Chapter 15

9 3 0
                                    

It's November..nasa school ako ngayon dahil may pasok kami pero si Cedric? Nasa training sya, Kasali kase sya sa Volleyball para sa baciprisa actually nung September yung tryout and ngayong November ay nalalapit na yung laban nila kaya halos hindi na sya pumapasok sa classroom.

At halos hindi na kami nag-uusap.....

Siguro bilang nalang sa daliri yung mga pag-uusap namin hahaha, wala ng time sa isat-isa pero ayos lang nasasanay naman nako, pero syempre di maiiwasan na di masaktan.

At kasalanan ko naman, araw araw syang may update sakin pero ewan ko ba , gusto ko nasa akin yung oras niyaaa

_______

Dumaan pa ang ilang linggo halos masanay na akong di ko sya nakakausap . Kapag nagchachat siya hindi ko na sya nirereplyan parang balewala lang , nasanay na siguro .As in wala talaga ni kumustahan wala na parang nabalik lang sa dati and ngayong araw rin pala ay may meeting sa Star Arena kaya andito kami ngayon ang sabi ng iba about Career Guidance raw yung tatalakayin kase nga graduating student na kami papunta na kami sa kursong tatahakin namin, habang nagmumuni-muni nagulat ako kase nagchat si Cedric sakin.

Cedric

Cedric:  Balita ko pinayungan ka ni Phineas ah, ayieee bagay sila

Anong pinagsasabi mo?

Cedric: bakit? Diba totoo? May picture panga kayooo

Ewan ko sayo

Cedric: sent a photo

Cedric: ayan oh Hahaha

Ok

Cedric: Paki block ako, malapit na laban namin

You block Cedric Gatmaitan

Anong bang problema non? Nakakainis sya huh, sya na nga tong walang paramdam tapos gaganun pa sya. Hindi ko nalang inisip pa yun at nakinig nalang sa nagdedemo sa harap pero habang nakikinig nadidistract ako sa mga taong nakapaligid sakin pano ba namang hindi e si kat pinagtitripan si Phineas Bwisit! HAHAHAHAHAHA tapos ang malala pa sinend pa niya sa gc

Nak ng!

Di nagtagal ay natapos na rin ang meeting kaya ayun nagpunta kami sa sm nila iya para magpahangin oo magpahangin lang since di raw nakapag dala ng pera si macey at Jen kaya sinamahan nalang namin si iya at kat na magpa take out, and after din nun ay nagkaayaan na kaming umuwi.

Pagkarating sa bahay ay nagbihis nalang ako at nagbukas ng messenger and then nakita ko na binati ni mama ganda sila Cedric dahil sa pagkapanalo sa volleyball, 2nd runner up sila. Although kahit di nag champion ay ipinakita parin naman nila ang kanilang mga galing..

Proud Btech yarn?

Diko nalang pinansin yun dahil inis parin ako sakanya.Hindi ko parin sya inaunblock bakit? Dahil noong nag gabi sa gc ng STEM 12-D inaasar nanaman niya ako kay Phineas, nakakainis lang na yung taong mahal mo is parang shiniship ka sa taong dimo naman gusto. Feeling ko ambaba ng tingjn niya pero ayos lang HAHAHA wala naman na akong magagawa. Habang nagdadrama nagchat si kat sakin

Kat Osia

Kat:  uyy, paki unblock na raw si Cedric

Wala sana akong balak mag reply pero knowing kat ,mabilis syang magtampo kaya nag reply ako

Nugagawen?

Pero syempre ginawa ko parin since hindi lang naman sya yung nagchat sakin pati si Jen at iya kaya no choice, kesa naman kulitin nila ako diba?

Cedric

UNBLOCK
DELETE

Cedric: oy

Wala sana akong balak replyan pero baka guluhin nanaman ako ng iba , pero kasee nakakaubos rin pala ng lakas noh? Kapag paulit ulit nalang ,yun bang wala ng natitira para sayo kase nilalaan mo sakanya lahat pero parang kulang parin? Hahaha

Sobrang nakakapagod

Cedric

?

Cedric: Sorry na

Cedric:  sinabi ko lang naman yun para mang-gigil ako sa laro , para manalo ganun.

Ayan nanaman tayo sa isang sorry bumibigay nanaman ako hahaha, nakakainis dahil alam kong kapag nakausap ko na sya nawawala yung kinikimkim kong galit, naiinis ako sa sarili lo kase nagpapadala nanaman ako. Kaya eto yung ending nagkaayos kami ulit pero alam ko sa sarili ko na hindi na kaya pang mawala yung sakit na nararamdaman kooo

Kailan ba matatapos reh? GOD'S Will paba reh? Tama paba yung direction ko? O lumilihis na...

Pretend to Forget Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon