Chapter 19

8 1 0
                                    

Still in flashback

Araw ng recognition ngayon at magkaaway kami ni Chanty ewan ko ba ,bakit humantong sa ganto pero feeling ko nagselos yun, nakita niya kaseng inaaasar ko si Ayanna, pero yung asar nayun dahil sa isang teacher na crush ni Ayanna, at mali ko rin kase na inaasar ko pa yung isa kahit na alam kong selosa yung bata nayun hayy . Pati si iya pinagseselosan pero ang di niya alam laging sya ang topic namin, ewan ko ba sa tuwing iba ang kausap ko hindi mawawala sa usapan yang bata nayan hayy.

After ng ilang days ay nagkaayos rin kaming dalawa, hindi ko sya kayang tiisin .

Hulog na hulog nako..

__________

Dumating ang araw ng pasukan , graduating students na kami, konti nalang malapit nakaming mag college, nabanggit sakin ng bata na gusto niyang mag Psychology, at may tiwala naman ako sakanya na kaya niya yun.

Lumipas ang ilang buwan ay naging maayos naman ang lahat although dumadalas ngalang yung pag aaway namin pero naayos naman namin, dumating yung birthday ni chanty friday yun gusto ko sana syang masolo sa araw niya nayun kaso naisip ko na time nila yun ,lalo na ni kat time nila yun para mag enjoy kaya naman hinayaan ko nalang at nag set kami ng araw kung saan pwede namin icelebrate at yun ay ang linggo, napaka saya namin yun kumain kami at naglaro parang enjoy the moment lang hahahaha

________

Sobrang sayo ko ngayon kase, ngayon ko balak ibigay Yung necklace na regalo ko sakanya ,dapat promise ring yun kaso sabi ni ate masyado pang maaga para dun kaya necklace muna..tawang tawa ako habang sinusuot ko sakanya yung necklace dahil apura video ni kat kaya naman nahihiya tong isa Hhahahaha

________

October 27, 2023 ito yung araw na pupuntang sm sila Chantria kaya naman inaya ko sila mayo na pumunta rin dun, pagkarating sa sm hindi rin kami nagkasama dahil may ibat iba kaming grupo na dapat na samahan kaya tinitignan ko nalang sya sa malayo...at nung maggagabi na nag tanong ako kay Jen if nakauwi naba si Chantria

Jen

nakauwi na sila chanty?

Jen: si kat umuwi na , si Chantria hindi pa ,naghihintay pa ata ng kasabay sa sakayan

Sige thank you

Pagkarating ko sa sakayan , wala pa si doon si Chanty kaya hinintay ko muna ,mga ilang minuto ay natanaw ko na sya, kaya nilapitan ko sya

"Galit ata sakin si kat" yan ang sabi niya sakin, kaya naman hinawakan ko ang kamay niya at pinagaan ang loob niya ,sana kahit sa simpleng gawain na ganito ay mapagaan ko ang loob niya.

May hindi ata sila pagkakaunawaan

________

Dumating ang ara ng baciprisa, inaasar ko si Chanty kay Phineas dahil gusto kong sumama ang loob ko at nag pa block man ako , kailangan ko kase para manalo sa laban

Pero mukhang nasaktan ko sya.... I'm sorry diko sinasadya ...para sayo ang panalo nato

At tama nga ako , nasaktan ko sya pero naging maayos ang lahat dahil nalinawan na kami after mag usap, pero kahit na ganun akala ko ayos lang sakanya pero nagkamali ako, mukhang naipon na lahat ng sama ng loob at lumala yun dahil sa pagmumura ko..

Natutulog ako non sa classroom dahil sobrang drained ako dahil sa pag aaway namin dumagdag pang di na kami madalas mag usap at higit sa lahat masakit ang ulo ko ng araw nayun, halos maiyak ako sa sakit kaya itinulog ko nalang pero dahil nasanggi ni Phineas ang inuupuan ko hindi ko napigilang sumigaw at kitang-kita ko ang pagtingin niya non saakin and with that i know something wrong already..at tama nga ako ,kinagabihan nagchat ako

Chantria

I'm sorry if I said those words earlier, it wasn't intentional, I was just caught off guard

Pero kahit na anong paliwanag na gawin ko Wala...naa hahaha sumuko na sya, hindi ko kayang mawala sya sa buhay ko kaya pati si kat na kaibigan niya kinausap ko

Kat Osia

Wala na, bumitaw na sya

Kat: huh? Anong nangyari?

At ayun nga na kwento ko sakanya lahat at sabi niya kausapin ko raw si chanty kinabukasan at yun nga ang ginawa ko. Ngayon ang punta ni chanty sa pastor niya kaya kinuha ko tong pagkakataon para makausap sya at bago pumunta sakanya nagchat sakin si kat.

"Kausap mo na sya , aalis nako para makapag usap kayo ng maayos" yan ang sabi niya sa chat niya ,kaya naman pinuntahan ko na si Chanty pero wala na , ayaw niyang magsalita pero nakikita ko sa mga mata niya nanaghohold sya ramdam ko yun ,hindi kase sya mapakali habang nagsasalita ako pero bigo ako dun ,ayaw niyang nagsalita kahit dumating na sila kat kasama si mayo.

Hinatak ni kat si chanty patalikod at kinausap , narinig kong dalawang beses syang tinanong ni kat kung ayaw naba niya pero diko sya narinig na nagsalita

Sumuko na sya

At paglipas ng ilang minuto hinarap kami ni kat sabay sabing "wala na , ayaw na niya"  lahat ng sakit na naramdaman ko kahapon ,bumalik lahat sakin hahahah ang tanga ko naman para umasa.

End of flashback

Pretend to Forget Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon