Chapter 5: Silencio!

248 18 1
                                    

MADELEINE'S POV

"Em, tulungan mo ko...."

"S-sino ka?"

"Hindi mo na ba ako nakikilala Em?"

"Hazel? Hazel!"

Lumabas mula sa kawalan si Hazel, nasa harapan ko siya ngayon. Nakikita ko ang mga butas sa mga mata niya at ang bibig niya na nakahulog na dahil sa napakahabang hiwa.

"Em, kaibigan kita diba?"

"Oo Hazel."

"Pwede mo bang ibigay sa akin ang isa mong mata? Kasi dalawa naman 'yang iyo ako wala na."

"Akin na, dukutin natin!"

"Hazel WAAAAAAAGGGGGG!!!!!!!"

***

Nagising ako at naramdaman kong nakatali ako. Napansin kong nasa isa akong kwarto. Sisigaw sana ako ngunit may sumampal sa akin.

"Subukan mong sumigaw! Diba ayaw mong magsalita? Ngayon wag ka magsalita, bawat isang salitang babanggitin mo, tutumbasan ko ng isang napakagandang BACKSTITCH. OKAY BA?", sabi nung taong nasa harap ko.

"Hoy, Nasaan ba ko?", tanong ko sa kanya at bigla kong tinakpan ang aking bibig.

Nakita ko siyang nagbibilang gamit ang kanyang daliri at mahinang sinasabi ang nasaan ba ko. Kumuha siya ng makapal na sinulid at at nilagyan ito ng karayom.

"Please, nakikiusap ako sa iyo, wag mong gawin 'to."

"4 plus 9 equals 13. 13 na tusok, 13 na hila, 13 times mong mararamdaman ang paghigpit ng karayom sa bibig mo. Kaya ngayon permanente ka ng mananahimik!", at bigla siyang tumawa na parang demonyo.

Ipinasok niya ang karayom sa dulo ng labi ko at nagbilang siya hanggang labing-tatlo. Nakangiti siya habang paulit-ulit na nilulusot ang karayom sa bibig ko. Halos kalahati na ng labi ko hindi ko maibuka.

"Oo nga pala, kapag napuno na yang bibig mo ng tahi, gagamitan natin ng sewing machine yang dalawang kamay mo hanggang sa magdikit pagtapos iitakin ko yang ulo mo nang matahimik ka na. Tumahimik ka na ng tuluyan! At kapag sumigaw ka, bibilangin ko ang duration ng sigaw mo!"

Takot na takot ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko para makaalis dito. Umiyak na lang ako ng umiyak at maya-maya lumapit siyang may dalang kahon. Binuksan niya iyon at ibinuhos ang laman sa akin.

Gumagapang sa katawan ko ang mga earthworms, ang mga ipis at tumatalon-talon sa pantalon ko ang mga palakang may malaki at may maliit. Nakita ko sa box ang nakasulat na 13 pcs/each.

"Mweeeaahhhhnhh! Amlisin mo ang mga itmo! Demonyo kmaa, mamamatay tmao! Napakma-hmayop mo. Mamatmay kma sanma! PAPATMAYIN KMITA!!!!", n-napasigaw at nagsalita nanaman ako.

"3 seconds na sigaw, 17 na salita. 20 na tahi. Ready ka na ba?", at tumawa ulit siya ng napakalakas.

Tinuloy niya ang pagtatahi sa labi ko hanggang sa pisngi na ang inabot nito."

"Diba ang tahi binubuhol, alam mo yan? Kaya ibubuhol natin para matibay. BWAHAHAHAHAHAHAHAHA!",

"MMMMMMMMMMMMMXHHDHDYEUSJ!", wala nang salita ang lumalabas sa bibig ko.

Pinasok niya ulit ang karayom sa pisngi ko at binuhol.

"COMPLETE!", nakangiti niyang sabi.

Hinila niyang upuan ko at inilapit sa sewing machine. Tinahi niya nang tinahi ang kamay ko, hindi ko na ramdam ang mga sakit, parang namanhid na ko. Kinuha niya ang itak at pumunta sa harap ko.

"BALIK TAYO SA TRESE. PAALAM EM, SILENCIO!"

At ang susunod na nangyari ay hindi ko na alam. Basta alam ko lilisan na ko ng mundo.

_________

#Silencio

-prinsipetimoteo. :)

4D26S3KTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon