CHAPTER 12: Real Talk and First Kiss

13 1 0
                                    

Charmi's POV

It took me days to feel better again after what happened on mom's birthday. Hindi ko na sila ulit nakausap after that. Maayos naman na ako ngayon and i feel more better.

At least ngayon, alam kong wala akong ginawang kahit na anong kasalanan. Hindi lang mawala sa isip ko na parang may kinalaman pa rin ako sa pagkamatay nu'ng baby.

Nadalaw ko na siya. I was with Sera that time. Pero hanggang ngayon wala pa rin akong natatanggap na sorry or what galing sa kanila. Bahala na sila. Hindi ko naman sila pwede pilitin.

Basta ako, alam ko na sa sarili ko ngayon na wala akong nagawang kasalanan sa kanila.

Anyway, nandito kami ngayon ni Sera sa school. As usual, na naman ang kasama ko. Lagi naman. For today, iaannounce na nila kung sino ang mga nakakuha ng mga roles kaya naghihintay na kami ngayon.

"You look so happy."

Biglang nagsalita si Sera sa tabi ko habang nakapila kami rito sa canteen para makakain.

Ngumiti na lang ako."Hindi ko alam nga alam kung bakit ako masaya eh. Basta parang ang saya."

Habang nasa pila kaming dalawa ni Sera, biglang nag-ingayan ang mga students.

"Nasa bulletin board na!"sabi ng babaeng napadaan sa harap naming dalawa ni Sera at saka hinatak ang kasama niyang isang babae pa.

Ano meron?"

"Good afternoon everyone. The students who luckily got the chance to rise and show their talents for the Theater Program is now on the bulletin board."bigla na lang may nag-announce.

Nagkatinginan kamin ni Sera after namin makakuha ng pagkain.

"Tara, punta tayo."aya ko kay Sera.

"Go. I'm just right next you."aniya.

Kahit na may bitbit kaming pagkain nagpunta pa rin kami sa main hall ng school kung saan nakatirik ang bulletin board.

Pagkarating namin dito ay puro students na. Nagsisiksikan para lang makita ang nakapaskil. Kinabahan tuloy ako bigla. Dahil hindi ko alam kung nakapasok ba ako.

Tingkayad ako nang tingkayad para sana makasilip man lang pero ang tatangkad ng mga nasa harapan ko.

Hirap talaga kapag meron kang maliit ng height. Pero kahit sa liit kong ito, makikipagsapalaran pa rin ako sa kanila.

Nilingon ko si Sera."Pahawak muna nito."pinahawak ko muna sa kaniya ang tray ng pagkain ko at saka ako sumubok na makipagsiksikan.

"Aray!"daing ng babaeng natapakan ko ang paa.

"Sorry! Sorry!"paghingi ko naman ng tawad."Padaan po. Makikiraan hehe."sabi ko habang pinipilit ko ang katawan ko na makisiksik sa maliliit na butas.

Para naman akong nakahinga ng maluwag nang makaalis na ako doon. Kaya naman ngayon, nasa harapan na ako ng bulletin board.

Hinanap ko naman na agad ang pangalan ko para sa Protagonist na si Karrie na pinag-auditionan konsa play.

"AHHHHHHH!!"

Napasigaw ako dahil sa saya nang makita ang name at picture ko na mag-aact as bida sa play! Dali-dali ko ng binalikan si Sera.

Nginitian ko siya.

"Why? Why did you shout?"

"Napili ako!"

Dahil sa hindi ko mapigilang saya ay nayakap ko si Sera kahit sa isip-isip ko ay may hawak-hawak siya na pwede matapon.

"NO WAY!"

Wake Up, BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon