Chapter 23: Add scene

7 0 0
                                    

Shout out sa maganda naming adviser!!!!🎉

CEDRIC POV:

Anong petsa naba ngayon? Hindi ko na alam, hindi ko na alam kung anong nangyayari sa paligid ko , kahit ang sarili ko hindi ko na madama..... Para akong nauupos na kandila.....kailan ngaba yung huling beses na tumawa ako? Yung hindi pilit..miski iyon hindi ko na rin alam hahahaha.

Nakatayo ako sa harap ng salamin, tinitingnan ang aking sarili. Ang aking mga mata ay puno ng kalungkutan at pagkadismaya. Hindi ko na alam kung paano mabuhay nang walang sakit na sumasakal sa aking puso at isipan. Sa bawat araw na lumilipas ay tila isang paglalakbay sa kadiliman ang aking kinakaharap.

Ano ba naman ito?

Naaalala ko ang mga masasayang alaala ng aking nakaraan, ngunit tila nawala na ang kanilang ningning. Ang mga ngiti at tawa ng ibang tao ay tila malayo sa akin, hindi ko maunawaan kung paano nila nagagawa iyon. Ang aking mga salita ay puno ng pait at lungkot, na nagpapahayag ng aking pagkabigo at pagkawala ng pag-asa.

Sa bawat paghinga ko, tila ang sakit na ito ang nagiging tanging kasama ko. Ang aking mga kilos ay nagpapahayag ng isang taong nawalan ng direksyon, na hindi na alam kung paano mabuhay nang walang sakit na sumasakal sa kanya. Ang mundo ay tila nababalot ng dilim, at ang aking mga pangarap ay nawawala sa gitna ng aking malalim na kalungkutan.Nais kong makawala sa hawla ng aking sakit, ngunit hindi ko alam kung paano. Ang bawat sandali ay tila isang pagsubok, isang hamon na hindi ko kayang lampasan. Ang aking puso ay sumisigaw ng lungkot, ngunit walang sinuman ang nakikinig.

Sa aking pag-iisa, ang sakit na ito ang nagiging tanging katotohanan ko. Hindi ko na alam kung paano mabuhay nang walang sakit, at ang bawat araw ay tila isang paglalakbay sa kadiliman ng aking kalungkutan.

"Hindi na talaga maibabalik yung dati" saad ko saaking sarili, mula sa isang malalim na pagsasalita bigla akong nabalik sa realidad. Natulala nanaman ako. Linggo ngayon kaya naman andito ako sa bahay , wala akong planong umalis dahil wala ako sa mood , ganito na ata ako , araw araw nalang nilalamon ng lungkot.

Lumipas ang ilang oras at gabi nanaman , nandito nanaman ako ibinabalik nanaman ako sa isang hawla kung saan ay para akong ikinukulong , kahit gusto ko mang umalis ay diko magawa. Kaya naman bumalik nanaman ako kung saan ay sarili ko lang ang aking kinakausap.

Cedric Gatmaitan

Kumusta kana chantria?

Sana ay nasa maayos ang iyong kalagayan

Napansin kong bumabalik kana sa dati mong sigla

Maayos yan

Pasensya kana kung hindi kita nabigay yung oras na hinihingi mo

Mahal kita....

Huwag mo sana akong kalimutan

Goodluck sa journey mo! Alam kong kaya mo yan

Habang nagtatype ako ng message sa sarili ko,mga mensaheng hindi ko masabi sayo dahil alam kong wala ka ng nararamdaman sakin, kaya sa sarili ko nalang sinasabi ang lahat. Hahaha bawat letrang pinipindot ko ay syang pagpatak rin ng aking mga luha....alam kong maayos kana ,alam kong kahit papaano ay nakaka move on kana skain...pero hindi ko alam sa sarili ko dapat ay kinakalimutan narin kita pero diko pa magawa, umaasa parin ang puso ko ... umaasa na baka meron pa hahahaha


Bakit ba iniisip parin kita?....

Pretend to Forget Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon