Chapter 7: Let the Real Game Begin

223 13 3
                                    

SOMEONE 2'S POV

"Dumating na ang tamang oras...", sabi ng babaeng kasama ko sa kwarto.

"What do you mean?", tanong ko.

"Napagdesisyunan ko na kung sino ang magiging 3rd.", sagot niya.

"Sino?"

"Everyone...", sabi niya.

Lumapit siya sa isang ulo. Isang ulo na nakalublob sa isang likido.

"Mapaghihiganti na kita.", sabay tawa niya ng napakalakas.

"Jom, maglagay ka ng sulat mamayang madaling araw sa banyo ah. Isulat mo 'to........."

***

ANGELA'S POV

"4D26S3K ---> XD20RS20K
Tama ang iyong nabasa, bata. Pumunta kayo dito para mag-stay for 4 Days, with 26 students and merong unexpected na 3 killers. Sorry, but I changed my mind. XD for Unlimited Days because pinasabog ko yung bus na sinakyan niyo, 20 Remaining Students and 20 Killers. Ang 3rd killer ay kayong lahat, this will be an interesting and bloody game. Kill with all your might, kill until lima nalang kayong matira. While me and the 2nd killer.... Kasali rin kami sa game. Actually kasali kami eversince. So goodluck Ravens!", binasa ko sa kanilang lahat ang sulat na nakuha ko sa banyo.

"Ano?! Hindi ko kayang pumatay!", takot na takot na sabi nilang lahat.

"Hindi na tayo makaka-alis dito? Uwing-uwi na ko...", sabi ni Timothy.

"Hindi! Walang mangyayaring patayan! Ilang taon na kaming magkakaklase? 13 years? 12 years? 8 years? 6 years? 4 years? Wala! Walang patayang magaganap kung sino ka man! Tsaka di ka ba marunong sa Math? 7 ang namatay sa'min, 19 nalang kami hindi 20.", sigaw ni Bryan.

"Buhay kasi ako!", pasigaw na sagot ng isang lalaking galing sa banyo.

"J-jom??", takang-taka nilang sigaw habang ako medyo nangingiti.

"Angela, bakit nangingiti ka?", tanong ni Claire.

Naglakad ako palapit kay Jom at sabay kaming tumawa ng napakalakas.

"HAHAHAHAHA! Napaka-galing natin Jom.", sabi ko sabay apir.

"Ano 'to?! Anong nangyayari?", tanong ni Lance.

"Si Hazel, Vinni, at Em. Hindi ba kayo nagtataka kung paano sila namatay? Mukha bang may makakapasok na iba dito sa lugar na 'to? Masyadong secured! Sino ba magpapatayan dito? Tayo-tayo lang naman.", sabi ni Angela.

"Nagpanggap akong patay para patayin kayo. Lance, ako yung pinukpok mo ng tubo. You thought I can die so easily. NO! Oh come on, I already killed 3! Si Rem kasi nagpakamatay, si Froi naman inatake, si Bea nabaliw, so hindi sila counted. BUT! Hazel, Vinni and Em? HA! Napatay ko sila nang hindi man lang ako nahihirapan? I'm really enjoying this f*ckin' game! And sumasang-ayon sa atin ang plano mo Angela.", sabi ni Jom.

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Tama ka dyan.", tuwang-tuwa kong sagot.

"At Kayla D! Salamat sa pagtulong mo sa'kin. Salamat sa pagligaw kay Em sa pantry.", nakangiting sabi ni Jom.

"K-kayo?! Kayo ang nagpagawa sa akin nun? Mahal ko pa buhay ko kaya ko nagawa yun!", umiiyak na sabi ni KD. Hindi sila nagalit kay KD kasi nga napaka-buting nilalang nitong bata ito.

"Angela, bakit? Bakit mo ginagawa 'to?!! Hindi ka naman ganyan ah!!!", sigaw ni Claire.

"Kayo ang gumawa sa'kin nito Clarita! Kaya hindi ako titigil hangga't hindi kayo nauubos! Mabait pa nga ako kasi magtitira ako ng lima.", sabi ni Angela.

"Hayop kayo! Hindi lang kayo killer, sinusunog na kayo dito pa lang!", sigaw ni Claire. At yakap siya ni Kayla S.

Masakit sa'kin ang sinabi ni Claire dahil kaibigan ko siya pero kailangan kong tigasan ang puso ko, hindi ako pwedeng maawa sa kanila. Kinuha ni Jom ang kanyang kutsilyo mula sa bulsa at hinagis kay Claire, naka-iwas naman ito at sa braso lang niya tumama ang kutsilyo.

"Claire!", sigaw nila lahat.

Kinuha ni Macu ang malaking bubog sa sahig mula sa bintanang tinalunan ni Bea at sinugod si Jom.

"Bakit mo ginawa kay Claire 'yun!!!", galit na galit na sabi ni Macu.

Nagsipuntahan ang lahat sa sulok at tinulungan si Claire na gamutin ang natamong sugat. Medyo malalim ang hiwa sa braso niya kaya madami ring dugo. Sa tuwing nakakakita ako ng dugo naaalala ko yung nangyari noon. Naisip kong kailangan kong tulungan si Jom. Kinuha ko ang balisong ko mula sa aking bulsa at sinugatan ko ang dalawang hita ni Macu kaha natumba siya. Hinawakan ko ang buhok ni Macu at iniangat ang kanyang ulo.

"Nakikita nyo ba 'to ha?!", sigaw ko sa kanilang lahat na nakatingin dito.

"Kapag walang nangyaring patayan dito! Ganito ang mangyayari sa pamilya nyo!!!!!"

Dahan-dahan kong nilaslas ang leeg ni Macu kagaya nung ginawa ko kay Vinni.

"WAAAAAAAGGGGGGG!!!!", sigaw nilang lahat.

"Ayan ganyan! Ganyan gagawin ko sa pamilya niyo kapag hindi kayo nagpatayan!"

"AAAAAAAHHHHHHHHH DUGOOOOO!!!!!", sigaw ni Ella.

Nagsitayuan silang lahat at naiwang nakaupo si Kayla D at ang punong-puno ng dugo na si Kennard.

"KD BAKIT?!", tanong nilang lahat. Well, ako din nagtaka. Pero nagtaka rin ako kung paano niya napatay si Kennard ang ganun kabilis. Sabagay, di mo rin naman aakalain na kaya rin palang pumatay ni Kayla D.

"Nagawa ko na kay Em diba? Ililigtas ko family ko.", umiiyak na sabi ni KD.

Nabuksan na ni Lance yung pinto kaya nakalabas kaming lahat.

"LET THE GAME BEGIN!!!", tumatawa kong sigaw.

___________

4D26S3KTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon