Chapter 18

6 1 0
                                    

Cedric POV:

Ayaw na niya...

Hindi naman ako tanga para ipagpilitin yung sarili sa isang taong ayaw naman sayo peroo, pagdating kay Chantria , willing akong magpakatanga para sa ikakasaya niya.

Mahal ko sya, mahal na mahal pero bakit kailangan pa akong iwan?

Masakit oo, kase nag plano nako sa future naming dalawa, nilalaan ko lahat para saaming dalawa, bahagi na sya ng buhay ko ..pero sumuko na sya...kung maaari lang balikan lahat ,yung wala pang sakit yung ..mahal pa niya ako..kung saan una ko syang napansin? Kung saan nagsimula ang lahat.

Flashback

May online class kami nito at syempre dahil dipa kami kilala ng subject teacher need namin tuloy magpakilala pero tapos naman na akong magpakilala kaya naman girls na, habang nagtatawag si ma'am may binaggit syang surname na syang nakakuha ng attention ko.

Sanguyo

Sanguyo? Saan ko ba narinig yun? Parang familiar...at mula nung araw rin na yun ay napansin ko na si Chanty, dahil sa surname niya medyo familiar kase talaga at hanggang ngayon diko parin matukoy.

Lumipas ang ilang buwan at nag face to face na rin sa wakas at napapansin kong laging kasmaa ni JayR si Chantria, mukhang close yung dalawa ah and napapansin ko na lagi syang nakatingin sakin

Mukhang may gusto sakin toh

At hindi nga akonagkamali sa guts ko ,dahil may pinakita sakin si JC kaklase ko isang screen shot at kita ko dun yung SP ni Chantria at yung nakalagay?

Si C ang wish ko sa pasko

Hindi naman ako pinalaking assumero ng nanay ko pero ramdam ko na para sakin talaga yun hahha cute, at lumipas pa ang ilang buwan nakamit narin ang unang pag uusap.

Chantria Sanguyo

Chantria: oy

Uyy, nag first move sya haha, ano kaya magandang gawin? Ah alam ko naa

Kumusta yung Peta natin?

At dahil sa groupings nagkaroon kami ng way para makapag usap. Tatandaan ko itong araw nato December 8, 2023 yan ang petsa nang una naming pag uusap, akala ko matatapos nadun lahat pero hindi pala ,kase nagtuloy tuloy nayun hanggang sa magka developan. Hanggang sa humantong na nag dedate na kami

________

February 6, 2023 nag date kami ni chanty ,sobrang saya niyang kasama at nalaman ko rin na mahilig sa sya sa puso and take note maliit man sya sainyong paningin at least nahohonor parin hahaha, ito yung araw na hinatid ko sya sakanila pero hanggang sa labas lang ako ng gate dahil ayaw niya, pero ayos lang sakin siguro kase baka nahihiya sya.

"Ingat ka pauwi" yan ang sabi niya bago sya pumasok sa gate nila kaya naman kahit ayoko pang umuwi ay umuwi na rin ako dahil mag gagabi narin.

________

February 14, 2023

Nag date ulit kami ni Chantria ganun parin naman kami , masaya at halos walang problema at ito rin yung pangalawang beses na ihahatid ko sya sa bahay nila at sawakas pinapasok na niya ako sa bahay nila, medyo nahihiya ako na kinakabahan ewan ko ba hahahaha, kase naman para nakong namamanhikan, napaka baut ng magulang niya lahat ata ng pagkain inoffer na sakin hahaha.

" Oh eto softdrinks kumain kayo ng marami huh, huwag ka ng mahiya iho" atubiling paalala ng mama niya , and guess what alam ko na kung san sya nagmana ng tangkad Hahahaha.

At sa araw rin nayon dun ko nalaman kung bakit napaka familiar ng surname niya dahil yung tito niya ay ninong ko pala dahil asawa ng ninang ko, diba ang galing? Hahaah ,di kami makapaniwala nung nalaman namin yun, talaga naman kapag tadhana talaga ang gumagawa magugulat kanalang talaga.







Pretend to Forget Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon