CHAPTER 9: In Danger

10 2 0
                                    

Serapheil's POV

***Eldoria World***

Agad din naman nakatulog si Charmi matapos ng lahat ng ginawa namin ngayong araw kaya pabalik na ako ngayon sa Eldoria.

Ngayon lang din ako nakaramdam ng pagod sa buong buhay ko, hindi ko ba maunawaan ngunit ang tanging alam ko lang ay buong araw akong masaya.

Naranasan ko ang tinatawag nilang Shopping. Maraming nabiling kung ano-anong kasuotan si Charmi para sa kaniya at sa akin. Nanatili na lamang ang mga bagay na iyon sa kaniyang kwarto.

Ang tanging dala-dala ko lamang ngayon ay ang binigay niyang kwintas na may pusong hinati. May kapareha ito kaya kalahati at na kay Charmi iyon.

Aniya, ito raw ang palatandaan na ang buhay namin ay iisa. Ang kalahati nitong puso ay kasama ng kwintas ng buhay na suot-suot lagi ni Charmi.

"Maligayang pagbabalik, anak."

Sumalubong ang aking ina nang makapasok ako sa aming tahanan.

Lumapit ako sa kaniya. Bibigyan ko sana siya ng halik ngunit naunahan niya akong bigyan ng mainit at mahigpit na yakap."Maayos ako, ina. Wala ka dapat ipag-alala."

Humiwalay siya sa akin at pinagmasdan ako saka hinawakan niya ang dalawa kong kamay."Hindi mo maalis sa akin ang pag-alala ko bilang ina mo, Sera. Nais kong sa bawat pagbalik mo ay may kasiguraduhan na maayos ka."sambit niya at tila ba may kumikinang sa kaniyang mga mata.

"Nariyan kana pala, Sera."

Narinig ko ang boses ng aking ama sa likuran ni ina. Nginitian ko lamang siya.

"Kumain kana ba, anak?"

Tinanguan ko siya."Busog na busog ako, ama."sagot ko sa kaniya.

"Paniguradong pagod ka. Halika't magtungo kana sa silid mo upang makapagpahinga ka kahit papaano."saad ni ina at nagbabalak na hilahin ako.

Hinawakan ko ang kamay niya."Hindi na, ina. Magpapahangin na lamang ako sa labas at baka kamustahin ko rin sina Akus."pahayag ko nang nakangiti sa kaniya.

"Ikaw talagang bata ka."napahagikgik na sabi ng aking ina at pasimple akong hinampas ng mahina.

"Lalabas na muna ako, ama."paalam ko."Ina."binalik ko ang paningin ko sa kaniya.

Nagkatinginan kami habang si ina ay napatango. Kaya naman lumabas na ako ng aming tahanan at naglakad-lakad habang sariwa pa ang hangin ngayong gabi.

Habang naglalakad at nilalanghap ang sariwang hangin, hindi kalayuan ay natatanaw ko ang mga mukha ng taong pamilyar sa akin.

"Si Serpheil ba iyon?"

Kahit hindi pa ako nakakarating sa kanila ay naririnig ko na silang nagsasalita.

"Siya nga."boses ni Rynstel.

"Kumusta, Serapheil?"sabay nilang pagkakatanong sa akin.

Ginawa na muna namin ang pakikipag-kamay biglang kaibigan."Ayos lang ako. Kung tungkol naman sa aking gawain, ganoon din."

"Hindi ka ba natatakot para sa iyong kaligtasan?"tanong ni Akus.

Napailing ako."Ngunit mas natatakot ako para sa kaligtasan ng aking kahati."may pangangambang pagpahayag ko.

"Napakatapang ng iyong ginawa, Sera."sambit ni Rynstel at tinapik-tapik ang braso."Kumusta sa mundo ng mga tao?"

"Wala pa rin nagbabago, gaanoon pa rin. Ngunit sanay na ako. Handa ako ng pasukin ang misyong ito. Kaya huwag kayong mag-alala."

Wake Up, BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon