Chapter 16: The Battle Between Two Psycho

159 10 1
                                    

PAMELA'S POV

Sa dinami-rami ng kaklase namin na pwedeng makaharap ko dito, si Kayla D pa. Hindi ko akalain na bukod kela Angela at Jom, siya yung maraming ring napatay. Nakakabaliw na dito, gusto ko nang makalabas at bumalik sa dating pamumuhay. Kaya lang sa ngayon, wala na yatang kasiguruhan kung makakalabas pa ko dito ng buhay. Pero hindi, lalaban ako hanggang kaya ko. Atleast kung mamamatay man ako, alam kong lumaban ako. Mas malakas ako sa kanya. Kayang-kaya ko 'to.

"Bakit ayaw mong sumugod?", tanong ni KD na may hawak na ngayong dalawang kulay puti at matulis na bagay.

"A-ano yang hawak mo?", tanong ko.

"Diba hinati-hati ko si Chloe. Kumuha lang naman ako ng dalawang buto sa ribs niya. Parang kutsilyo din naman siya.", nakangiti niyang sagot.

Nung narinig ko yung sinabi niya, naduwal ako at nasuka. Anong bituka ba meron si KD at nakakagawa siya ngayon ng mga nakakadiring bagay,

"Nakakadiri ka!", sigaw ko sa kanya. At bigla ko siyang sinugod, pero nakaiwas siya at sinubukan ako saksakin. Umilag din ako pero medyo nahiwa ako sa may bandang tiyan.

"Madali ka naman palang sugatan eh.", sabi niya at biglang may kinuha sa kanyang bulsa. Inihagis niya ito sa'kin at tumama sa labi ko.

"Ano yun?", tanong ko at nung tinignan ko yung hinagis niya sa'kin na nasa lapag na ngayon, dila! Nasuka ulit ako nang maalala kong dumikit sa labi ko yung dila na iyon.

"Wala kang puso! Aaaaaaaahhhhhhhhh!", tumakbo ako at nakailag nanaman siya pero bigla kong tinusok ng kutsilyo ang isa niyang hita, at mabilis niyang hinawakan ang buhok ko.

Sasaksakin niya na ako sa tiyan nung buto na hawak niya pero naalala ko yung ginawa ni CD para makatakas sa'kin. Pinutol ko yung buhok ko kaya nakawala ako at natamaan ni KD ang sarili niyang tagiliran. Kaya lang hindi malalim ang hiwa niya parang daplis lang din. Nakatingin kami ngayon sa isa't isa at naghihintay kung sino ang unang kikilos. Syempre hindi ko iniinda yung sakit, at alam kong siya din. This time, may advantage ako dahil may sugat na siya sa hita kaya sigurado akong hindi na siyang makakatakbo ng mabilis.

Pero hindi yata siya nakatiis kaya sumugod siya ng ika-ika. Napangiti ako at mabilis na tumakbo patungo sa kaniya para tapusin na.

"Suko ka na ba? Kaya magpapakamatay ka na?", nakangisi kong tanong. Pero nung malapit na ko sa kaniya, inihawi niya ang isa niyang paa na dahilan kung bakit natalisod ako,

"Nakalimutan mo yata na nasugatan mo lang yung paa ko, hindi mo naputol.", nakangiti niyang sabi.

KAYLA DEL ROSARIO'S POV

Sayang! May makakapatay na sana sa'kin eh. Kaya lang, hindi yata nagfunction ng mabuti ang utak ni Pam ngayon. Ayan tuloy, delikado na siya at maaring siya na ang susunod kong mabibiktima.

"Hindi ako susuko!", sigaw niya at tinusok ng kutsilyo ang mismong paa ko. Tumagos ito sa talampakan kaya napaupo ako.

"Hindi ako makakapayag na matalo mo!", sigaw ko pabalik at ginamit ko ang butcher knife ni Chloe na nakatago sa sling bag ko at buong pwersang tinaga paa niya.

Napaupo siya at napahawak sa kanyang paa. Tinaga ko ng malakas ang daliri niya na nakahawak sa paa niya ngayon at nagtalsikan ang mga ito.

"Walang hiya ka! Hindi ako titigil hangga't hindi ka napapatay!", mabilis na winasiwas ni Pam ang kutsilyo at naiwasan ko naman ito kaya't sa pisngi ko lang ang nahiwa.

"Ayoko na! Masyado na kong maraming sugat.", sambit ko at mabilisang tinusok ang buton hawak ko sa gitna ng leeg niya. Nanlaki ang mata niya sa nangyari.

"A-anong gin—", naputol na ang sasabihin niya nang hilahin ko ang butong nakatusok sa leeg niya. Ang daming dugo, nabalot ng napakaraming dugo ang hallway. Ngayon, lima na ang napapatay ko. Konti nalang at matatapos na.

Gumapang ako at pumasok sa malapit na kwarto. Buong pwersa kong tinanggal ang kutsilyong nakabaon sa paa ko, kahit masakit tiniis ko at binalutan ko ito ng tela mula sa damit na hindi ko alam kung sino ang may-ari. Sa totoo lang, hindi ko gusto 'tong ginagawa naming patayan. Wala lang talaga akong magagawa dahil kapag hindi ako pumatay, baka masali ako sa mga napatay nila Angela at Jom. Kailangan kong ipaglaban ang sarili ko ngayon.

BRYAN'S POV

Natulala ako sa napanood ko. Mabuti na lang at hindi ako nakita nila KD at Pam, grabe! Nakakadiri. Ewan ko! Maghahanap na din ako ng mapapatay, baka sakaling makasama pa ako sa limang makakalabas dito. Hindi man halata sa'kin pero nalulungkot talaga ako. As the class president ngayong school year, sana ay nailigtas ko man lang sila. Pero alam ko naman na hindi nila ako kakamuhian dahil ginawa ko naman ang tungkulin ko nung wala pa kami dito sa sitwasyong ito.

____________________

LOL! Medyo sinipag ako mag-update ngayon. 😂

Next Chapter: XD9RS9K

4D26S3KTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon