Chapter 10: Our Only Option

190 14 3
                                    

ZHY'S POV

Sa wakas! Bumukas din ang ilaw. Pero, ano itong mga nakasulat sa pader? Punong-puno ang pader ng salitang, "YOUR ONLY OPTION IS TO KILL, OR ELSE... DIE.". WTF! Ano nang nangyayari?

"Zhy!", narinig kong may tumawag sa'kin. Paglingon ko nakita ko si Mot.

"Nayy! Ikaw lang pala eh.", sabi ko sa kanya.

"Oo ako lang. Walang tao dito oh, kayang kaya kitang patayin.", nakakatakot na sabi ni Mot.

"Wag mong ituloy 'yan Mot. Bayad na yung 35 pesos ko diba?", kinakabahan ako. Papatayin ba ako nito?

"Oo bayad na. Pero pangarap ko ang nakataya dito, kaya kailangan kong gawin ito!", sigaw ni Mot.

"Manahimik ka! May pangarap din ako, hindi lang ikaw ang may pangarap dito.", sigaw ko.

"Edi ipaglaban mo din.", galit na sabi ni Mot.

TIMOTHY'S POV

Alam kong mali! Alam kong hindi ko dapat ito ginagawa, pero wala nang ibang paraan para makalabas dito. Oo, sakim na kung sakim, pero kailangan ko 'tong gawin.

"Mot, ano ba?!", sigaw ni Zhy habang tumatakbo palayo sa'kin.

"Hindi! Ayoko! Ipaglalaban ko 'to!", sigaw ko habang iwinawasiwas ang kutsilyong hawak ko.

"Mot, nagmamaka-awa ako! Tumigil ka na.", umiiyak na sabi ni Zhy. Hanggang sa...

*BLAAGGG

"Aray!", natisod ako dahil may humawak sa paa ko. Nakita kong unti-unti nang nakakalayo si Zhy at tinignan ko kung sino ang humawak sa paa ko. Si ELLA.

Nakadapa si Ella sa sahig at sa laki niya hindi ko siya nakita. Mayroon siyang tama ng baril sa likod at sa paa. Sino dito ang may baril at nagkaroon ng tama ito.

"Wala kang kwenta! Malapit ka na ngang mamatay nanakit ka pa!", sabi ko sabay sinaksak ko ang kamay niya.

ELLA'S POV

Sinaksak ni Mot ang kamay ko na nakahawak sa kamay niya.

"Ang sakit! Bakit mo ginagawa ngayon 'to. Akala ko ba mahal mo ang Ravens?", sabi ko sa kanya.

"Ella... Wag ako. Hindi lang ako ang pumapatay dito ngayon.", sagot niya.

"Wag mo na silang gayahin!", sigaw ko.

"Ella, nasaan yung iba mong kasama kanina? Ililigtas kita kapag sinabi mo kung nasaan sila.", madiin na sabi ni Mot.

"Ayoko. Patayin mo nalang ako tutal mamamatay din naman ako eh. Hindi ko sasabihin sa kahit sino!", umiiyak na sigaw ko.

"Your wish is my command.", nakakatakot na sabi ni Mot hanggang sa tinusok niya ng kutsilyo ang gitna ng noo ko at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.

TIMOTHY'S POV

Sinaksak ko ang noo ni Ella, at nagtalsikan ang kanyang mga dugo sa paligid. Ewan ko! Hindi ko na alam ang ginagawa ko. Ang importante nalang sa'kin ngayon ay makalabas dito. At sigurado ako, lahat sila ay iyan din ang nasa isip ngayon.

CLAIRE'S POV

"Tutal sila Jom at Angela naman ang nagsimula nito, bakit hindi nalang sila ang patayin? Sila lang naman ang dahilan kung bakit tayo nakakulong dito diba?", sabi ko.

"Claire, kaibigan natin sila. Lahat sila, kaya hindi natin sila papatayin, wala tayong papatayin.", sabi ni Joseph.

"Kaibigan?! Alam mo ba yang sinasabi mo? Pinatay nila si Macu, kaibigan din nila si Macu diba? Bakit hindi nila naisip yun nung hawak nila ang buhay ni Macu?!", naiinis ako at naiiyak sa sinapit ng klase namin.

"Sa tingin ko... Tama si Claire, magkakagalit tayong lahat ngayon. Hindi natin alam kung sino ang pagkakatiwalaan natin sa ngayon? Kung magpapatayan, puwes magpatayan tayo. Wala munang friends ngayon, dahil alam nating lahat na ang tanging paraan lang para makalabas dito ay pumatay.", nakayukong sabi ni Bryan.

Nagulat kami ng biglang sakalin ni Bryan si Joseph.

"Bry, anong ginagawa mo. Bitawan mo siya!", inaalis ni Kayla S ang kamay ni Bryan sa leeg ni Joseph. Malakas si Bryan kaya naitulak niya si Kayla S at agad siyang tumakbo. Kinuha ni Joseph ang isang bubog sa sahig at hiniwa ito sa kamay ni Bryan. Hinila ako ni Joseph palabas at tumakbo kami palayo.

"Claire, kailangan nating lumayo kay Bryan ngayon.", sabi ni Joseph.

"Natatakot ka ngayon kay Bryan? Sa'kin Joseph, hindi ka natatakot?", sabi ko at hinila ang buhok ni Joseph.

"Aray Claire. Bitawan mo ko!", buong pwersang inalis ni Joseph ang kamay ko sa buhok niya at mabilis na tumakbo palayo.

"Wala munang kaibigan ngayon. HAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

LANCE'S POV

Naghahanap ako ngayon ng papatayin. Oo, tama ang nabasa ninyo, kung ano ang ginagawa nila ngayon, gagawin ko na din. Akala ko pa naman stay strong kaming lahat pero ito pala ang babagsakan namin. Pero ang katwiran nila kung bakit sila nagpapatayan ngayon, PARA DAW SA MGA PANGARAP NILA. Aba! Kung pangarap ang pag-uusapan dito, papatay nalang din ako. HAHAHAHAHAHA!

_________________

Next Chapter: Ella's Misery

4D26S3KTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon