Chapter 13

7 3 0
                                    

October 27, 2023 , ngayong araw nagkayayaan kami nila iwa na mag sm after ng uwian kaya naman first subject palang excited na kami bukod kase sa mag sm kami e kasama namin yung dalawang magpinsan na kaklase namin si Cheche at si Danny.

Around 1:20 ng hapon ay dumating narin sa wakas si sir yung subject teacher namin. Nagpagawa lang sya ng activity and after non iniwan narin kami sumunod naman si ma'am rich at sunod sunod na ang klase hanggang sa mag-uwian na. Matapos magpaalam ng huling subject teacher namin ay inayos ko na ang gamit ko at inaya na sila iya palabas ng classroom,habang palabas ay nagtanong si macey

"Nasan sila danny?"

" Nasa gate hinihintay ata yung kasama nila" sagot ko naman, habang naglalakad ay pansin ko ang pagtahimik ni kat.

" Sasama kaba sa sm?" Tanong ko sakanya

"Hindi" sagot niya sabay naglakad paalis, nagkatinginan kami ni iya at hinabol namin si kat.

Kat POV:

I'm not feeling well...bukod sa masama ang pakiramdam ko hindi rin ako komportableng may kasamang iba..ewan ko ba feeling ko kase nawawala na closeness namin..kaya naman pagkatapos kong sumagot na Hindi ako sasama ay umalis nako, habang naglalakad papuntang sakayan nakita ko sila Chantria na tumatakbo papunta sakin kaya naman binagalan ko yung lakad ko para maabutan nila ako. Pagkarating nila sa harap ko nagsalita si Chantria.

"Sumama kana, minsan lang to eh"

"Ayoko nga, kayo nalang di ako sasama" sabi ko sakanilang dalawa ni iya, si iya naman ay nakatingin lang samin. Matapos ko sabihin ang mga katagang iyon ay maglalakad nasana ako ulit kaso hinawakan ni Chantria ang braso ko

"Iyaa, tulungan moko pigilan natin toh" yan ang sabi niya habang pilit akong pinipigilan na huwag umalis at ito namang si iya tumulong na rin

Ang kukulit!

Kaya man eto ako ngayon katabi ang dalawa habang hinihintay si Jen at macey na kasama si cheche at danny. Hindi nagtagal ay natanaw nanamin sila macey kaya naman sabay sabay na kaming sumakay sa trycicle, pagkarating sa sm ay mas lalong sumasama ang pakiramdam ko , tapos isabay pang feeling ko na left out ako ..yun bang sabay silang lahat maglakad tas ako nasa huli feeling lonely tapos hahahaha wala man lang nagtanong if okay paba ako...

Hindi nako okay, masama loob ko at masama ang pakiramdam ko

Habang tumatagal ayun napupuno nako ,walang pumapansin sakin kaya naman iniwan ko sila at umupo ako sa food court and luckily nakita ko ang pinsan ko na naggaaral sa NU sa taas lang ng sm nato..lumapit ako sakanya at nagtanong

"Uuwi kana?" Tanong ko sa pinsan ko bago umupo sa harapan niya.

" Oo, hinihintay ko lang si tatay" sagot niya

"Sabay nako" sagot ko naman at nag nod lang sya. Pagkaraan ng ilang minuto dumating si Chantria sa pwesto namin inaaya nakong bumalik kaila iya..

"Uuwi nako" tipid na sagot ko

"Sige" sabi niya lang niya at umalis na. Dumaan pa ang ilang minuto ay nag aya na ang pinsan ko palabas ng sm dahil andun naraw si tito sa labas kaya naman tumayo narin ako kaso biglang lumapit nanaman si Chantria. Kaya tinutulak ko sya pabalik kaila iya dahil uuwi na nga ako pero nung nakita ko ang mukha niya ay bigla nalang akong huminto sa paglalakad sabay sabi sa pinsan ko ng mga katagang

"Hindi pa pala ako uuwi , mauna kana" yan ang sabi ko sabay balik papunta sa pwesto nila chantria.pagkarating roon gulag pasya kase andun pako. Pero yung awa ko kanina para sakanya ay napalitan ng sama ng loob kase hindi nanaman niya ako napansin kaya walang sabi-sabi akong umalis at pumunta sa sakayan at umuwi na. Pero bago yun nagchat ako sakanya na umuwi nako

CHANTRIA

Uuwi nako

Chantria: huh? Nasan ka? Sabay na tayo

Huwag na ,nakasakay nako

Chantria: sige, ingat ka nalang pauwi

Yan ang reply niya at sineen ko lang habang tinitignan ang chat niya ay diko napansin na may tumulo na palang luha sa mata ko.

Putek! Ayoko umiyak sa trycicle!

Pinunasan ko nalang ang luha ko at tahimik na tinanggap ang hangin na humahampas sa mukha ko. At pagdating sa bahay nagbihis lang ako at natulog na.

Pretend to Forget Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon