Chapter 16

5 1 0
                                    

It's December nalalapit na ang pasko. Nasabi ko nabang masarap kayakap ang mga pusa? kung dipa ngayon alam niyo na..ngayong araw wala namang pinagbago, sanay nako sa paulit-ulit na gawain at sanay nakong di na kami masyadong nag uusap ni Cedric, hindi ko alam kung bakit humantong sa ganito basta isang araw hindi na kami masyadong nag uusap, ni wala na nga akong masyadong balita sakanya.

Katulad ng panahon, nanlalamig na rin ang aming relasyon

Isang araw nalang anniversary nanamin, malapit na pero parang hindi pa aabot. Nasa classroom kami ngayon and syempre walang ginagawa since wala pang teacher at si Cedric?. Ayun nakadukmo sa kanyang upuan , ewan ko ,parang natutulog ata. Hindi ko nalang sya pinansin at nanood nalang ako sa cp pero ilang sandali palamang  ang lumilipas ay  may narinig akong sumigaw.

" T*NG*NA" sigaw ni cedric habang galit na galit na nakatingin kay Phineas mukhang nasagi ata sya ni Phineas, well diko naman masisisi si cedric dahil mukhang naabala ang pagtulog niya, peroo, kasabay ng pagsigaw niya ay kasabay rin ng pagkadurog ng puso...

Alam niyang ayaw ko ng mga ganyang salita...alam niya yun..alam na alam..

Ilang sandaling tumahimik ang classroom namin at ako? Tahimik lang rin habang nag-iisip at kasabay ng pag-iisip ko ay ang unti-unting pagkadurog ng puso ko..

Nagbago na sya

Ilang sandali pa ang tahimik na lugar ay muling naging maingay dahil sa mga tuksong natatanggap ni Phineas sa mga kaklase namin. At sa huling sulyap ko kay Ced ayun na sya nakatingin na sakin na parang humihinga ng pasensya dahil sa pagsigaw niya, sandali ko lamang syang tinignan at nag focus nalamang ako sa cp at nung hapon rin nayon ay nagpatuloy ang ikot ng mundo hanggang sa mag-uwian. Noong uwian na ay naglakad na kami ni jat papuntang sakayan walang nagsasalita parang pinapakiramdaman namin ang isat isa, diko naman sya masisisi dahil wala talaga ako sa mood makipag usap.

Pagkarating sa bahay ay nagpalit nako ng damit at pagkatapos ay kumain na ,pagkatapos kong kumain ay pumunta nako sa kwarto para icheck ang messenger ko , tinignan kung nagchat ba si ced saakin at di nga ako nagkamali hayun na sya at humihingi ng pasensya.

Cedric

Cedric: I'm sorry if I said those words earlier, it wasn't intentional, I was just caught off guard

Ayos lang, lahat naman tayo nagkakamali

Sa kabila ng mga katagang "ayos lang" sa likod nito ay ang pagkadurog nanaman ng puso ko, mahirap palang nag pretend na ayos lang? Kahit alam natin sa sarili na hindi na maayos, sabi ng iba masaya lang una and tama nga sila, sauna na masaya i thought sabay kaming mag gogrow ,sabay kami sa lahat ,yung mga achievement? Sabay naming mararating pero, parang kailangan ng huminto? Kase ,kapag di pa nahinto baka magkasakitan lang kami.

Cedric

Cedric:  i know kasalanan ko, magalit ka sakin kung gusto mo, deserve ko naman yun

Ced, satingin ko kailangan na nating itigil toh?

Cedric: huh? Bakit?

Hindi na tayo nagkakaintindihan , hindi na tayo nag gogrow at isa pa ,sanay nako , nasanay nako na hindi tayo nag uusap

Cedric: sabi sayo worst ako e

Cedric: so, ano ng balak mo? Ganun nalang yun? Haha

Hindi ko alam

Cedric: bakit dimo alam?

Cedric: kahit nalang di alam?

I mean sa bawat relasyon hindi pwedeng isa lang yung nagkakamali hahaha

Cedric: pano bayan ako may mali


Sure kaba na wala rin ako?

Hindi ko napapahalagahan ang oras mo ,ni simpleng update diko magawa hahaha

Cedric: ayos lang yun, naiintindihan kita

Ced, itigil na natin toh, sanay ka namang di ako kausap diba? Kaya alam kong makakaya mo

Thank you sa time and efforts, i really appreciate it ,pero kailangan na natin itigil toh

Cedric: thank you nalang sa time mo , goodnight

Goodnight

Huling mga katagang sinabi ko sakanya , kailangan namin toh ,kailangan naming mag grow ,ang toxic na ng relasyon na meron kami. At higit sa lahat nasanay nako na wala sya .

Sinanay niya ako, oras na siguro para mag focus kay God , God's first before anything else...

Pretend to Forget Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon