniya dahil baka may hindi magandang mangyari sa kaniya.
Kinakabahan ako para sa mga pwedeng mangyari.
Kaya nitong mga nakaraan, hindi ako makapag-focus sa iisang bagay.
Gulong-gulo talaga isipan ko. Pero i did my best para mag-focus doon sa practice namin para sa Theater Program dahil ayokong magkamali doon.
And ngayon, may laro kami ng tennis sa isang subject. P.E kasi namin ngayon.
Napaka-ingay ngayon dito sa locker ng girls, magpapalit na nga lang ng suot eh. Nakakarindi, bwisit.
"Girls, make it faster. Sumunod na kayo sa tennis field."paalala sa amin ng President naming babae pagkatapos ay umalis na.
Kita kong nakatingin ng masama sa kaniya si Rian, classmate rin namin."Tsk. I really don't like that girl. Napaka-entitled, psh."aniya.
"So do i. Ang bida-bida niya at sipsip."patong pa ng kaibigan ni Rian na si Maxie.
Ano ba naman 'tong mga babaeng 'to. Hindi ko na gustong marinig pa ang mga chukchakan nila. Kaya mauuna na ako.
Dali-dali na akong nagtungo sa tennis field dahil anong oras na.
Himala at hindi ko nakita sin Eve at Abigail ngayon. Pero hindi na ako interesadong alamin pa kung nasaan at kung anong ginagawa nila.
Saktong pagkarating ko ay may sinasabi na si sir France."Okay class, so today Class 3 - B will be joining us today since parehas ko naman kayong handle and parehas naman kayo ng gagawin for today."
Kaya pala naririto ang section Class 3 - B. Pero feel ko, hindi ako magiging comfortable since nandito sa section na ito si Benjamin.
Sa hindi pa inaasahan, nagsalubong pa ang mga mata namin ng lalaking kakabanggit ko palang.
Bwisit ngayon pa talaga. Pero at least, nandito naman si Sera. The question is, saan na naman kaya nagpunta ang lalaking 'yon?
"So, you're not going to just play today. You'll going to compete to the other section which is Class 3 B."anunsyo pa ni sir France.
"What the.."
"No! I'm not going to play with that boys, over my dead body!"
"Really? I don't like this!"
"Sir, masakit po tiyan ko."
"Sir France baka pwedeng next time na lang po please."
"Tsk, aarte talaga ng mga babaeng 'to. Edi 'wag kayong maglaro, that's easy."
"Let's go!"
Puro ingay ng mga classmates ko ang naririnig ko. Kaniya-kaniya sila ng hinanaing. Napaka-ingay talaga ng mga ito kahit kailan.
"Shhh quite class, listen. Hindi naman lahat sa inyo makakapag-compete sa kanila. Ma-cocompete niyo pa rin naman ang mga classmates niyo so don't worry. Okay. Ganito ang mangyayari. Two versus two ang mangyayari just like badminton. So, for the first two, it will be Benjamin from Class 3 B and his partner will be Charmi from Class 1 A. And the second partner will be Eve and Sera from Class 1 A. Sa next game ko na ia-announce ang next. So, you'll just have to win with the score 10. Position nanpara makapag-start"paliwanag ulit ng teacher namin para maging klaro ang laro.
BINABASA MO ANG
Wake Up, Beauty
FantasiIn a cruel twist of fate, a young, chubby girl became the target of a man who exploited her for online content, using her appearance to gain fame. Enduring relentless bullying, Charmi reached a breaking point and attempted suicide. However, as she l...
