CHAPTER 24: THE REALITY

8.5K 62 12
                                    


Let her misery begin......evil smile.

char!

******

"Aalis kana ba? kumain ka muna. Nagluto ako." I saw my husband walk down the stairs  while  holding his black tie.

Dressed in a sleek black terno office suit, exuding a professional demeanor. The tailored jacket and the matching trousers fit snugly on him, paired with his white polo and  while his shining black shoe completes the sophisticated ensemble.

He looks hot as usual!

Nasa living room ako, nakaupo kaya hindi nya ako nakita o nakita nya ako pero sinadya nyang hindi ako pansinin. Kaya akmang malalagpasan na nya ako pero nagsalita ako.

"No, I'm leaving" Hindi sya lumingon. Tutuloy na sana sya pero nagsalita akong muli.

"Sandali!" kunot noo itong humarap sa akin. Naglakad ako palapit sa kanya hanggang sa makalapit ako at tumayo sa tapat nya. Hawak ko ang lunchbox na naglalaman ng niluto kong baon nya. For his lunch. Bilang isang asawa ay dapat ko syang paghandaan, kahit hindi ako sigurado kung kinakain nya ba ito. Well at least I'm doing my role.

I grabbed  his tie from his hand before handing the lunchbox forcefully and moved closer to him to encircle it around his neck. Hindi sya gumalaw, hinayaan lang nya akong gawin iyon dahil alam nyang walang mag aayos non.

Saglit kong itinaas ang  kwelyo ng kanyang puting polo upang mailagay ang kanyang tie. Matapos kong maayos ang pagkakatali ay ibinalik ko rin ang kanyang kwelyo sa pagkakatupi.

"Ang tanda mo na, hindi mo parin alam ayusin ang tie mo. You should learn how to fix it hmm? " Malambing na pangangaral ko pa bago man tuluyang maayos ito sa kanyang leeg.

Hindi sya nagsalita pero ramdam ko ang tingin nya.

Magaan kong pinagpagan  ang kanyang balikat  kahit wala namang alikabok ang dumapo.

"peffect!"

Tumingkayad ako at bahagyang hinila ang coat nya dahilan para mapayuko sya ng kaunti at naabot ko ang kanyang labi.

Binigyan ko sya ng mabilis na halik. Smack lang, kasunod nito ang aking matamis na ngiti.

Ang mukha nyang seryuso ay napalitan ng pagka disgusto. His brows furrowed because of my unexpected action. Hindi nya nagustuhan ang ginawa ko.

Kahit ganoon ay hindi nawala ang ngiti ko dahil asawa nya ako at may karapatan akong gawin yon.

Kahit labag sa kalooban nya, hindi naman sya maabuso o maag rabyado  sa galaw kong yon.

"That's your goodluck kiss. bye. Ingat ka! Eat your lunch okay?"   Masayang  paalam ko bago ko sya iwang nakatayo doon. Dumeretso ako sa Dining room para kaiinin  ang mga niluto ko.

Ipinagluluto ko sya pero  madalang lang syang kumain dito s bahay.

Nakaramdam ako ng lungkot...

It's been two months since we got married.

Two months of living with him is hard. Ako lang lagi ang nag aadjust, I can't even see him make an effort to approach me or to talk to me.  Parang hangin lang ako dito sa bahay dahil kung hindi ko sya papansinin ay hindi nya ako iimikan.

Yong mga niluluto kong pagkain  hindi nya kinakain, Pero sana naman ay kinakain nya iyong binibigay kong baon  nya, kahit iyon nalang.

We never eat together in those two months of living together.Nagluluto din sya pero hindi sya sumasabay sa akin.

Matapos nyang magluto ay sasabihan nya ako ng "Now eat, I have work to do" bago tataas  sa kwarto nya at doon mananalagi. Tumatanggi pa ako at pinipilit kong sabay na kami pero nabibigo ako.

Hindi nya ako pinupuntahan sa kwarto ko para sabihin yon, dahil, habang nagluluto sya ay  pinapanood ko sya. Wala manlang syang maramdamang pagka ilang dahil swabe parin ang kanyang galaw habang pinapanood ko.

Para kaming hindi mag asawa, Maaga syang aalis nang hindi nagpapa alam at sa gabi ay late na sya kung umuwi, kung hindi ko sya itetext upang tanyngin kung anong oras sya uuwi ay hindi sya magtetext, minsa hindi sya nagrereply. Masakit sa parte ko iyon. Naghihintay ako mag isa sa bahay, kahit antok na ako ay nilalabanan ko. Pero sa  dalawang buwan  ay dalawang beses akong  nakatulog sa sofa ng living room dahil sa pag aantay, Hindi kasi sya nagreply sa mga messages ko at hindi rin nya sinasagot ang mga tawag ko sa kanya. Kinaumagahan ay  nagising na lamang ako sa kwarto to.

Kung ganon ang nangyari ay napapangiti na lamang ako sa isiping sya ang bumuhat sa akin patungo sa kwarto ko. Dahil sino pa nga ba diba. Kaming dalawa lang dito sa bahay.

Mabait naman talaga sya, alam ko. Hindi lang nya matanggap sa ngayon ang nangyari pero darating din ang araw na tatanggapin nya.

Minsan lang sya umuwi nang maaga pero sa study room lang sya dederetso. He's always busy.

Or should I say, he's making himself busy, to avoid me......

That's the truth, Hindi ako tanga para hindi mapansin yon. Alam ko yon kaya kapag may pagkakataon akong kulitin sya ay kinukulit ko. Kahit kita ko sa mukha nya na hindi sya interesado.

It's been two months since that almost  perfect day.

The day of our wedding, napaniwala nya ako na totoo ang pinakita nya, but all he has shown to me, especially the people are all fake.

Yes It's all fake.....

His Gestures,  his words, even his heart melting Vows!  Mga salitang binitawan nya sa harap ng mga tao, sa harap ng pari at lalong lalo na sa harap ng Diyos.  Lahat iyon ay peke.

I can't believe him!

Ang galing nyang magpanggap!

Umasa ako noon, Umasa ako na magiging masaya ang pagsasama namin, umasa ako na  bubuo kami ng masayang pamilya,  I expected of creating a foundation for building a life together, I thought of having unity and partnership, a companion of sharing life's highs and lows together, pero nagkamali ako dahil kabaliktaran ang mga iyon sa  nangyayari ngayon.

I was stupid to think that way dahil sinaktan ko lang ang sarili ko.....

Nasaktan ako sa sariling kahibangan.

Hindi ko naisip na posible itong mangyari  dahil nagpatangay ako sa mga salita nyang nakakatunaw ng puso at mga  kilos nyang nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam.?

Sana ay sinabihan nya ako para hindi ako nabigla sa mga binitawan nyang salita pagka-uwi namin dito sa bahay matapos ang kasiyahan.

My own expectations just hurt me.

flashback***

Ramdam ko ang pagod ko pagkaupo ko sa sofa dahil sa mga kaganapan para  sa araw na ito. l feel exhausted, the tiredness is visible in my face,  carrying the weariness of a day filled with joy, emotion, and celebration.

Despite the exhaustion, a contentment of  happiness lingered within me, reflecting the culmination of a memorable day tho, so it's worth it.

Ganito pala ang pakiramdam ng ikinasal.

"Let's have a deal" Naputol ang pag iisip ko, napamulat ako ng mata at kunot noong napatingin sa kanya.

What deal is he talking about?

Seryuso ang kanyang mukha nang sinalubong ko ang kanyang tingin.

UNWANTED VOWS [LaurierSeries#1]Where stories live. Discover now