Prologue

731 26 2
                                    

Isang napaka-busy na umaga para sa Grade 10. May mga ginagawa sila. May mga maiingay at may mga tumatapos sa kanilang plate sa Industrial Arts. Sa gitna ng kanilang paggawa ng mga activities biglang pumasok ang kanilang class adviser na si Gng. Barcega.

"Magandang umaga Gng. Barcega!", bati ng mga estudyante.

"Magandang umaga rin sa inyo, magsi-upo na kayo. May mahalaga akong anunsiyo sa inyo.", sabi ng guro.

"Ano yun ginang?", sabi ng presidente ng klase na si Bryan.

"Magkakaroon kayo ng retreat sa isang linggo. Apat na araw kayo sa Villa Ravens. Aalis kayo ng lunes ng madaling araw at uuwi kayo ng huwebes ng hapon.", paliwanag ng guro sa kanila.

Nagusap-usap ang mga estudyante tungkol sa retreat na mangyayari sa linggo, kung ano kaya ang magaganap rito.

Ang inaakala nilang masaya at makabuluhang retreat ay mauuwi pala sa duguan at makabuluhang patayan.

_____________________

#DeathRetreat

-prinsipetimoteo.:)

4D26S3KTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon