CHAPTER 27 : STABLE

7.7K 50 9
                                    


Kailan pa sya nakauwi dito sa Pilipinas? Why didn't she even message or call me?!

Taranta  kong tinanggal ang  apron ko at nilapag nalang basta sa lamesa. Hindi na ako nagsayang ng pa ng oras, nanginginig akong nagtungo sa office ko para kunin ang susi ng sasakyan ko.

Ang mga taong kumakain ay napapatingin sa akin, nagtataka kung bakit ganito ang kilos ko. Nagtangka pang lumapit sa akin ang ibang staffs, nagtatanong kung anong nangyari pero hindi ko sila nagawang sagutin dahil narin sa pagkabigla, ang gusto ko nalang  sa oras na ito ay pumunta sa ospital . Nilagpasan ko sila at dumiretso sa opisina ko. Hindi ako mapakali, nanginginig ang kamay ko  habang kinakalkal ang susi sa bag ko.

Nang makuha ko ng susi ng sasakyan  ay agad akong lumabas at nagtungo sa parking lot, pinatunog ko ang sasakyan bago binuksan. Pagkaupo ko sa driver seat ay huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili, dahil sa hindi maayos ang lagay ng buong katawan ko ngayon ay hindi malayong ako naman ang magdisgrasya.

"Calm down, calm down" pangungumbinsi ko sa sarili ko habang nakapikit upang pakalmahin ang sarili.

Hindi ako nabigo dahil pagkaraan ng ilang minuto ay kumalma ang sistema ko kaya pinaandar ko ang makina. Umilaw ang cellphone ko tanda ng may nag text, kinuha ko ito at binasa.

mommy:  ******* Hospital, Emergency  room on the second floor, take care on your way anak, don't rush."

Matapos kong mabasa ang mensahe ay tinapon ko sa shotgun seat ang phone at nagsimulang paandarin ang sasakyan. Tinungo ko ang hospital at agad naman akong nakarating dahil malinis ang  kalsada. Pagka park ko ng sasakyan sa parking area ay, agad akong bumaba at pumasok sa loob, tinungo ko ang second floor at hinanap ang emergency room. Pagliko ko sa kaliwang hallway ay nakita ko doon  sila mommy at ang iba ko pang tito at tita. Nakaupo sila sa bleachers na nakahilera sa labas ng Emergency room, nag hihintay ng resulta. Naglakad ako palapit sa kanila.

"Mommy" sambit ko, ramdam ko ang panununig ng mata ko. Tumayo si kommy at sinalubong ako ng niyakap. Tuluyang nalaglag ng sunod sunod ang mga luha ko. Tahimik akong umiyak sa balikat ni mommy. Naramdaman ko ang paghaplos ni mommy ang buhok ko para pakalmahin ako.

"Shhhh, she'll be okay" rinig kong sambit nya. Tumango tango ako habang nakapikit.

Yes, Stella will be fine. She should be! Sasabunutan ko pa sya dahil hindi nya ako ininform na nasa Pilipinas na pla sya?!

Habang magkayakap kami ni mommy ay narinig ko ang pagbukas ng  pinto  kaya nagmulat ako ng mga mata. Iniluwa nito ang isang pamilyar at  matangkad na lalaki na wari ko ay ito ang doctor na nag asikaso ka pinsan ko, naka suot ito ng  mask na nagtatakip sa kanyang ilong at bibig. Nagsitayuan ang mga tito at tita ko para lumapit dito.

"Doc, how's my niece?" tita Anya asked,  her eyes are hoping that the doctor would say that my cousin is already out of danger, all of us are hoping.

Huminga ng malalim ang doctor kaya kinabahan ako. Kumalas akonsa yakap ni mommy at yakap ang sarili kong  lumapit kami sa doctor.

"The patient is stable now" nakahinga kami ng maluwag, na para bang natanggal ang tinik na nakabara sa lalamunan namin.

"thank God" we all said in unison

"But she got a mild brain injury due to the collision's impact, also, she's injured on her left arm." Hindi na ako nagulat pa sa sunod na sinabi ng  doctor dahil normal naman na iyon sa aksidente, but I'm still worried about her having a brain injury.

"But don't worry too much, she's strong, she can regain her consciousness after a few days, I'll be monitoring her until she wakes up." Thank you God.

"Thank you doc." naiiyak na nagpasalamat si tita Cherry. Tumango ang doctor bago umalis.

Nagyakapan kaming lahat hababg naiiyak, nagpapasalamat dahil kahit papaano ay okay na ang pinsan ko.

Maya maya pa ay bumukas ang pinto ng Emergency room at lumabas ang isang nurse. Tinanggal nito ang mask nya kaya lumitaw ang maganda nyang mukha. Ngumiti ito ng matamis sa amin na mas lalong nagpalitaw sa kanyang ganda bago nagsalita.

"Hi! You're the family of the patient?What do you prefer, a ward or private room?"

"Yes, nurse, we will take a  private room for her." said ni tita cherry

"okay ma'am, for a few minutes." ngumiti pa ulit ito bago tumalikod. humakbang sya papasok sa loob ng emergency room at bago pa nya mabuksan ang pinto ay humarap ito sa amin. Itinaas nya ang kanyang dalawang braso. Akala ko ay tatambling na sya pero bumuo sya ng malaking puso. pinagdikit nya ang likod ng  dalawa nyang palad bago ipinatong sa tuktok ng kanyang ulo matapos non ay matamis itong ngumiti.

"You should smile na guys. She's safe." muli syang ngumiti matapos sabihin ang mga katagang iyon. Napangiti ako sa ginawa nyang iyon.

"Yeah like that, much better, ang mga gwapo at magagandang  mukha na yan ay hindi dapat nalulungkot" Ngumiti ulit  ito bago kumindat  bago tuluyang binuksan ang pinto at pumasok sa loob. 

"She's bubbly, I like her"  saad ni mommy, and we all agreed to her.

"I like her for red " natatawang  commento ni tito Christopher.

"tito may girlfriend na si red eh" sabat ko, pero agad na nankaki ang mata at napatakip ako sa bibig ko nang marealize ko na hindi pala nila alam na may girlfriend ang naka nila. Nakita ko ang pagtataka sa mukha nilang mag asawa habang tutok ang mga mata sa akin kaya nakadamdam ako ng kaba.

Kilala ko ang girlfriend ng pinsan ko. Nakasama ko din last year, mabait sya at masaya kasama. Hindi ko alam kung bakit hindi pwedeng malaman ng iba na may relasyon sila. Kami kaming  mga pinsan nya lang sinabi.

"Pardon hija?"

"A-ah I-i mean, baka p-po may girlfriend na si Red, may nakita po kasi akong kasama nya noong isang araw. Hindi ko po kilala ang girl na kasama nya." mabuti nalang at naka isip agad ako ng palusot.

"Really? mabuti naman kung ganon, I'll ask him if he really has." pilit akong ngumiti para matakpan ang kaba sa aking dibdib.

I'm sorry Red. Ite text ko nalang sya mamaya oara aware sya at para narin maka isip sya nga palusot nya.

"Excuse me, sorry for the interruption" Napalingon ako  pinanggalingan ng nagsalita. Isang matangkad na lalaki. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil gaya ng doctor kanina ay nakasuot din ito ng mask.

"I am here to escort you to the patient's room." saad nya, tumango naman kami.

"okay, shall we go?"

Tumango ang lalaki "follow me" Tumalikod ito at naglakad sa pasilyo kaya sinundan namin sya.


******tomorrow's feb 14, If you are someone who has a date with his/her bebelabs, enjoy ❤  pero wag munang isuko ang bataan🤣 And if you are someone who doesn't have, tara samahan mo ako mambato ng mga couples. Char. Good night mga babycakes.

UNWANTED VOWS [LaurierSeries#1]Where stories live. Discover now