Chapter 15: The Bloody Dinner of the Ten

148 13 2
                                    

KAYLA SARINAS' POV

Malapit na mag-7:30, papunta na ako sa kusina at ito yung oras na muli kaming magkakasama-samang kumain. Inaalala ko yung mga masasayang araw at hindi ko namalayan na natulo na pala ang mga luha ko. Nakita kong nakabukas na ang ilaw sa kusina at pagpasok ko sa loob, andun na ang lahat. Magkakatabi pero... Hindi na kagaya ng dati na maingay kapag nagkakasama. Pero ngayon iba eh, nakaka-ilang. Umupo ako sa bakanteng upuan sa gitna nila Claire at Joseph. Iba yung atmosphere ngayon.

"Oh bakit ang tahimik niyong lahat?", tanong ni Jom.

"Talagang tinanong mo pa ah. Alam mo naman diba na kung hindi dahil sa inyo hindi mangyayari ito?", pabalang na sagot ni Allyxa.

"Ay saglit lang, ihahain ko na ang pagkain.", pumasok si Angela sa loob ng isang kwarto at kinuha ang nilagang bulalo, sisig, GINILING, at kanin.

"Oh kain na.", nakangiting sabi ni Angela at sumandok na sila ni Jom ng pagkain at sumandok na din kami.

Nung una nadidiri akong kainin, pero. Ang sarap! Hindi mo mapagkakailang masarap yung pagkaing inihain nila. Ang juicy nung karne lalo na yung bulalo at giniling. Lahat kami ay sarap na sarap at nakailang kuha kami ng kanin, pero kahit ganun. Ang awkward pa rin talaga ng feeling.

JOSEPH'S POV

Malakas ako kumain pero iba talaga 'tong ulam ngayon. Sobrang sarap, lalo yung meat. Sumandok ako ng sisig at ang sarap din. Parang hindi ordinaryong karne ang ginamit, napakasarap talaga.

"Anong lasa? Okay ba?", tanong ni Angela.

"Masarap...", mahinang sabi ni Claire.

"Salamat Clarita, kaibigan talaga kita.", sabi ni Angela at napansin kong tumingin ng masama si Claire kay Angela at inirapan ito.

"Aray!!", sigaw ni Pamela at may dinukot sa loob ng bibig niya, tinignan namin ng maigi kung ano ang nakain niya sa Sisig. "Kuko ba 'to?", diring-diri at takot na takot na tanong ni Pam.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!", biglang tumawa ng malakas sila Angela at Jom. "Masarap naman diba?", tanong ni Jom.

"Hala! Wag niyong sabihin sa'min na.......", naputol ang sasabihin ni Allyxa dahil nagsalita si Angela.

"Na tao 'yan? Masarap naman diba? Gustong gusto niyo nga eh. Masarap ba ang karne ni Angelica?", nakangiting tanong ni Angela.

"Demonyo kayo! Wala kayong katulad!", galit na sigaw ni Bryan at tumakbo siya para sugurin ang dalawa. Inangat naman ni Angela ang baril niya ganun din si Jom.

"Saan nyo nakuha yan?!", tanong ni Bryan.

"Hindi mo na kailangang malaman. Ngayon, subukan mong lumapit at hindi ako magdadalawang isip na barilin ka.", sabi ni Angela.

Nakatayo lang kami at hindi kami makapagsalita ngayon. Pumunta si Jom sa loob ng isang kwarto at may kinuhang isang baldeng may tabo.

"Maligo nga kayo, ang baho niyo na.", sabi ni Jom at binuhusan kami ng kulay pulang likido. DUGO!!!

"Ayan, hahahaha! Maligo kayo sa dugo ni Angelica.", tumatawang sabi ni Angela.

"Wala kayong kasing-sama! Itigil na nga natin 'tong dinner na ito at pagpatayan nalang ulit. Tutal 'yun naman ang gusto nyo para makalabas dito diba?", galit na sabi ni Kayla D.

Nagsitakbuhan na ang lahat at muli kaming nagkahiwa-hiwalay. Ito nanaman magpapatayan nanaman ba? Magtatago nanaman ulit kami. Pero hindi pa  ako nakakalayo, naalala ko yung karneng kinain namin kanina. Naduwal ako at nagsuka. Nakakadiri! Sa tiyan na namin ngayon ang laman ng isa naming kaklase. May narinig akong yabag na palapit sa kinaroroonan ko, tumakbo ako ng mabilis at nagtago sa ilalim ng upuan dito sa hallway.

Buti nalang nalampasan niya ako at hindi ako nakita, si Claire yun hindi ako pwedeng magkamali. Ibig sabihin totoo ngang pumapatay na rin siya ngayon. Delikado ako dito kailangan kong maghanap ng ibang matataguan.

KAYLA DEL ROSARIO'S POV

Hindi ako makapaniwala sa nagawa ko. Apat, apat na tao ang napatay ko. Pero ayoko man talaga nung ginagawa kong pagpatay, wala na kong magagawa. Kailangan na naming makalabas dito. Sampu nalang kami, so lima na lang diba? Lima na lang. Kaya ko 'to. Kakayanin ko kahit na ang bigat sa konsensya nitong ginagawa ko.

Nakita kong naglalakad si Pam. Siya na ang isusunod ko...

"Hi Pam.", bati ko sa kanya, lumayo siya bigla at inilabas ang hawak niyang dalawang kutsilyo.

"Alam ko ang binabalak mo Kayla D. Kung papatayin mo ko, kaya kong lumaban.", galit pero nakangiting sabi ni Pam.

"Grabe ka naman. Pero don't worry, alam kong marami ka nang muntik na patayin.", sabi ko. "Kaso, hindi ka nagtagumpay. Ako kasi apat na eh, yung isa hindi talaga ako ang pumatay, inilapit ko lang siya sa kamatayan.", dugtong ko.

"Gusto na sana kitang patayin eh, kaso gusto ko ikaw ang huli kong makakaharap dito.", sabi ni Pam

"Ayan ka nanaman. Papalampasin mo nanaman? Hahahaha!", totoo nanaman ang sinasabi ko eh. Ilang beses ko nang nakita si Pam na may bihag na tao pero hindi niya tinutuloy ang pagpatay dito. Lagi niya sinasabing babalikan.

"Matapang ka ah. Kung 'yan talaga ang gusto mo, sige. Lalabanan na kita ngayon.", sabi ni Pam.

"Amaze me.", nakangiti ko namang sabi.

____________________

Next Chapter: The Battle Between Two Psycho

4D26S3KTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon