Chapter 4: Can I Escape?

291 18 4
                                    

BEA'S POV

Anong lugar ba ito? Nakakahilo. Teka, ang alam ko kasama ko pa silang lahat ah. Patuloy akong naglakad sa lugar.

"KAYLA S!!!! YANNA!!!! CHLOE!!!!! Asan kayo?!", sigaw ko pero walang sumasagot.

Mula sa malayo ay may natanaw akong bata na nakaturo sa isang malaking pintuan. Parang gusto niyang pumasok ako sa malaking pintuan na yun.

"Halika, samahan mo ko ate. Maglalaro tayo."

Mukha namang mabait yung bata kaya sinundan ko siya. Binuksan namin ang pinto at pumasok sa isang napakadilim na lugar.............

***

Bigla akong nagising at napaupo. Tinignan ko silang lahat at napansing tulog na ulit sila kahit namatay si Rem kanina lang.

"Halika, samahan mo ko ate. Maglalaro tayo."

Lumingon at inakalang mayroon lamang nananakot sa akin, pero wala. Tulog sila lahat. Hindi kaya naalala ko lang ang mga salitang narinig ko mula sa panaginip ko.

*tok tok tok*

Oh baka sila ginang na yan! Ginising ko silang lahat.

"Hoy si ginang yata yung kumakatok.", sabi ko sa kanila.

Tumayo si Yanna at sumilip sa peekhole.

"KYAAAAAAAAHHHHHHHH!"

Patuloy sa pagdugo ang kanang mata ni Rianna. Sinaksak ng killer ang kanyang mga mata, nakakatakot. Patuloy sa pagsigaw si Yanna, patuloy din ang pagagos ng dugo sa kanyang mata.

"Kumalma ka lang Yanna, hindi ka mamamatay!", sabi ko kay Yanna.

Wait lang, diba may salamin ang peekhole? Paano natusok si Rianna?

"Yanna, kumalma ka, ikwento mo sa amin ang nangyari?", sabi ni Kayla S.

Nagsimulang magkwento si Yanna habang binabalutan ng tela mula sa damit ang mata ni Yanna.

"Nakita ko yung killer, pero nakamaskara siya. Pagkasilip ko bigla niyang dinrill yung salamin hangga't sa pumasok sa mata ko.", paliwanag ni Yanna.

"Hindi ba makapal yung salamin?", tanong ni Angelica.

"Dyan tayo nagkamali. Tignan nyo, napakanipis lang nitong salamin na ito. Parang kahit kutsilyo yata pwedeng mabasag 'to.", sabi ni Lance.

"Saglit lang ha...", sabi ko at tumayo para kumuha ng panyo. Pero nang makailang hakbang ako........

Andito na ulit ako sa madilim na lugar na ito.

"Ate, halika paglaruan natin sila?", sabi nung batang babae na kasama ko.

"Huh? Sinong sila?", tanong ko.

"B-Bea! Bea! Tulungan mo kami!", tumingin ako sa sulok at nakita ko ang mga umiiyak at naka-kadenang sila Yanna, Chloe at Kayla S.

"Yanna! Chloe! KS!", tumakbo ako patungo sa kanila, pero... hinawakan ako nung bata sa palda ko at ayaw niya akong bitawan.

"Ate, laruan natin sila.", sabi nung bata.

Biglang nagbago ang anyo nung batang babae at naging isang naaagnas na mukha.

"AHHHHHHHHHHHH!!!!!", nakapikit kong sigaw at pagdilat ko.

"Anong nangyayari sa'yo Bea? Bakit ka sumisigaw?", tanong ni Mot.

"Huh? Ah, wala lang. Siguro pagod lang.", sagot ko nalang.

Napansin kong kalmado na si Yanna at nakaupo nalang siya sa isang sulok at tulala na. Kinakausap siya nila Kayla S at Chloe. Bumalik sa isip ko yung gentong eksena dahil parang pamilyar siya. Nakaupo sila, umiiyak at takot na takot.

"KS! Yanna! Chloe!", sigaw ko at tumakbo ako palapit sa kanila.

Pagtakbo ko biglang napunta nanaman ako sa madilim na lugar at yakap ko na sila Chloe, Yanna at KS.

"Bea, tulungan mo kami parang awa mo na.", umiiyak na sabi ni KS.

"Labas na tayo dito.", sabi ni Chloe.

"Bea....", umiiyak na sabi ni Yanna at tumutulo ang dugo mula sa butas na kanang mata niya.

"Wag kayong mag-alala tutulungan ko kayo!", sabi ko sa kanila at hinawakan ko ang mga kamay nila. Tumalikod ako at nakita ko ang batang babae, galit na nakamasid sa amin. Sa likod niya ay nakita ko ang isang axe na sigurado akong makakaputol sa kadenang nakakabit sa mga paa nilang tatlo. Natatakot man pero pinilit kong takbuhin ng mabilis yung axe at bumalik sa kanila.

"Puputulin mo ba paa namin?", tanong ni Chloe.

"Hindi! Puputulin ko yung kadena gamit ito.", sagot ko.

Napansin kong mabagal na lumalapit ang batang babae sa amin. Kailangan ko nang bilisan. Lumapit ako sa kadena at buong pwersa itong tinaga isa-isa. Nasira ang kadena at nakita ko yung batang babae, bumilis na ang pagsugod niya. Malapit na malapit na siya sa amin. Tumayo kami at tumakbo ng napakabilis. Nauuna si Chloe, tapos si KS, si Yanna tapos ako. Bukas ang pinto, nakikita ko ang konting parte ng liwanag mula sa labas ng kwartong ito.

"BILISAN NIYO!!!!!!!"

Tumakbo kami ng napakabilis at nakalabas........... Nakalabas SILA.

Nakalabas silang tatlo at nalock na ang pinto. Binalot ng dilim ang kwarto at biglang lumitaw sa harap ko ang batang babae na napakalaki ng ngiti.

"Laro na tayo, ate...."

"AAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!"

CHLOE'S POV

"AAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!"

Nakayakap siya sa aming tatlo nila Yanna at KS nang bigla siyang sumigaw ng napakalakas. Tumayo siya at tumakbo patungo sa bintana.

"BEAAAAAAAAAA!!!!!!", sigaw naming lahat.

Hindi na kami nakapagsalita sa susunod na nangyari. As in lahat kami, nasa state of shock. Nabasag ang bintana sa pagtakbo ni Bea patungo dito at tuluyan siyang nahulog mula sa kwartong ito, 3rd floor hanggang sa bato-batong lupa.

Tumakbo kami para silipin si Bea sa bintana, pero ang inaaasahan naming Bea na palaging nakangiti ay puno ng luha at sabog sabog ang utak.

__________

Updated! Thank you for your patience. 😁

-prinsipetimoteo. :)

4D26S3KTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon