Chapter 8: Sadness and Fear

249 15 2
                                    

CD'S POV

Hindi ko alam sa sarili ko kung kaya kong pumatay...

Hindi ko alam kung kaya ko bang ipagtanggol ang sarili ko kapag may nagtangka sa buhay ko...

Lahat ng ginagawa ko ngayon, hindi ako sigurado. Maingay lang ako pero hindi ako mapanakit na tao, kaya hindi ako sigurado kung kaya ko bang pumatay o iligtas ang sarili ko sa kamatayan. Basta naglagay ako ng kutsilyo sa bulsa ko galing sa pantry.

Patuloy ang pagtakbo ko sa kawalan. Nakarating na ko dito sa woods, pero ang dami kong nadaanan na hindi ko kinakaya. Nakalutang sa swimming pool at nakasabit sa puno ang iba't ibang parte ng katawan ng mga namatay namin kaklase. Habang naglalakad ako kakahuyan.

"CD..."

Lumingon ako at nakita ko si Pam sa may likod ng damuhan at nakangiti.

"Ikaw lang pala 'yan Pam. Pinakaba mo naman ako.", sabi ko kay Pam, nakahinga ako ng maluwag.

"Ano ka ba CD? Masyado ka namang takot.", sabi ni Pam.

Bakit ganun? Parang kakaiba si Pam ngayon. Kakaiba yung ikinikilos niya.

"CD!", sabi ni Pam.

"Bakit Pam?", tanong ko.

"Alam mo ba kung gaano ko kamahal ang buhay ko?", tanong ni Pam sa'kin habang nakayuko siya. "Gusto ko pang umuwi at makatapos? CD, pwede ba kitang tanungin?", ani Pam. Hindi ko alam ang isasagot ko kasi baka hindi ko magustuhan ang maririnig kong tanong niya. Napalunok nalang ako.

Unti-unting inilabas ni Pam yung malaking bubog na hawak niya sa kanyang likod. "PWEDE BA KITANG PATAYIN?!"

"Pam, hindi magandang biro 'yan ah.", nanginginig kong sabi dahil takot na takot na ako.

Sinugod ako ni Pam. Hawak niya ang buhok ko...

"Tul—"

"Tumahimik ka!", pinutol ni Pam ang sasabihin ko. "Isang sigaw mo, ilaslas ko 'to sa leeg mo. Bibigyan pa kita ng ilang segundo para mabuhay, since friend naman tayo."

"Pam, parang awa mo na.", patuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata ko. Kapag hindi ako naka-alis dito ngayon, ilang segundo na lang ay dadanak ang dugo dito mismo sa kinatatayuan ko.

Naalala ko yung kutsilyo na nasa bulsa ko. Dahan-dahan ko itong kinuha at buong pwersang pinutol ang aking buhok. Nagulat si Pam sa nangyari at mabilis akong lumayo sa kanya. Nawala ang takot kong pumatay, napalitan ang lahat ng galit. Palapit na ng palapit dito si Pam.

"Subukan mong lumapit Pamela! Itatarak ko ng napakadiin itong kutsilyong hawak ko sa bituka, lalamunan at mata mo. SUBUKAN MO!", sigaw ko. Hindi nasindak si Pam at sinugod pa din ako.

"Talagang hinahamon mo ko Pamela...", sabi ko.

Nahiwa ko ang pisngi ni Pam at nakaiwas naman ako mula sa saksak niya. Nabitawan ni Pam yung hawak niyang bubog.

Tumakbo na ako, papalampasin muna kita Pamela. Gusto ko, may thrill.

"Humanda ka sa'kin mamaya CD! Papatayin kita! Hindi ko palalampasin ito.", galit na galit na sabi ni Pam.

"Well, me too. See you soon, CIAO!", tumakbo na ako muli at naghanap ng mapapatay. Take note, yung may thrill.

KAYLA SARINAS' POV

"Basta tayo, good kids tayo. Hindi tayo papatay!", sabi ni Bry.

"Naaayyyy! Mapang-ano. Pero tama! Good kids tayo!", sabi ni Claire.

"Hoy Claire! Napaka-ingay mo.", saway ni Joseph.

"Ay sorry. Nalulungkot lang kasi ako...", unti-unting tumulo ang mga luha ni Claire. Hindi yung waterfalls, yung drop-drop lang. "Kasi namatay si Macu tas yung isa nating tropa, ayun! NAPATAY. Nakakalungkot.", sabi ni Claire.

Niyakap ko si Claire. "Matatapos din 'to. Wag kang mapang-ano. Tigil ka na.", sabi ko kay Claire.

ANGELA'S POV

Andito kami ni Jom ngayon sa kwarto kung saan nangyari ang kamatayan nila Macu, Rem, at Bea. Pinaplano namin kung ano ang susunod na gagawin namin.

"Angela, bakit mo ginawa kay Macu yun?! Kaibigan natin siya!", sigaw ni Jom.

"Hindi ka man lang ba magpapasalamat?! Niligtas kita, kung hindi dahil sa'kin bugbog sarado ka sana ngayon! And besides, masyadong nang maraming nalalaman si Macu.", paliwanag ko.

"Paanong maraming nalalaman?! Eh wala ngang alam yun tungkol sa nangyayari!", sabi ni Jom.

"Akala mo lang yun Jom. Bago kita ginawang kasabwat, siya muna ang niyaya ko. Alam ni Macu ang lahat, alam niya kung bakit ako napatay. Alam niya kung ano ang dahilan ng lahat! Pag binuhay ko pa siya at pinagsabi niya yun... MABABALEWALA ANG LAHAT NG PINAGHIRAPAN KO!", sabi ko kay Jom.

"Kahit na Angela! Hindi mo ba naalala na kaibigan natin siya! TROPA MO PA!", sabi ni Jom.

"Wala akong pake! Alam mo kung bakit ko ginagawa ito Jom, kaya wag mo kong pagsalitaan ng ganyan dahil unang-una, ikaw ang lumapit sa'kin para sumanib hindi kita inalok.", sigaw ko kay Jom.

Tumahimik na siya at kinalikot ang ipad niya.

_______________

Sorry for the late update. Advance merry christmas!

4D26S3KTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon