Cedric pov:
Maingay..... Yan lang ang maririnig mo sa classroom namin, at syempre pasimuno nanaman si Ferb na inaasar si Phineas....Friday ngayon at oo ilang linggo nananamn ang lumipas at hindi parin ako nawawalan ng pag asa ,kahit na sinasabi kong tanggap ko na pero ang totoo ay niloloko ko lang ang sarili ko....
Hindi na ako natuto... Wala e , ganun kita kamahal, handang maging tanga para sayo.....
Last day ngayon at ito rin ang kinakatakutan ko dahil last chance ko na , kase alam kong pagkatapos nito sembreak na at alam kong chapter closed na...ilang minuto ang lumipas dumating na rin si Ma'am Kc dala niya ang mga painting nagawa nila. Wala naman akong gawa non dahil exempted ako.Pagkarating sa table ibinaba ni ma'am ang gamit niya dun at sinabing ipapaliwanag raw yung mga gawang painting , kung bakit raw iyon yung ginawa. Nagsimula na syang magtawag at masasabi kong magaganda ang mga gawa ng kaklase ko at ng mabunit niya ang kay Chantria ay nagtanong saakin si ma'am at talaga namang diko inaasahan yun.
"Anong masasabi mo sa painting niya?" At dahil sa sobrang gulat ay di agad ako nakasagot at dahil sa hindi agad pagsagot ay narinig ko na agad yung mga pang-aasar ng mga kaklase ko.
"Maganda po" ayan nalamang ang nasabi ko. Matapos non ay tinanong na niya si Chantria kung bakit yun ang napili niyang ipaint.
"Chantria bakit ito yung napili mong ipaint?" Tanong ni ma'am sakanya.
"Favorite color ko po " sagot niya , at may tinanong pa si ma'am about saamin, pero isa lang ang narinig kong sagot niya.
"Yuck" isang salita pero parang may milyon milyong karayom ang tumutusok sa puso ko.
Yuck? Ganun ba niya kaayaw saakin para yun ang masabi niya?
Yan ang mga katagang pumapasok sa isip ko ,kaya naman matapos ang klase kay ma'am kc lumabas ako. At sa paglabas ko doon nanaman paulit ulit ko nanamang naririnig ang sinabi niya , paulit ulit na para bang sirang plaka, at dahil doon hindi ko namalayang nakatulala na pala ako.
Ang sakit pala noh? Yung bang pinandidirihan ka nalang matapos yung mga pinagsamahan niyong dalawa, parang balewala lahat ng pinagsamahan.Ganun ba ako kasama? Hahahaha
Lumipas ang oras at uwian na pero heto ako para akong may sakit na hindi makausap ,natutulala sa isang tabi pinipigilan ang mga luhang nais makawala. Tinatanong ako ng mga barkada kung ayos lang ako pero hindi ako sumasagot. Para akong patay na buhay hahahhaha.
Sobra na akong nasasaktan...pero bakit di parin kita kayang pakawalan?
CHANTRIA POV:
Nasaktan ko nanaman sya....
Hindi ko naman sinasadyang masabi yun..miski ako ay nabigla .
"Yuck" sa sobrang pagkabigla ko ay agad kong tinakpan ang aking bibig. At agad akong napatingin sakanya at tama ako nasaktan ko nanaman sya....
Hindi ko sinasadya.... I'm sorryy......
BINABASA MO ANG
Pretend to Forget
Fiction généraleThe story is about two students who fell in love, experienced pain, and more. What do you think will happen? Will the two of them reconcile, or should they cut ties? Let's follow their journey together.