Chapter 18: Alliance

162 11 0
                                    

Iisa lang si Kayla D at KD.
At si Kayla S at KS.

_________________

ALLYXA'S POV

"Napakalaki ng villa na ito, ilang oras na tayo naghahanap.", sabi ko sa kanila.

"Kaya yan. Tiis tiis lang muna.", sabi ni Joseph.

Habang naglalakad kami sa mahabang pasilyo sa ikatlong palapag, napansin kong may anino na nakatago sa likod ng pinto.

"Guys saglit, may tao dun.", sabi ko sa kanila kaya tumigil kami sa paglalakad.

"Tsk tsk tsk. Napaka-ingay!", at biglang lumabas ng pinto si Timothy, punong-puno siya ng dugo at may hawak siyang kutsilyo.

"Isusunod ko na kayo!", sigaw ni Timothy. At bigla siyang tumakbo patungo sa'min, "MOT SAGLIT! MAKINIG KA SA'MIN!", biglang sigaw ni Joseph habang hawak at pinipigilang tumusok ang kutsilyong malapit nang sumaksak sa kanya.

"Magtulong-tulong tayong patayin sila Angela at Jom.", sabi ni Joseph.

"Alam niyo ba yang sinasabi niyo?", naiinis niyang sabi.

"Timothy, makinig ka. Kung magtutulungan tayo kaya natin.", sabi ni Kayla S.

"Una sa lahat, dalawa silang may baril. Pangalawa, napakarami na nilang napatay. Pano kayo nakakasigurong matatalo natin sila?! Andyan pa si KD!", sigaw niya.

"Kaya nga tayo magtutulungan!", sabi ko. Tumigil na siya at sumang-ayon. "Wag niyo sanang sirain ang tiwala ko. Oh anong plano?", tanong niya.

"Oo! Sa ngayon Mot, hanapin muna natin sila Bryan at KD.", sabi ni Kayla S.

Naglakad na kami at nagpatuloy sa paghahanap.

JOM'S POV

"Angela! Kailangan mong makita 'to!", sigaw ko.

"What?!", naiinis niyang tanong.

"Apat na sila. I'm sure may binabalak sila.", seryoso kong sabi.

"Baka naman ikaw ang may binabalak.", nakayukong sagot ni Angela.

"Anong ibig mong sabihin?", tanong ko.

"I know! Alam kong pinatay mo si Sweet. Tinapon mo yung ulo niya para mapatunayang baliw ako! Diba? Diba?! Kailangan mo nang mamatay Jom!", nakangiti pero nagagalit niyang saad.

"Wala akong alam sa sinasabi mo Angela! And how many times do I have to tell you na hindi nga nage-exist ang sinasabi mong si Sweet!", sigaw ko.

Inilabas niya ang kanyang baril at tinutok sa'kin. Tumayo ako at ganun din ang ginawa ko, sabay tumakbo ako. Naririnig ko ang mga putok ng baril at hinahabol niya ko. Binaril ko lahat ng mga nadaanan kong ilaw para dumilim ang paligid at hindi niya ako makita. Nakakita ako ng isang kwarto at pumasok ako dun. May mga tama ako, sa braso, hita at konti sa likod. Nilock ko ang pinto at naramdaman kong lumampas na si Angela.

"Hi Jom!", narinig kong may nagsalita. Binuksan ko ang flashlight at hinanap kung sino ang nagsalita. Hanggang sa nahagip ng ilaw si Kayla D. Pero ibang-iba ang Kayla D na ito sa dati. Meron siyang nakakatakot na ngiti at tingin. Nagulat ako at bigla siyang tumakbo palapit sa'kin at hindi ko inakalang nasaksak na pala ako sa tiyan. Nilaksan ko ang loob kong hawakan ang braso niya.

"Kayla D... May sasabihin ako sa'yo, sana makinig ka. Sumama ka kela Kayla S at patayin niyo si Angela. Alam kong may plano sila, please. Trust them... Wala na sa katinuan ngayon si Angela, you guys need to stop this. At alam kong.... Alam kong ikaw ang may pinakamalaking chance na makapapatay kay Angela. I know you guys can do it. Sumama ka na sa kanila, nakikiusap ako...."

KAYLA DEL ROSARIO'S POV

"Kayla D... May sasabihin ako sa'yo, sana makinig ka. Sumama ka kela Kayla S at patayin niyo si Angela. Alam kong may plano sila, please. Trust them... Wala na sa katinuan ngayon si Angela, you guys need to stop this. At alam kong.... Alam kong ikaw ang may pinakamalaking chance na makapapatay kay Angela. I know you guys can do it. Sumama ka na sa kanila, nakikiusap ako....", sabi ni Jom. At pagkasabi niya nun bumitaw na siya at nawalan na ng buhay.

Hindi ko alam kung bakit pero tumulo ang luha ko. Sasama ba ko? Hindi ako sigurado kung magtitiwala pa ako. Pero... Pero alam nila Jom kung ano ang nangyayari sa paligid. Kinuha ko ang baril, susi at flashlight ni Jom. Ewan ko kung saan susi ito pero alam kong importante ito. Lumabas na ko ng kwarto at nagsimulang hanapin sila Kayla S.

TIMOTHY'S POV

"Bryan, sumama ka na!", sabi ni Joseph.

"Pano kung patayin niyo ko? Wala akong tiwala sa kaninuman ngayon!", galit na sabi ni Bryan.

"Bryan, ano bang kailangan naming gawin para maniwala ka?", tanong ko.

"Pag nandito na sa grupo si Kayla D.", nanlalaki ang mata at nakangiti niyang sagot.

"Sumali ka na Bryan!", sigaw ng isang babae. "Sasali na ko Bry.", sabi ni Kayla D.

"Salamat! Sigurado akong mapapatay na natin sila Jom at Angela.", sabi ni Kayla S.

"Si Angela na lang ang kailangan nating patayin. N-napatay ko si Jom at siya ang nagsabi sa'kin na hanapin kayo.", sabi ni Kayla D.

"Ngayong kumpleto na tayo, hanapin na natin si Angela at tapusin na natin 'to.", nakangiting sabi ni Joseph.

____________________

Next Chapter: Final Wave

4D26S3KTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon