Chapter 9: Friends

217 14 4
                                    

SHARICA'S POV

Magkakasama kami nila Ella at Angelica. Naglalakad kami dito sa mga rooms, parang kami lang ang nandito. At dahil medyo pagod na kami, nagpahinga muna kami sa isang room at nilock ang pinto,

"Sigurado ka bang ligtas tayo dito?", tanong ko kay Angelica.

"Oo naman. Pag nagkasunog, talon tayo sa bintana. Swimming Pool naman babagsakan natin eh.", sagot ni Angelica.

"Ay wow ha.", sabi ni Ella.

"Kamusta na kaya sila?", bigla kong naalala yung iba namin kaklase. Nakakalungkot lang na sa loob ng ilang taon namin na pagiging magkakaklase, bakit ngayon pa nangyari ito sa Ravens? Parang pamilya na nga kami eh, magkakapatid. Nakaka-miss, sana hindi nalang nangyari ang retreat na ito.

TIMOTHY'S POV

Pumatay daw ba?

Bakit ganun? Madali lang sabihin ang salitang PAPATAYIN KITA, pabiro man o pagalit. Pero bakit ngayon na nandito kami sa sitwasyon na 'to. Ang hirap. Hindi ko magawa? Hindi NAMIN magawa. Sana pala hindi na lang kami nagpumilit na magkaroon ng retreat. Ito pala ang mangyayari sa amin. Kung alam lang namin.

RIANNA'S POV

Magkakasama kami ngayon nila Allyxa at Chloe. Naghahanap kami ng tataguan, oo mahirap na magtiwala lalo na sa sitwasyon namin ngayon, pero sila ang mga pinagkakatiwalaan ko dito. Bea, namimiss na kita. Ang dilim dito, ang hirap makakita at isa nalang ang mata ko.

"Allyxa, andyan ka ba?", tanong ko.

"Oo, andito pa ko. Buhay na buhay.", sagot ni Allyxa.

"Chloe, ayos ka lang?", tanong ko, pero walang sumagot kaya inulit ko ang tanong, pero wala pa din.

"Allyxa, nawawala si Chloe.", sabi ko kay Allyxa.

"Paanong nawawala? Kung may pumatay sa kanya, syempre damay tayo. Hindi kaya.....", naputol ang sasabihin ni Allyxa nang biglang may nagsalita.

"Papatayin ko kayo!", biglang sumugod si Chloe mula sa likod at may hawak na kutsilyo. Mabuti nalang at naka-iwas kami. Medyo nadaplisan lang si Allyxa sa braso, tumakbo kami ng dire-diretso at hindi namin alam kung saan kami mapupunta. Ang importante ngayon ay makatakas kami kay Chloe.

"Allyxa, okay ka lang?", tanong ko.

"Oo, ayos lang ako. Wala 'to.", sagot ni Allyxa at patuloy kami sa pagtakbo hanggang sa nakakita kami ng banyo.

Pumasok kami sa loob nito at nilock ang pinto. Nakakatakot, grabe! Sana makaligtas kami dito. Nakakamiss yung mga panahon na ang saya-saya namin, hindi ko inakalang hahantong sa ganito ang lahat.

"Allyxa, Yanna....", inilawan ni Allyxa gamit ang flash ng cellphone nya kung sino ang nagsalita... Si CD.

"CD, anong nangyari sa'yo?", tanong ni Allyxa.

"Pinagtulungan nila ako, buti nakatakas ako.", sabi ni CD.

Naawa ako kay CD kaya niyakap ko siya, pero... Hindi ko inexpect yung sumunod niyang ginawa. Sinaksak niya ako sa likod gamit ang isang mahaba at matulis na bagay.

"Bakit ginawa mo sa'kin 'to?", tanong ko kay CD.

"Bakit?! Papatayin niyo din naman ako eh. Kaya uunahan ko na kayo!", sigaw ni CD.

4D26S3KTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon