Ilang araw na ang lumipas simula nung pinili ni chanty na tapusin ang relasyon namin , until now di ako maka move on, lahat binigay ko e , walang natira sakin...until now kinukulit ko sya kung seryoso ba sya na ayaw na niya
Sino bang niloloko ko? Hahahah sumuko na nga e , bumitaw na pero bakit umaasa parin ako?
Hanggang ngayon umaasa ako na baka pwede pa na baka maayos pa kaya naman nagchat ako sakanya muli.
Chantria
Seryoso ka naba sa desisyon mo?
Yan ang chat ko sakanya, matagal rin bago sya nag seen sobrang tagal ,pero anong aasahan ko? Ganyan na sya dati pa..lalo na kapag galit sya minsan araw bibilangin bago sya mag chat mas matagal ang 10 days...
Chantria: oo
Chantria: 11:11 wish you to be happy:<Wish you to be happy? Pero ikaw yung kasiyahan ko hahaha sa feeling mo ...doon ako sumasaya..hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko kaya naman kahit luhaan nagreply ako sakanya.
I wish with you
Chantria: ha?
Nagwish ka na maging masaya ako diba
Chantria: yupp
So i wish with you
Chantria: i wish with you?
Oo sayo ako masaya e
Sayo ako masaya chanty bakit ang hirap sayo paniwalaaan yun? Ayoko ng gantong pakiramdam, nasanay nako e, nasanay nakong nasa tabi kita palagi kaya bakit napunta sa ganito? Kulang paba? Kulang paba yung pagmamahal na ibinigay ko para mag stay ka? Ayoko! Ayokong mawala ka sakin... Mga katagang gusto kong sabihin pero natatakot akong baka ireject niya , natatakot akong baka ayawan na niya yung dating pinagsasamahan namin...pero huli na hahaha ayaw na niya talaga_____
Lumipas ang pasko hanggang December 27 kinukulit ko sya pero sabi niya may CYA sila kaya kahit na gusto ko syang makausap ay pinilit kong huwag ka munang ichat dahil baka makaabala ako sakanya , ayoko naman na mapagalitan sya ng pastor niya kase alam kong takot sya dun, kaya naman kahit na gustong gusto ko na syang ichat nagtiis ako kase akala ko after ng CYA magrereply sya sakin pero natapos na lahat walang Chantria na nagchat sakin
Napaka laki kong bobo! Hahaha sino ba naman ako para replyan niya pa? Eh ex nalang naman ako
Nasaktan nanaman ako ,pero ayos lang dahil ginusto ko rin naman ginusto kong masaktan ng ganito pero mukhang kulang pa ata ang sakit na nararamdaman ko dahil namatay si lola , yung mahalagang tao sakin kinuha na.
Ano pabang kulang sakin ? Kulang paba? Yung mga sakit na nararamdaman ko kaya pati si lola iniwan ako?Nakalipas ang ilang araw at inilibing si lola pero wala man lang ako narinig kay chanty, wala na siguro ako sakanya , sabagay diko naman sya masisisi nasaktan ko sya kaya ano pang aasahan ko?
______
Lumipas ang ilang araw pa ay nagchat ulit ako sakanya pero parang ayaw na niya talaga , nagsend sya sakin ng isang message..
ChantriaChantria: DEAR #YOUTH
Bata ka pa at marami pang plano si Lord sa buhay mo kaya pwede bang ingatan mo yang puso mo?
Wag padadala sa maling emosyon sus, masasaktan ka lang dyan.
Relationship mo nga kay Lord di pa ayos tapos makikipagrelasyon ka na sa iba?
Devotion mo nga di mo makompleto. Kung minsan nga gumagawa ka lang nito kasi required sa ministry nyo at chini-check ng leader mo diba? Tapos may pa aylabyu aylabyu ka nang nalalaman?
Tatanungin kita ngayon.
“Season mo na ba para dyan?”
“Okey na ba spiritual life mo?”
“Sya na nga ba talaga?”
“Handa mo ba syang pakasalan?”
“Kaya mo na bang mag-asawa?”
“May ipapakain ka na ba sa kanya?”
“Handa ka na sa responsibility?”
Bakit ko tinatanong yan? Kasi kung makikipagrelasyon ka, tignan mo Sya bilang future asawa hindi para display lang. Hindi para sunod ka lang sa uso dahil karamihan ng kabataan ngayon ay may jowa.
Learn how to wait. Mas masarap mahalin yung taong bunga ng paghihintay at panalangin.
You are too young. You deserve to enjoy life as a teenager.
Spend time with ministry. Unahin mo si Lord habang bata ka pa. Dahil hinahanda at inaayos Nya pa yung inilaan Nya sayo.
Matuto kang maghintay kasi baka yung nakalaan sa iba yung matagpuan mo. Mahalin mo muna si Lord, bago mo mahalin yung taong inilaan sayo...
Always remember that one day, you will marry one person, with a right reason, in the right season and with God's permission. Keep calm and wait for your the one.
Chantria:Sometimes, a human rejection is really God's redirection.
Chantria: wala na akong ieexplain pa , nasagot na niyan lahat.
Chantria: and yeah I'll keep our memories and treasure it.
Chantria: im not asking na lets be friends but lets keep in good terms.Yeah yun lang and goodluck sa buhay.
Hindi naba maibabalik yung dati? Kahit ako nalang yung maghal..basta hayaan mo lang akong iparamdam sayo na mahal kita...
Sa mga chat niya palang mukhang wala nakong magagawa para baguhin ang isip niya , sure na sya na makikipag hiwalay. Satingin ko wala akong laban, pero tama lang ang desisyon niya na unahin ang Lord pero sana hindi sya mag focus sa future kundi sa present. Alam kong may mga problemang hindi kayang solusyunan pero willing naman akong maghintay sakanya kahit gaano katagal pero mukhang ayaw na niya talaga...
Bumalik kana sakin....
BINABASA MO ANG
Pretend to Forget
General FictionThe story is about two students who fell in love, experienced pain, and more. What do you think will happen? Will the two of them reconcile, or should they cut ties? Let's follow their journey together.