CHAPTER 22

11 1 0
                                    


CEDRIC POV:

In the whispers of time, some suggest that our story is an ever-evolving saga, bound neither by the constraints of the past nor the limitations of the present. Like a river flowing endlessly, our narrative may find new tributaries, fresh chapters, and uncharted horizons. It is in this belief that the echoes of possibility resonate, carrying the promise that our journey is far from its final verse. With hope as our compass, we look ahead, anticipating the unwritten pages that await, where the tale of our existence continues to unfold....

Ilang araw na ang lumipas at tuluyan na tayong hindi nag-usap..inaamin ko namimiss kita pero...nahihiya akong kumustahin ka...araw ng martes ngayon at hayun ka nakikinig ng musika na parang walang problema , komportable sa pagkakaupo habang maya't maya ang pakikipag usap kay Jelly, at heto ako sa aking upuan at hindi maiwasan na hindi ka tignan..

Gusto kitang kausapin.....

Maayos ang lahat nakikinig ang ilan sa kwento ni Ma'am Nisha at ang iba naman ay nagkukumpleto ng lecture, pero ang akala ko'y tahimik ay hindi  pala , dahil nagkakabiruan na ang lahat. Noong una ay nakakatuwa pa ang biruan nila yung may asaran at pagship sa ilang mga kaklase namin. Nguni't ang sumunod na nangyari ay hindi ko inaasahan.

Sinabi ni JayR ang tungkol saamin ni Chantria......

" Si cedric at Chantria ma'am may something hahahaha" sabi ng tukmol na JayR ,wala ka talagang matatago sa isang to. Ewan ko ba kung bakit ko ito naging kaibigan e bwisit na bwisit nga ako sa isa nato tsss.

"Ahh talaga? Kayo?"tanong ni ma'am ,hindi ko alam kung sasagutin ko pero di nagtagal ay may sumagot rin sa tanong na iyon.

"Wala na sila ma'am ,huli kana sa balita hahaha" sagot ng kung sino, hindi ko na nakita kung sino ang sumagot dahil biglang na blanko ang utak ko.

"Ay bakit? , anong dahilan?"
" Ano nangyari Chantria?" Tanong ulit ni ma'am nung walang sumagot sa unang tanong niya. Naging tahimik uli ang classroom wari mo'y nagpapaliramdaman ang mga nakikinig at di nagtagal ay nagkibit balikat lang si Chantria.

"Sayang naman..." Nanghihinayang na sagot ni ma'am. Akala ko pagkatapos non ay di na sya magtatanong pero nagkamali ako dahil mukhang nasa mood si ma'am.

"Pero , Chantria may chance paba si Cedric?" Tanong ni ma'am kay chanty at dahil sa tanong nayun ay bigla nanamang nabuhay ang puso ko nananahimik kaya naman ikinalma lo muna ang puso ko para hintayin ang sagot ni Chantria. Pero diko narinig yung sagot niya dahil malayo ang upuan ko sakanila nagtanong pa si ma'am non pero dahil nawala na ako sa focus ay diko na narinig . Pero bago mag uwian ay may narinig akong sinabi ni Chantria...m

"When? Ahahaha"

Matapos marinig ang mga katagang yun , bigla ay parang may kumiliti sa puso ko yun bang umaasa namaman na baka pwede pa...kabit na alam kong sinabi niya lang yun para hindi na makapag tanong si ma'am , matapos non ay sandali pang nang-asar si ma'am at ang iba naming kaklase at ako? Eto hindi mapakali dahil sa maraming what if nanasa isip ko.

What if tanungin ko sya uli?

What if pwede pa...

What if may chance pa..

What if maayos pa namin...

Sa sobrang  daming what if, hindi ko namalayang gabi na pala...at heto nanaman ako ....mag isa at nag iisip, hindi pa ako nasanay halos gabi gabi ko syang iniisip pero alam kong iba ngayon...alam kong di ako papatulugin ng mga iniisip ko na ito hanggat walang confirmation.

Sinabi niya lang kaya yun para makaiwas?

Or.....

Baka may chance pa nga?......

At dahil hindi ako mapakali kinuha ko yung cp ko na nakapatong sa lamesa at nagchat sakanya. Kahit na alam kong baka hindi niya ako iseen ay nagdecide parin akong magchat dahil alam ko rin na hindi ako papatulugin ng mga iniisip ko.

CHANTRIA

Oy, kumusta?


Chat ko , akala ko hindi niya papansinin pero nagulat ako kase typing na sya.


Chantria: ayos lang..ikaw?


Ayos lang din


Chantria: bakit ka pala nagchat?


May ask ako...bakit ka pala nag when? Ewan diko narinig sinabi ni ma'am nilda.


Chantria: hahaha uwing uwi na kase ako tas ayon sabi paligaw daw ako sayo tas uuwi na daw sabi ko when shshsh yun lang


Matapos malaman yung reason niya bigla akong nawala sa mood , masakit parin pala hahha tapos ako namang si tanga umasa pa hahaha...


Hindi kana nasanay Cedric! Napaka
tanga mo talaga!


Matapos magpaalam kay Chanrtia , heyo nanaman ako sa isang sulok ng kwarto sinisisi nanaman yung sarili dahil sa katangahan, sinabi ng wala na ngang chance tapos umasa pako hahahaha, umabot ng ilang oras at gising parin ako ,mukhang papasok nanaman akong puyat at sigurado akong aasarin nanaman ako ng mga hambog kong kaibigan.


Hindi kana nasanay Cedric, engot ka parin.....

Pretend to Forget Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon