CHAPTER 26: ACCIDENT

9.7K 69 15
                                    

Nang matapos akong kumain ay iniligpit ko na ang mga pinagkainan ko. Hinugasan ko narin bago umakyat sa kwarto ko para maligo.

Wala naman na akong gagawin ngayon dito sa bahay kaya pupunta ako sa coffe shop.

May katulong kami si Manang Belen, pero wala sya ngayon. Nandito lang sya every monday para maglinis ng bahay, dahil ang mga damit namin ay dinadala ni Zeke sa loundry. Si manang Belen ang naging tagapag alaga kay Zeke noong bata sya. At parang pamilya na ang turing sa kanya ng pamilya nila.

5 days after the wedding mama told us, Zeke's mother, that manang Belen will be staying with us but I insisted. Wala pa naman kaming anak ni Zeke kaya okay lang sa akin kung isang beses sa isang linggo sya dito sa bahay para maglinis. Ang rason ko ay gusto kong ako ang mag alaga sa asawa ko at kailangan kong pag aralan ang mga gawaing bahay dahil kasal na ako at responsibilidad ko iyon bilang asawa. Naintindihan ako ni mama, she even compliment me for thinking that way.

Pabor dooon ang asawa ko at alam ko, kahit hindi sabihin ng asawa ko ay gusto nya ang ideyang iyon para walang makakita sa mga ginagawa nyang pag babalewala sa akin.

Sa dalawang buwan na nagdaan ay napalapit na sya sa akin dahil napaka komportable nyang kausap. Sya iyong tipo ng tao na pwede mong ka kwentuhan. Kaya kapag nandito sya ay hindi ako pumupunta sa Café, tinutulungan ko syang maglinis, at the same time ay nag kekwentuhan kami. Marami na syang naikwento sa akin tungkol sa asawa ko. Kaya naman mas lalo pa akong humanga sa kanya kahit hindi naman nya sa akin ginagawa iyon.

"Alam mo ba iha, iyang si Zeke, sobrang bait nyan, wala akong masasabing hindi maganda tungkol sa kanya. Matulungin at marespeto pa kahit sa aming mga katulong nila. Naalala ko nga noong sumama sya sa akin sa probinsya namin noong trese anyos pa lamang sya" Nakangiti ito at para bang inaalala ang nangyari.

"Nay, ano po ang trese?" tanong ko dahil kung hindi ko tatanyngin ay baka hindi ako makatulog kakaisip kong ano ba ang trese.

Tumawa ito ng mahina "Haysss ikaw talaga, ang trese at thirteen"

"ahhh okay po, ituloy nio na po"

"Noong nakita nyang bibubully ang apo ko, hindi ito nagdalawang isip at agad ipinag tanggol ang aking apo kahit pa alam nyang mas matanda ang mga yon kesa sa kanya." Pagkukwento ni manang Belen minsang naglilinis kami.

"Mabait yang si Zeke pero, nakita ko kung paano sya magalit kapag may inaagrabyado, lalo na kung malapit ang loob nya dito." pag palatuloy pa nya. Napangiti nalang ako sa nalaman pero may kunting kirot parin sa aking dibdib.

Nang matapos akong mag ayos ng sarili ko ay lumabas na ako ng bahay. Dumeretso ako sa gate upang buksan ito bago pumunta sa garahe at pinatunog ang sasakyan ko bago ko binuksan at pumasok. Dahan dahan kong inilabas sa gate ang sasakyan ko bago ulit lumabas para isara ang gate. Matapos kong ikandado ay sumakay ako ulit sa sasakyan at nagmaneho na patungo sa café.

Dahil anong oras narin ay naabutan ako ng traffic. Pero ang ipinag tataka ko ay kung bakit na traffic dito banda? Maingay din sa unahan at parang may nagkakagulo.

"Anong nangyari?" pabulong na tanong ko. Binuksan ko ang bintana at sinubukang sumisilip sa unahan.

Maya maya pa ay nasagot ang tanong ko nang may marinig akong ungol ng ambulansya. Nagulat ako dahil maaga pa ay may aksidente na.

Parang gusto ko nang bumalik sa bahay, parang ayaw kong dumaan sa pinangyarihan ng aksidente. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay bumigat ang dibdib ko.

Huminto ang ambulansa sa unahan hanggang sa maya maya pa ay narinig ko ang pahina nitong tunog, nagpapahiwatig na ito ay papalayo.

Unti unting umaabante ang mga sasakyan sa unahan at dahil wala naman akong malabasan ay wala akong nagawa kundi ang sumunod sa daloy ng mga sasakyan.

Habang palapit ang sasakyan ay unti unti kong nakita ang isang sasakyang bumangga sa isang malaking puno sa gilid ng kalsada. I was shocked, this is my first time seeing an actual kind of accident. Nayupi ang harapang bahagi ng sasakyan at makikita mo dito na malakas talaga ang pagkakabangga nito sa puno. Nakaharang ang kaunting bahagi ng likod ng sasakyan sa kalsada na syang naging dahilan ng pagka antala ng daloy ng mga sasakyan.

Rinig ko rin ang mga taong nag bubulungan. Wala na ang ambulansya ngunit ang ingay ng mga tao ay hindi parin humuhupa.

"Sayang pare ang ganda nong babae"
Hindi nakalagpas sa pandinig ko ang aking narinig mula sa dalawang lalaki nang matapat ako sa kanila.

Ibig sabihin ay babae ang na aksidente?

"tsss. boys will always be boys talaga, Na aksidente na nga yong tao pero yon parin ang iniisip" umiling iling ako.

Pero I hope na maging maayos ang lagay ng babaeng na aksidente dahil kawawa ang kanyang pamilya kung sakali.

Then the next thing I heard is the loud sirens of the police cars, Why are the police always late? akala ko sa pelikula lang nangyayari, pati rin pala sa totoong buhay. But anyway, we never know the reason for them being late. Just let them do their jobs.

Hindi ko na nakita pa ang sumunod na mangyari doon dahil nakalagpas na ako. Kahit hindi maganda ang pakiramdam ko ay tumuloy parin ako sa coffee shop.

Pagkarating ko ay binati ako ng mga staffs na nakakakita sa akin, bumati naman ako pabalik. Dumeretso ako sa opisina ko para iwan ang mga gamit ko, agad din akong lumabas at nagtungo sa kusina

My eyes landed on the wall clock. It's already twelve thirty, just done baking cake when my phone rings. Tanda na may tumatawag.

Dinampot ko ito at si mommy ang tumatawag. Ano kaya ang sasabihin nya? Para masagot ng sariling katanungan ay sinagot ko ang tawag.

"Anak" Bungad nya na para bang natataranta

"Yes mommy?" I asked, wondering why her voice is unusual. Pero nabato ako sa kinakatayuan ko ng marinig ko ang sunod nyang sinabi . Muntik kong mabitawan ang cellphone ko. Maya maya pa ay humawak ako sa table para kumuha ng supurta dahil pakiramdam ko ay nanghina ako. Hindi ako makapaniwala sa narinig. kaya pala hindi maganda ang pakiramdam ko kanina......

UNWANTED VOWS [LaurierSeries#1]Where stories live. Discover now