Charmi's POV
So, today is the first day of practice namin for the Threater Program. Nasa school na ako kanina pa. Half day lang ako since may practice nga. Excused naman na ako eh. Actually, lahat ng mga mag-auddition for Theater Program.
Ngayon, on the way na ako sa auditorium dahil doon gaganapin ang practice namin. Hindi ko kasama si Sera ngayon dahil may iba siyang inaasikaso.
Nagiging dependent na ako sa kaniya dahil lagi siyang nandiyan para sa akin kaya medyo nasasanay na akong lagi siyang nasa tabi ko. I still cannot forget what happened between him and I last time.
"Ay palaka!"halos lumabas ang kaluluwa ko mula sa katawan ko dahil sa may nanggulat sa akin.
Pagkalingon ko, nakita ko si Yda. Naka-peace sign siya."Sorry hehe. You're on your way sa auditorium if i'm not mistaken?"
Tinanguan ko siya."Start na kasi ng practicr para sa ano eh uhm Theater Program."
"Kaya nga. Doon din punta ko ngayon since isa ako sa mga organizers. Kaya ako bahala sa 'yo Charmi."
Hindi ko mapigilang matawa dahil gumawa pa siya ng nakakatawang mukha na para bang mag-besties kaming dalawa.
Hindi naman nagtagal nakarating na kami rito sa auditorium. Ang daming taong nagkalat sa paligid. Parang nag-activate tuloy ang introvertness ko.
"Goodluck, Charmi."paalam sa akin ni Yda at nakuha niya pa akong tapikin sa balikat ko bago tuluyang umalis.
Napalunok na lang ako habang nakatayo at pinagmamasdan silang lahat.
Hindi kalayuan may nakita akong familiar na mukha. Tangina rito yata matatapos ang career ko sa pagiging actor. Nandito 'yung sikat na director na kinakahangaan ko!
He is direction Mond. Maikli pa naman ang patience ng taong 'yun kaya lagi siyang galit or mainit ang ulo.
"Where's the protagonist? We need her now."rinig kong nagsalita si Direk Mond na parang naiinis ang tono niya.
"Ayun na pala siya, Direk."sabi ng isang staff na nakahuli sa aking nakatayo pa rin mula rito.
Tinignan ako ni Direk mula ulo hanggang paa habang nakataas ang isang kilay niya at ngumunguya ng gum.
Dali-dali na lang akong nagtungo sa kanila."M-Magandang umaga po, Direk Mond."bati ko sa kaniya.
"Do you know me?"
"Y-Yes po since bata palang po ako. I was idolizi-"
"I'm not asking if you're idolizing me. Hindi ko kailangan ng sipsip. Isa lang ang tanong ko. Go to your respective position so we can start now. You're wasting the time."
"O-Okay po.."
Habang paalis ako sa harapan niya ay nagsalubong naman ang mga mata namin ni Eve. Kita kong tinatawanan niya ako dahil sa nangyari.
Ayoko ng gulo lalong-lalo na nandito si Direk. Kaya maiwas-iwasan muna si Eve ngayon. Gusto ko rin panatilihing healthy ang peace of mind ko.
A minutes later..
"Sinabi ko na sa 'yo! Lumayo kana! Bakit ba ang kulit mo?!"sigaw ko. Line 'yon sa inaacting namin."Ilang ulit ko pa ban-"
"Cut!"sigaw ni Direk na dahilan para matigil ako sa pagsasalita."First day na first day hija 'wag mong painitin ang ulo ko. Nakailang take na tayo sa scene na 'to why don't you get it?! I expected a good actress for this character!"
BINABASA MO ANG
Wake Up, Beauty
FantasyIn a cruel twist of fate, a young, chubby girl became the target of a man who exploited her for online content, using her appearance to gain fame. Enduring relentless bullying, Charmi reached a breaking point and attempted suicide. However, as she l...
