Chapter 19: Final Wave

174 8 1
                                    

ANGELA'S POV

Traydor! Traydor kayong lahat. Papatayin ko kayo, hindi ko hahayaan may isa sa inyo ang makalabas dito. Wala na! Wala nang makakalabas pa dito, miski ang mga bangkay nyo, mabubulok dito sa lugar na ito. HAHAHAHA! Hintayin niyo lang ako, magsasanib pwersa pa kayo. Hindi ko man alam yang gagawin niyo, hahanapin ko kayong lahat at sisiguraduhin kong magmamakaawa kayo sa harap ko.

KAYLA SARINAS' POV

Sa sobrang laki nitong lugar na ito, nahihirapan kaming hanapin si Angela. Mabuti na lang at magkakasama na kaming lahat, nasaan na kaya si Angela? Nakakalungkot naman dahil matapos namin maging magkakaibigan nila Angela, ngayon ang hangarin namin ay mapatay siya dahil kung hindi, kami ang mamamatay.

"Guys, hangga't hindi natin nakikita si Angela, di tayo pwedeng maghiwalay. Dahil baka may mawala nanaman isa.", sabi ko sa kanila.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa may narinig kaming putok at sumigaw si Allyxa.

"Ang sakit! Aray!", sabi ni Allyxa. May tama ng baril sa kanang binti niya.

"Andun! Andun si Angela...", sabay turo ni Kayla D sa may pinto.

Mabilis na tinalian ni Bryan ng tela mula sa kurtina na nakasabit sa may bintana at tinali ito sa sugat ni Allyxa.

"Tabing, kaya mo ba maglakad?", tanong ko sa kanya.

"Oo kaya ko...", dahan-dahang tumayo si Tabing at nagpatuloy kami sa paglalakad. Tinungo namin yung sinabi ni Kayla D at siya ang sinundan namin sa tatahaking daan. Narating na namin ang dulo ng hallway mayroong pintuan dito. Binuksan ko 'yun at nakita namin ang napakaraming tv, damit, dugo, grinder at baril. Pumasok kaming lahat sa loob nang biglang sumara ang pinto at kagagawan 'yun ni Angela.

"Di ko na kayo pahihirapan. Alam kong ako ang hinahanap niyo. Tama ako diba?", tanong niya.

"Angela, itigil mo na 'to. Nakikiusap ako sa'yo!", napaluha ako habang kinakausap si Angela.

"Muntik na nila akong patayin, pero itong ginagawa kong pagpatay, bawal? Sila pwede, pero pag ako bawal?", sigaw ni Angela na mahahalata mong puno ng poot.

"Kagaya nga ng sinabi mo Angela, SILA. SILA ang pumatay sa'yo pero bakit kami madadamay?", tanong ni Timothy.

"Nasaan kayo nung pinagtutulungan nila ako? Wala! Wala miski isa sa inyo na tumulong. Yung tinatawag akong kaibigan, asan sila? Wala rin! Wala kayong lahat nung oras na pinahihirapan ako!", naluluhang sigaw ni Angela.

"Wala na si Jom. Patay na siya, at alam mo ba kung ano ang huling salitang sinabi niya habang naghihingalo siya sa mga kamay ko? Sinabi niya na hanapin ko sila para tulungan silang patayin ka! Tignan mo, pati kanang kamay mo, tinalikuran ka.", sabi ni Kayla D.

"Mabuti lang sa kanya 'yun dahil traydor siya at pinatay niya si Sweet!", galit na sabi ni Angela.

"Sinong Sweet?!", tanong ni Bryan.

"Wala! Wag niyo nang alamin, ang alamin niyo ngayon ay kung pano kayo makakatakas dahil papatayin ko na kayo.", sabi ni Angela.

"Mauuna ka...", sabi ni Kayla D at kinuha ang dalawang buto na pinangsaksak niya kay Pam at sinugod si Angela. Inilabas ni Angela ang kanyang baril at natamaan niya ang braso ni Kayla D, pero hindi siya natinag at tuloy pa rin ang pagsugod ni Kayla D. Tinulungan na namin siya at ang hirap patayin ni Angela kahit magisa lang siya.

May mga galos at pasa na si Angela sa katawan, ganun din kami. Mabuti nalang at wala nang bala ang baril ni Angela matapos nung patuloy na pagpapaputok niya na dumaplis lang naman kay Kayla D. Kinuha ni Angela ang isang espada na display sa hallway ng villa. Kaya pala nawawala kahapon, nasa kanya na pala.

"Ngayon kayo lumapit.", sabi ni Angela.

"Hindi ako natatakot diyan sa espada mo!", sigaw ni Kayla D at biglang tumakbo palapit kay Angela, bigla siyang dumaan sa gilid at nasaksak sa tagiliran si Angela at naputol naman ng espada ang paa ni Kayla D, kaya natumba siya. Biglang tumakbo si Angela palapit sa'min nang biglang hawakan ni Kayla D ng paa niya, at natalisod siya. Tumalsik palayo sa kanya ang espada. Nilapitan ko siya at sinampal ng napakalakas.

"Bakit mo ako sinampal?!", tanong ni Angela.

"Angela, gumising ka nga katotohanan. Kung alam mo lang na gusto ka naming tulungan nung pinahihirapan ka nila. Pero di namin kaya dahil natatakot kami! Natatakot kaming baka pati kami madamay. Kilalang kilala mo sila Froilan at alam kong alam mo kung ano ang kaya nilang gawin mabully ka lang. Kaya Angela, kung sa tingin mo hindi ka namin gustong tulungan, I'm sorry pero gustong gusto namin.", umiiyak kong sabi sa kanya at nakita kong tumulo na ang kanyang luha.

"Kayla S...."

Niyakap ko siya nang mahigpit. Sobrang higpit na yakap.

"Patawarin mo ko KS. Pero hindi ako pwedeng tumigil.", nagulat ako nang bigla niya kong saksakin ng balisong sa likod.

"Kayla S!!!!!", narinig kong sigaw nilang lahat bago ako matumba.

JOSEPH'S POV

Natumba na si Kayla S nang makarinig kami ng isang putok ng baril sabay natumba si Angela sa sahig at may tama ng baril sa ulo. Nakita ko si Jom sa pintuan at natumba na rin. Tumakbo kami palapit kay Kayla S, at binuhat namin siya palabas ng villa na ito.

_____________________

Next Chapter: Epilogue

4D26S3KTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon