Chapter 12: Past

175 13 3
                                    

ANGELA'S POV

Naaalala ko pa. Hinding hindi ko malilimutan ang araw na iyon. Parang kahapon lang nangyari ang lahat ng pinagmulan nito.

"Angela! Parang ang lalim ng iniisip mo. Wag mong sabihin na meron ka nanamang pinaplanong patayin.", sabi ni Jom sabay tapik sa balikat ko.

"Wala. Naaalala ko lang yung ginawa nila sa'kin. Hanggang ngayon andito pa din yung sakit.", sagot ko kay Jom.

*8 months ago, CDGC HIGH SCHOOL NIGHT*

"Hi Angela. Happy Valentines!", sabi ni Froilan.

"Anong happy sa Valentines?", tanong ko sa kanya.

"Aww hahaha! Oo nga pala, tinatawag ka ni Sir AJ.", sabi ni Froilan.

"Huh? Wala naman si sir ah.", nagtataka kong sabi.

"Andyan, pinapapunta ka sa faculty. Bilisan mo!", sabi ni Froilan.

Tumayo ako at tumakbo papunta sa faculty room. Pagdating ko sa pinto ng faculty, wala naman si Sir AJ dun. Pumasok ako kasi baka nagpunta lang saglit ng CR. Pagkapasok ko biglang sumara ang pinto ng faculty at sumilip ako, nakita ko dun sila Zhy, Pam, Sha, Froi, at Bea. Nagtatawanan sila dahil nagtagumpay sila sa plano nila. Tumakbo sila papunta sa isang kwarto at biglang namatay ang ilaw sa loob. Wala ang cellphone ko sa akin, naiwan ko sa table. Ngayon ko lang naramdaman ito ganitong takot. Ang dilim, walang kahit na anong ilaw. Miski yung ilaw sa ground floor nawala din.

Hindi ako makahinga. Umaatake nanaman yata yung hika ko, bakit ngayon pa. Naiiyak na ko, hindi ko alam kung mamamatay na ba ako. Maya-maya, may narinig akong naglalakad mula sa labas, lalong kumabog ang dibdib ko at napansin kong palapit na nang palapit ang tunog dito sa faculty room. Lalong sumikip ang dibdib ko nang tumapat ang ilaw sa mukha ko, si Kuya Jeram! Binuksan niya ang pinto at nakalabas ako.

Monday, nagsumbong ako sa isa sa mga teachers. At hindi siya naniwala sa akin. Sinabi niyang mabubuting estudyante ang apat na yun, baka daw nagiimbento lang ako ng kwento para maparusahan sila. Bakit ko gagawin 'yun?! Magmula nun, pinangako ko sa sarili na gaganti ako. Hindi ko alam na alam pala ni Jom ang nangyari kaya nagulat ako ng paglabas ko ng faculty ay andun siya at sinabi sa akin na alam daw niya ang ginawa nila Froi. Sinabi ko sa kaniya na gaganti ako at papatayin ko silang lahat, sumangayon si Jom at sinabi niyang tutulungan niya ako.

***

"Angela, wag ka nang umiyak. 13 nalang sila oh, malapit na Angela. Malapit mo nang makamtan ang nais mo.", pagpapatahan sa'kin ni Jom.

Napayakap ako kay Jom at nagsimulang umiyak lalo.

"Jom, nakakapagod din pala."

"Oo Angela, gusto mo ba tumigil na tayo? Ang dami nang nadamay sa paghihiganti mo!", sagot niya.

"Hindi tayo titigil hangga't hindi namamatay ang lahat nang gusto kong gantihan."

"Pero Angela..."

"Jom please. Pwede ba?!"

"Okay. Just cry, ilabas mo lahat ng galit mo. I will always be your shoulder to cry on.", at hinimas niya ang likod ko.

KAYLA DEL ROSARIO'S POV

Pagod na kong maging tahimik! Kahit ngayon lang, magiging sakim muna ako. Buhay na ang pinaguusapan dito hindi kung ano lang. Naglalakad ako at nakasalubong ko si Sha. Masama ang tingin niya sa'kin kaya binigyan ko rin siya ng masamang tingin.

"Kamusta ka na?", sabi ni Sha.

"Ayos lang ako? Ikaw? Okay ka lang? Handa ka na ba?", nakangiti kong sabi sa kaniya.

"Ikaw ba? Handa ka na?", nakangiti rin niyang sabi.

Tumakbo siyang sumugod sa'kin pero yumuko at hinila ang buhok niya. Tinalikod ko si Sha at inilapit sa akin, tinutok ko ang kutsilyo sa kanyang leeg habang hawak ko pa din ang kanyang buhok.

"Ngayon Sha, handa ka na?", tanong ko sa kaniya.

"Walang hiya ka! Bitawan mo, masakit!", sigaw niya.

"Masakit?! Hahahaha! Sa'yo pa talaga nagmula yan? Akala mo ba hindi ko alam yung ginawa niyo kay Angela?! Alam ko! Kayo ang dahilan kung bakit tayo andito.", galit na galit kong sabi.

"Hindi totoo 'yan! Wala akong ginawa kay Angela!", sigaw niya.

"Sinungaling! Kayo ang may kasalanan kung bakit maraming namatay! Dahil diyan sa trip trip niyong 'yan!", sigaw ko.

"Bitawan mo ko!", sigaw ni Sha tinusok niya na ang kutsilyo ang braso ko. Napaka-flexible talaga nito.

Pero akala niya bibitawan ko siya? Nakalimutan niya yata na nakatutok ang kutsilyo ko sa leeg niya, hiniwa ko ang leeg ni Sharica hanggang sa tumumba siya sa sahig. Dinaganan ko siya sa tiyan, at hiniwa nang hiniwa ang leeg niya hanggang sa mapugutan siya ng ulo. Kinuha ko ang ulo niya at dinala ito sa susunod kong biktima. Nakita ko na nakatago sa loob isang kwarto si Chloe kasama si Angelica. Nagsimula akong umarteng naiyak at kumatok.

"Tulong! Si Kayla D 'to! Tulungan nyo ko!", mabilis nilang binuksan ang pinto at hinagis sa kanila ulo ni Sha, nasalo ito ni Chloe at sumigaw ng napakalakas, itinulak ako ni Angelica at tumakbo siya nang napakabilis. Sa sobrang takot ni Chloe nagtatakbo siya sa loob ng kwarto at hindi niya ang alam ang gagawin niya, kinuha ko ang isang pigurin sa tabi ng pinto at binato ko ito sa kaniya, nabasag ang pigurin sa mukha ni Chloe.

"Sinira mo yung mukha ko!", sigaw ni Chloe at inilabas din ang kaniyang kutsilyo. Butcher knife pala ang hawak nito eh.

"Gaganti ka pa?", tanong ko at inihagis ang kutsilyo diretso sa tiyan niya. "So paano ka pa gaganti ngayon? Hahahaha!"

Namilipit siya sa sakit at nabitawan ang hawak na kutsilyo. Kinuha ko ang kutsilyong hawak niya at tinaga ang dalawang braso, dalawang hita, at tinanggal ko na rin ang ulo niya.

"PIECE OF CAKE...", naglakad ako palabas ng pinto at maghahanap ng susunod.

___________________

LAST FEW CHAPTERS :)

4D26S3KTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon