Chapter 20: Epilogue

65 3 0
                                    

Timothy's POV

Si Kayla S. Baka maubusan na siya ng dugo, hindi kami makatawag dahil walang signal. Inilabas namin ang katawan ni Kayla S at nagdasal na lang. Dahil 'yun na lang ang tanging paraan na alam namin para may dumating na tulong, at sakto. Dumating sila Ginang kasama ang mga pulis at ambulansiya. Ipinasok kami sa ambulance dahil sa mga sugat namin at pumasok ang mga pulis sa loob para kuhanin ang mga bangkay ng mga kaklase namin sa loob.

Habang nakasakay kami sa ambulansiya, naalala namin ang lahat ng mga nangyari sa 'min bago kami nagpunta sa lugar na 'yun. Sobrang saya ng klase namin, mababait at nagtutulungan. Hindi namin inakala na may ganun na palang naiisip si Angela. Mula sa 26, anim na lang kami at bente sa amin ang namatay. Ngayon, maaring maging lima na lang kami.

Bryan's POV

Bakit ganun, kung sino pa ang isa sa mga kasundo ko, siya pa ang nag-aagaw-buhay ngayon. Sobrang hirap tignan si KS sa ganitong kalagayan. Ang tanging magagawa na lang namin sa sitwasyong ito ay magdasal nang magdasal.

Sobrang tagal ng tropa namin nila Kayla, Claire, Joseph, at Angela pero bakit hindi namin napansin? Wala sa 'min ang nakapansin na mayroon na palang itinatagong sakit si Angela. Sana natulungan namin siya, sana nagabayan namin siya, siguro hindi nangyari 'to.

Tinignan ko ang nag-aagaw buhay kong kaibigan at hinawakan ko siya sa kamay.

"Uy Kayla S. Huwag mo kaming iiwan, alam kong malakas ka. Please, lampasan mo 'to. Nakikiusap ako sa 'yo, ayaw naming wala ka," umiiyak kong sinasabi sa katawan ni KS.

Napansin kong nakadukdok din si Joseph kay Kayla S at naiyak.

"Joseph, gigising naman si KS 'di ba," tanong ni Bryan.

"Oo, gigising siya. Naniniwala ako," sabi ni Joseph.

ALLYXA'S POV

Grabeng mga araw 'to! Gusto ko nang gumising mula sa panaginip na 'to, kaso... Hindi ako magigising kasi realidad 'to  eh. Malapit na ang moving-up namin, akala ko lahat kami makakatapos ng Junior High, pero hindi. Ang daming nawala. Sobrang sakit pa rin. Lahat kami rito, nakabalabal ng kumot at umiiyak, iniisip ang sobrang sama na experience. Halos lahat ng malapit sa 'kin, kinuha eh. Sana naman, hindi lahat ng wala sa ambulansiyang 'to patay. Sana may nakaligtas din, pero imposible eh. Napakalala ng mga sinapit nilang kamatayan.

KAYLA DEL ROSARIO'S POV

Hindi pa rin ako makapaniwalang nakaligtas ako mula sa karanasang 'yun. Sobrang daming dugo ang bumahid sa kamay ko, may mga kaibigan akong napatay. Siguro 'yung Kayla D na nasa loob nung villa na 'yun, iba dito sa nasa labas.

Ngayon ko nararamdaman lahat ng sakit na nangyari. Hindi 'yung mga sugat na nasa katawan ko ang masakit, kung hindi 'yung sakit sa puso na nararamdaman ko ngayon. Sobrang sakit talagang mawalan ng kaibigan, at ilan pa dun, ako ang pumatay.

THIRD PERSON'S POV

Nakarating na ang ambulansiyang sinasakyan nung anim sa ospital, agad silang tinulungan ng mga doktor at nurse. Pinayang umuwi na sila Timothy, Allyxa, at Joseph dahil wala naman silang natamong sugat. Inooperahan pa ng mga doktor sila Kayla S, Kayla D, at Bryan dahil sa mga natamo nilang sugat. Ilang oras bago natapos ang operasyon ni Kayla S at inilipat siya sa ICU. Mahigit 48 hours na siyang hindi gumigising, kaya idineklara na siyang comatose.

Kinuhanan na rin ng statement sila Kayla D, Timothy, Joseph, Bryan at Allyxa. Nabalita sa TV at dyaryo ang matinding sinapit ng mga kabataang ito.

ANIM NA KABATAAN MULA SA CAVITE, LIGTAS NA!

Anim na kabataan mula sa Cavite ang nakaligtas mula sa patayan na pakana ng dalawa sa dalawampu't anim na magkakaklase. Lima sa kanila ay kasalukuyang nasa healing process mula sa trauma na sinapit mula sa trahedya, samantalang ang isa ay nasa Intensive Care Unit at naka-comatose. Hindi naman naapektuhan ang eskwelahan dito dahil wala naman silang alam sa nangyari at hindi inakalang may ganoon palang mangyayaring trahedya.

JOSEPH'S POV

Dinalaw namin si Kayla sa ospital upang i-check ang kalagayan niya. Sampung araw na rin ang nakalipas mula nang makalabas kami sa villa. Dalawa-dalawa kaming pumasok dahil 'yun lang pinapayagan ng ospital. Noong nasa loob si Bryan, biglang nangisay si Kayla at mabilis naming tinawag ang mga doktor upang maaksuyan agad. Lahat kami ay natakot at nagsimulang umiyak. Sana naman, hindi siya mawala...

2 months later...

Pumasok na ulit kami sa school, at lahat ng estudyante nakatingin sa 'min. Pero alam naman namin na alam nilang wala kaming masamang ginawa at malinis ang mga konsensiya namin. Pagkatapos namin sa school, isa-isa naming pinuntahan ang mga puntod ng mga kaklase naming namayapa at nangako sa kanila na hinding-hindi namin sila makakalimutan.

-THE END-

Maraming salamat po sa lahat ng nagbasa, nag-vote, at nagustuhan nag 4D26S3K.
Hanggang sa muli po! 🙂

-PrinsipeTimoteo

4D26S3KTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon